Kabanata 14 - Tattoo

3805 Words
Mula ng magtanan ay wala ng balita pa sa pamilya si Catherine. Pinagbawalan sya ni Samuel na buhayin ang phone, at manood ng television. Hindi man nya maunawaan kung bakit ayaw sya nito na panoorin ng palabas sa t.v ay hindi na nya sinuway ito dahil baka may dahilan ito. Natutulog pa ang binata ng magising sya, kaya dahil sa pagkainip ay naisipan nyang lumabas muna upang maglibot libot. Sumakay sya sa elevator at naglibot libot sa lobby ng hotel. Tinungo nya ang labas sa pinakagarden kung saan ang daan patungo sa swimming pool. Hindi naman masyado marami ang naliligo, kaya medyo tahimik sa parteng iyon. Sa sun-loungers, naupo sya at tumingin sa kalangitan. Napakaganda ng langit dahil namumutakti ang mga bituwin, at maliwanag na maliwanag ang buwan. Mabuti nalang at nagsuot sya ng cardigan kaya ang ihip ng hangin ay hindi masyadong nakakalamig sa balat nya. Napatingin sya sa isang foreigner at sa ginoong nakita nya sa lobby na may tattoo na kagaya ng pangalan nya. Masinsinan na nag-uusap ang mga ito, at base sa ayos ng ginoo ay tila nakakaangat ito sa buhay lalo't ang kausap nitong foreigner ay tila respetado. Napatingin ang ginoo sa kanya kaya napaayos sya ng upo. Nakita nya na nagpaalam ang ginoo sa kausap nitong foreigner, at kinabahan naman sya ng lumapit ito sa kanya. "Ikaw ang nakita ko sa lