Naging komplikado lalo ang sitwasyon sa pagitan ni Catherine at ni Manilyn. Hindi lumabas ng kwarto sa buong maghapon ang kanyang ina kaya naman ay binabagabag sya ng konsensya dahil pakiramdam nya ay sya talaga ang nagdulot ng problema sa pamilya nya.
Wala ang daddy nya at nagtungo sa bahay nila Samuel upang pag-usapan ang sa kanila. Hinayaan nya na sumama ang binata sa parents nito pauwi kahit na ayaw pa nitong sumama nung una.
"Catherine."
Napatingin sya kay Nesya na nakahilig sa pintuan ng kusina. Napahinga sya ng malalim at hininto ang paghalo sa gatas na tinimpla nya.
"Akala ko ba ay hindi na kayo babalik? Bakit bumalik pa kayo? Tignan mo, lalong nagdulot ng problema ang pag-uwi nyo." sumbat nito, kaya tinignan nya ito.
"Kahit naman nangako ako na hindi na kami uuwi ay may karapatan parin akong umuwi rito dahil pamamahay ko rin ito." tinignan nya ito dahil ngayon nya lang napagtanto na parang gustong-gusto nito na umalis sya ng bahay nila, "Bakit ba atat na atat ka na umalis ako ng bahay?"
Kita nya ang pagsama ng timpla ng mukha nito sa tanong nya, at lumapit ito sa kanya.
"Dahil wala kang karapatan lalo't suwail kang anak. Hindi ka na naawa kela Mommy, puro kasi kalandian ang inatupag mo."
Para namang puputok ang ugat nya sa sentido dahil sa sinabi nito. Sabi na nga ba nya ay balat-kayo lang ang pagtulungan nito sa kanila. At nakikita nya ang tunay na dahilan kung bakit sila nito tinulungan.
"Kahit nagpasaway ako wala parin magbabago dahil anak akong tunay, eh ikaw? Ampon ka lang. Alam mo, kaya siguro tinulungan mo kami na makaalis ng bahay ay dahil plano mong ikaw ang mag-astang anak upang magpakabait kela Mommy at para ituring kang anak."
Kita nya ang panggigigil nito habang nakatingin sa kanya ng masama. Huminga ito ng malalim at humalukipkip bago ngumisi.
"Ikaw, anak ka siguro sa labas.." ani nito na kinaakyat ata ng dugo nya sa ulo, "Yung lalake kanina, tiyak na malaki ang koneksyon no'n sa'yo.. Baka nga iyon ang tunay mong ama at hindi si Daddy.. Oh, 'di ba, kapag nagkataon ay pwede na kayo ni Samuel. Kaso nga lang..." tumigil ito sa pagsasalita at naglakad patungo sa likod nya, "Hindi ka ford. Wala kang bakas ng dugong ford. Lahat ng nasa paligid mo ay hindi totoo, dahil lahat ng pinakita sa'yo ay puro kasinungalingan."
Pagkatapos nitong sabihin iyon ay humalakhak ito bago sya iwanan. Napakuyom sya ng kamay at hindi nya napigilan na masaktan lalo't talagang natatamaan sya. Pakiramdam nya ay may tinatagong lihim sa kanya ang kanyang ina.
Binitbit nya ang gatas patungo sa kwarto nya upang doon na lamang iyon inumin, ngunit napatigil sya sa harap ng pinto ng kwarto nya bago sya napatingin sa kwarto ng parents nya.
Lumakad sya palapit doon, nagdadalawang-isip sya kung kakatok ba sya o hahayaan nalang ang mommy nya? Nais nyang magtanong kahit pa alam nyang galit ito sa kanya. Hindi parin mawala sa isip nya ang nalaman na merong namamagitan rito at sa ginoong si Richard.
Pakiramdam nya kailangan nyang magtanong upang may malaman. Kaya kahit alangan ay pinihit nya ang pinto at dahan-dahan na binuksan. Sumilip sya at nakita nya ang ina na nakaupo sa isang silya habang nagpupunas ng luha. Napayuko sya dahil sa nakita, pero tinatagan nya ang loob at unti-unting humakbang papasok. Nang maisara nya ang pinto ay napalingon ito pero agad ding umiwas at tumigil ito sa pag-iyak.
"Anong ginagawa mo rito? Iwanan mo ako at gusto kong magpakaisa."
Napahigpit ang hawak nya sa baso ng gatas na tinimpla nya at napabuntong- hininga sya na lumakad palapit rito. Huminto sya ng ilang pulgada lang rito at tumingin rito.
"Mommy, totoo po bang pinalaglag nyo ang pinagbubuntis nyo noon kay Mr. Richard?"
Natigilan ito at kita nya ang panginginig ng kamay nito na hawak ang panyo nito.
"Wala kang kinalaman doon kaya wag mong itanong sa akin 'yan.. Pwede ba, iwanan mo muna ako at baka mas dumagdag ang sama ng loob ko sa'yo."
Napalunok sya at kumirot ang dibdib nya sa sinabi nito. Napahinga sya ng malalim at lumapit pa rito. Nilapag nya ang baso ng gatas sa table na nasa harap nito, at tinignan nya ito ngunit umiwas ito ng tingin habang seryoso ang mukha.
"I'm sorry, Mommy. Sana po ay mapatawad nyo ako sa ginawa ko pong pagsuway sa inyo, pero hindi po ako magsisisi na nakipagtanan kay Samuel. Kahit po na kasalanan itong relasyon namin at kasalanan po itong magiging baby namin, hindi parin mo mapapantayan ang saya at pagmamahal na nararamdamin sa isa't-isa.. Kaya.....kung hindi nyo man po kami matanggap, ayos lang po. Pero sana kahit itong magiging apo nyo nalang po ang matanggap nyo."
Pagkatapos nyang sabihin iyon ay tumalikod sya. Nakahinga sya ng maluwag kahit papaano dahil nasabi nya ang saloobin nya. Lumabas sya ng kwarto nito at tinungo nya ang kwarto nya.
Nanlalata na naupo sya sa kama at napahawak sa tiyan nya. Tila tinatablan na naman sya ng pagbubuntis nya. Nahiga sya at pumikit upang sandaling magpahinga dahil napagod rin sya sa byahe nila pauwi.
-
Sigaw, at pagkataranta ang syang nagpagising sa kanya mula sa sandaling pagkaidlip. Napaupo sya at napatingin sa pinto dahil nakakarinig sya ng sigaw sa labas kaya bumaba sya ng kama at sinuot ang flat shoes bago tinungo ang labas.
Nakita nya ang paghangos ng Daddy nya na tinungo ang kwarto nito kung nasaan ang mommy nya. Agad syang nilukuban ng kaba at dali-daling tinungo iyon lalo't doon nya naririnig ang boses ni Nesya.
Pagpasok nya ay napatakip sya ng bibig at nanginig ang kamay nya ng makita na bumubula ang bibig ng mommy nya. Agad syang lumapit at napaiyak.
"Dad, w-what happen?"
"I don't know. Kailangan natin syang dalhin sa hospital!"
Hindi na nagpatumpik tumpik pa ang daddy nya at buhat-buhat ang mommy nya na mabilis na nilabas ito. Napasunod sila ni Nesya. Nakita nya si Samuel na kasama ang kapatid nyang si Zach. Agad na lumapit ito sa kanya kaya napahawak sya sa t-shirt nito dahil nanginginig sya sa kaba habang walang patid ang pagluha nya.
"Anong nangyari sa kanya?"
"Hindi ko alam, kailangan natin na sumama kay Dad."
Tumango ito at inakbayan sya habang hawak nito sa kamay si Zach.
"Dumito nalang kayo, Catherine.. Ako na ang sasama kay Dad at Mom. Walang maiiwan sa bahay at bawal si Zach sa hospital."
Natigilan sila sa sinabi ni Nesya na agad ding nagmadaling sumibat pasunod sa dad nya. Nais man nyang sumama ngunit tama ito. Bawal si Zach sa hospital lalo't baka mahawa ito ng sakit, at walang magbabantay ng bahay nila.
Hindi sya mapakali habang nakaupo sila sa sofa at naghihintay ng balita. Nasabi na rin ni Samuel sa parents nito ang nangyari sa Mommy nya kaya ang mga ito ang sumunod sa hospital.
"Ate, mommy is sick?"
Napatingin sya kay Zach na katabi nya habang may hawak na libro at binabasa ang aralin nito sa eskwela.
"I don't know, Zach.. But I know, mommy will be okay."
Tumango ito kaya hinawakan nya ito sa ulo at hinaplos nya ang buhok nito habang umiiyak sya.
"Tahan na, Candy, baka makasama sa'yo 'yan."
Tumingin sya kay Samuel na hinahagod ang likod nya at katabi nya ito.. Hinawakan nito ang mukha nya at pinunasan ang luha nya.
"Kinakabahan ako, Samuel.. B-Baka anong mangyari kay Mommy."
Umiling ito at hinila ang ulo nya palapit rito at hinalikan sya sa noo.
"Don't overthink. She will be okay... Stop crying now." pag-aalo nito.
Yumakap sya rito at sinubsob nya ang mukha sa leeg nito. Hindi parin nya mapigilang mapaiyak dahil pakiramdam nya ay sya ang may kasalanan, dahil baka masyado itong nastress sa problemang dinulot nya.
Exactly seven evening, her Tita Beatrice call and said that her mom is now okay. Nakahinga sya ng maluwag dahil sa balitang iyon. Para syang nabunutan ng tinik. Halos hindi sya matigil sa pag-iyak dahil sa pag-aalala, but now she feel relief..
"I told you that she's a strong woman. Tsk." piningot ni Samuel ang ilong nya kaya napangiti sya at hinawi ang kamay nito.
"Oo na.. Hindi lang talaga ako mapalagay kanina dahil ang tagal bago binalita nila Tita na ayos na si Mommy."
Nakasandal si Samuel sa main door nila habang nakasandal naman sya rito at habang yakap sya nito. Hinihintay kasi nila na makauwi ang isa man sa magbabalita sa kanila, pero tumawag na ang Tita nya at sinabi nga nito na okay ang mommy nya at baka magconfine muna ito ng ilang araw para sa paniniguro sa nangyari rito.
"Ano kaya ang nangyari kay Mommy kaya bumula ang bibig nya?" tanong nya sa binata at nilingon ito. Iyon ang umiikot sa isip nya.
Ano ang dahilan ng pagkakahospital ng mommy nya?
Hindi pa muna sinabi sa kanila ng Tita nya ang dahilan dahil nga tila taranta na rin ang mga ito.
"Baka may nakain sya or baka may sakit ang mommy mo na hindi nya sinasabi?"
Bigla ay may naalala sya, pero bigla syang napatingin sa dumating na kotse. Agad silang napaayos ng tayo ni Samuel ng makita ang tita at tito nya. Inalalayan sya ni Samuel para lapitan at upang salubungin ang mga ito.
"Mom, kumusta si Tita?" tanong agad ng binata na inunahan sya.
Napahinga ng malalim ang parents nito at napatingin sa kanya kaya kinabahan sya at medyo naiilang sya sa mga ito lalo't wala pa silang pormal na pag-uusap mula ng umuwi sila ni Samuel.
"Manilyn is okay, pero dahil sa lason na kanyang nainom ay kailangan pa sya na obserbahan."
Napamaang sya at nagkatinginan sila ni Samuel. Napalunok sya at biglang dinumbol ng takot habang naiisip nya na ang dahilan kaya kung bakit nalason ang mommy nya ang binigay nyang gatas kaya nalason ang mommy nya?
"Hija, sumama ka sa amin pabalik ng hospital. Nais kang makausap ni Kuya Xander."
Napalunok sya at tumango, napatingin sya kay Samuel na pinigil sya nito sa braso habang nakatingin sa magulang nito.
"Sasama ako, Mom." ani nito.
"Wag na, bantayan mo nalang muna si Zach, at kami na ang sasama kay Catherine."
"But mom..."
Hinawakan nya ang kamay nito kaya napatingin ito sa kanya dahilan kung bakit din ito natigil sa pagsasalita.
"Samsam, dito ka muna please.. Bantayan mo muna si Zach para sa akin."
Kita nya ang pagtutol nito pero tinignan nya ito na nangungusap. Napikit ito saglit at napabuntong-hininga.
"Okay.." napangiti sya, "Pero mag-iingat ka sa paglalakad at baka matisod ka." dagdag nitong bilin at hinawakan sya sa kamay.
"Oo, mag-iingat ako.... Sige na."
Mabigat na napabuntong-hininga ito at napatango bago sya hinalikan sa noo, kaya tila sya namula ng tumikhim ang mommy nito.
Tumingin lang sya saglit kay Samuel at lumapit na sya palapit sa parents nito.
Sa sasakyan, tahimik lang sya at nakatingin sa bintana dahil nahihiya sya na magsalita. Hindi tulad dati na kaya nyang makipagdaldalan sa mga ito.
"Catherine, naipatingin mo na ba ang pinagbubuntis mo?"
Gulat na napatingin sya sa Tita Beatrice nya ng magtanong ito tungkol sa pagbubuntis nya.
"Hindi pa po.." mahina nyang tugon at napayuko.
"Wag ka nang mahiya sa amin.. Tanggap namin ang sa inyo ni Samuel."
Napaangat sya ng tingin at napabuka-sara ang bibig nya sa sinabi nito. Nakalingon ito sa kanya at ngumiti. Hindi nya akalain na tanggap na pala sya ng mga ito. Parang nagkaroon ng saya sa puso nya na malaman iyon.
"Pero po, hindi po ba kayo nagagalit dahil magpinsan kami ni Samuel para magkaroon ng relasyon?" alanganin kong tanong.
"Sabihin na natin magkaiba kayo ng tubo ng anak ko kaya hindi pareho ang tubig na pinagdadaluyan nyo.."
Naguluhan naman sya sa matalanyagang palaisapang sinabi nito. Ngumiti lang ito at tumingin sa Tito nya. Huminto na ang sasakyan kaya napatingin sya sa labas at doon nya nalaman na narito na pala sila.
Kinakabahan na sya habang tinatahak nila ang daan kung nasaan nakaroom ang mommy nya. Napatingin sya sa tita nya ng hawakan sya nito sa balikat.
"Don't worry, we are here for you."
Napahinga sya malalim at napangiti rito dahil kahit papaano ay nagkaroon sya ng lakas ng loob..
V.I.P room..
Binuksan nya ang pinto at nauna syang pumasok. Agad na bumungad sa kanya ang daddy nya na nakaupo sa gilid ng higaan ng mommy nya at napalingon sa kanila. Napatingin sya kay Nesya na nasa sofa. Hindi nya pinansin ito at lumapit sya sa higaan kung nasaan ang mommy nya na wala paring malay.
"Mabuti at narito ka na, Anak."
Tumingin sya sa Daddy nya na tumayo mula sa pagkakaupo sa tabi ng mommy nya. Hinawakan sya nito sa balikat at inaya upang medyo lumayo sila sa Mommy nya.
"Nalaman ko na ikaw ang nagpainom ng gatas sa Mommy mo.."
Kumabog lalo sa kaba ang dibdib nya sa sinabi nito. Sabi na nga ba nya at ang dahilan ng pagkalason ng Mom nya ay ang gatas na tinimpla nya, pero wala syang lason na nilagay doon. Sya nga dapat ang iinom no'n pero dahil nais nyang may maoffer sa mommy nya ay binigay nya iyon rito na pinagsisihan nya.
"A-Ako nga po, Dad, pero paanong magkakalason po iyon? Wala po akong nilagay doon."
"Oh really? Baka naman nais mo nang patayin si Mommy para wala ng tumutol sa maling pagmamahalan nyo ni Samuel?"
Napatingin sya kay Nesya na sumabat habang nakatayo na at nakahalukipkip na nakatingin sa kanya na animo'y sya ang sinisisi.
"Hindi ko magagawa kay Mommy iyon. Dapat sa akin iyong gatas na iyon..."
"Pero bakit kay Mommy mo binigay? Tsss, umamin ka na kasi na talagang nilagyan mo ng lason ang inumin nya para mamatay sya."
Bumigat ang hininga nya dahil sa pagbibintang sa kanya ni Nesya.
"Hindi ko nga gagawin iyon kay Mommy! Hindi ko sya magagawang patayin dahil Mommy ko sya! Sana nga hindi ko nalang binigay sa kanya yung gatas para ako nalang ang nalason at nakaratay ngayon at hindi sya!"
Hindi nya mapigilan na mangilid ang luha dahil parang naiipit sya at mahina ang loob nya na ipagtanggol ang sarili.
"Enough both of you. Wag kayong magsigawan dahin baka marinig pa ng Mommy nyo ang sigawan nyo..." suway ni Xander na napahinga ng malalim at napatingin ito sa kanya, "Sigurado ka ba anak na wala kang ibang nailagay sa gatas? Tinignan mo ba kung gatas iyong nailagay mo?"
Mas lalong bumigat ang nararamdamang sakit sa puso nya sa tanong ng kanya Daddy. Pakiramdam nya ay hindi ito naniniwala sa kanya.
"Dad, kahit hindi nyo na po itanong sa akin yan ay alam ko at malinis ang konsensya ko na wala pong lason ang gatas."
Kita nyang nabahala ito at humawak muli sa balikat nya.
"Hindi sa ganun, anak, ang nais ko lang sabihin ay baka may aksidente kang nailagay na ibang sangkap?"
Napaisip sya pero umiling sya dahil wala talaga syang maalala na may iba pa syang nailagay bukod sa gatas at konting asukal. Napahinga ng malalim ang daddy nya at napahilot ng sentido bago tumalikod.. Napalunok sya at nais nya sanang hawakan ito dahil tila sumasakit na ang ulo nito sa lahat ng kagagawan nya.
Lumipas ang ilang mga oras ngunit hindi parin nagigising ang mommy nya. Kita nya ang lungkot sa mukha ng Daddy nya kaya lalong bumigat ang damdamin nya.
Tumayo sya dahil nais nyang magpahangin muna dahil parang bumibigat ang nararamdaman nya.
"Saan ka pupunta, Hija?" Mahinang tanong ng Tita nya ng mapansin ang pagtayo nya.
"Magpapahangin lang po saglit."
Tumango ito at napahinga ng malalim, "Mag-iingat ka."
Tumango rin sya at lumakad na. Paglabas nya ay hindi na nya napigilan pa na bumuhos ang luha nya.
Nilakad nya ang hallway habang patuloy sa pagbuhos ang kanyang luha. Sa maliit na chapel ng hospital sya napadpad. Naupo sya sa isa sa mga silya. Wala ni isang tao kaya tahimik syang natulala.
Bakit lahat ng nangyayari ngayon ay puro kasalanan nya?
Gusto nyang tanungin ang diyos kung talaga bang ang nagagawa ng kasalanan nya ay magdudulot ng karma sa taong malapit sa kanya?
Gulong-gulo na sya at naririnig nya ang lahat ng saloobin ng taong mahal nya. Paulit-ulit na umeecho sa isip nya ang larawan ng kanyang ina na nakahimlay sa higaan at walang malay. Maging ang huli nitong sinabi, at maging ang relasyon nito sa ginoong si Richard ay binabagabag sya.
Bumalik sya kahit na mabigat parin ang loob nya dahil imbes na makaluwag sa pagpapahangin nya ay mas lalo lang sumama, ngunit ang pag-iyak nya ay napalitan ng pagkalito ng makita nyang humahangos ang mga doctor na pumasok sa room ng mommy nya. Dahil sa kabang nararamdaman ay agad syang nagmadaling sumunod sa mga ito at agad na pumasok ng room.
Nakita nyang nanginginig at bumubula ang bibig ng mommy nya kaya napatakip sya ng bibig at tila nanigas sa kinatatayuan nya. Ang naudlot na luha ay muling tumulo habang damang-dama nya ang kabog ng dibdib nya sa takot.
"Mommy..." Iyak ni Nesya.
Napatingin sya sa Daddy nya na hindi man umiiyak pero kita nya ang pagkabahala at takot sa mukha nito. Habang ang Tito nya ay nakaalalay sa Tita nya na umiiyak na rin.
Tunog na nagmumula sa monitor kung saan nakakonekta ang heartbeat ng Mommy nya ang nakapukaw sa kanya. Kita nya ang pagderetso ng linya na iyon at parang nanlamig ang lahat sa kanya ng makitang bigla nalang dumeretso lahat ng linya kasabay ng pagtigil ng paggalaw ng katawan ng Mommy nya.
Wala syang marinig. Para syang natuliro at hindi makagalaw sa kinatatayuan nya. Nakita nya ang pagwawala ng Daddy nya habang niyuyog ang Mommy nya. Kita nya ang pag-iyak ni Nesya. At kita nya ang lungkot at hindi matawaran na iyak ng Tita nya.
"M-Mommy.." mahinang nabigkas nya habang nanghihina na unti-unti syang humakbang palapit.
"Time of Dead; 11;30 pm.." marami pang sinasabi ang doctor pero napapailing na sya.
"N-No! N-No!"
Nang marinig nyang sinabi iyon ng Doctor ay parang gumuho ang mundo nya. Lumapit sya sa mommy nya at napahagulgol na hinawakan ito sa kamay habang nakatingin sa Daddy nya na yakap-yakap ito at niyuyugyog upang magising.
Tumaas-baba ang dibdib nya at hindi sya makahinga dahil halo-halo ang emosyon nya.
Hindi nya matanggap na wala na ang Mommy nya. Hindi nya matanggap na dahil sa gatas na binigay nya ay namatay ito. Hindi nya matanggap na hindi man lang sila nagkaayos. At lalong hindi nya matanggap na dahil sa kanya kaya nasasaktan ngayon ang Daddy nya.
Sa kanilang bahay binurol ang labi ng kanyang ina. Maraming tao ang nakiramay lalo na ang mga tao sa bf island na malaki ang pagtanaw ng utang na loob sa pamilyang ford.
Tulala sya habang nakaupo at nakatanaw sa kabaong pinaglalagyan ng kanyang ina. Nasa tabi nya si Samuel na hindi sya iniwan.
"Candy, tara na sa loob. Magpahinga ka muna."
Wala syang naririnig, basta alam nya lang na inakay sya ni Samuel.
"Catherine..." si Nesya na hinarangan sila.
"Pwede ba, Nesya, wag mo munang kausapin si Catherine."
Agad na pinigil ni Samuel si Nesya sa nais nitong isumbat sa nobya.
"Bakit? Dapat lang na ibaon sa kokote nya na sya ang may kasalanan kaya namatay si Mommy. Kung hindi dahil sa gatas na binigay nya ay baka ngayon ay buhay pa si Mommy!" Sumbat nito na kinatiim-bagang nya.
"Hindi nya kasalanan iyon, at aalamin ko ang lahat oras lang na mailibing si Tita. Oras na malaman ko na ikaw ang may kagagawan ng lahat, sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan."
Hindi na hinintay ni Samuel na makasagot si Nesya at inakay na nya si Catherine na tulala ngunit tumatatak sa isip nito ang lahat ng sinabi ni Nesya.
Inalalayan nya ito sa kama nito. Gusto nyang mapaiyak dahil mula ng mamatay ang Mommy nito ay natulala nalang ito. Nag-aalala sya lalo't buntis ito. Ayaw nitong kumain at kung hindi nya susubuan ay hindi ito kikilos. Hindi din ito gumagalaw at kapag nakaupo lang ay nakaupo lang.
"Catherine, wala kang kasalanan, please, bumalik ka na sa dati." pakiusap nya rito.
Pero ganun parin at tulala ito. Niyakap nya ito at hinalikan nya ito sa ulo.
"Natrauma sya sa nangyari, at maraming gumugulo sa isip nya. Dahil sa sitwasyon nya ay hindi natin sya pwedeng painumin ng gamot. Kaya nababahala ako na lumalala ang sitwasyon nya at umabot sa hindi nya makayanan ang lahat.."
Nagpatawag sya ng doctor upang masiguro ang kalusugan ni Catherine. Napahilamos sya ng mukha at napasabunot ng buhok dahil hindi na nya alam ang gagawin upang bumalik sa katinuan ang dalaga.
"Advice ko lang, pagkatapos ng pagluluksa sa Mommy nito, dapat na ikunsulta mo agad sa psychiatrist."
Tumingin sya sa doctor at tumayo sya bago ito kwelyuhan.
"Hindi baliw ang girlpren ko, okay?! Nasabi mo nga na natrauma sya, pero hindi baliw na sinasabi mo."
Galit na galit sya at tila nagpanting ang tenga nya sa sinabi nito.
"Hindi ko sinasabi na baliw sya, Mr. Ford. Hindi ibig sabihin na kumunsulta sa psychiatrist ay baliw na. Kundi pagbibigay lang ng payo kung paano sya makakalabas sa emosyong pumapaloob sa kanya. Kaya hangga't maaga ay dapat na ikonsulta sya para alam mo rin kung paano mo sya dapat na gabayan, intindihin, at ipakita nandyan ka sa tabi nya. Iyon ang kailangan nya..."
Binitawan nya ang kwelyo nito at napahinga sya ng malalim habang napapalunok dahil sa kakapusan nya ng hininga.
"Sige, maiwan ko na kayo.. Kung kailangan nyo muli ng tulong ko ay anytime maaari nyo akong tawagan." sabi nito.
Umalis na si Doctor Andrew na syang sumuri kay Catherine. Naupo si Samuel sa tabi ng dalaga at kinuha nya ang kamay nito.
"Please.. misis ko, pagpakatatag ka. Narito lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwan."
Hinalikan nya ang kamay nito. Wala syang nakuhang sagot rito, kundi ipinikit lamang nito ang mata kaya napabuga sya ng mabigat na hangin. Tumabi sya rito at niyakap nya ito habang nanatiling bukas ang mata nya upang bantayan ito.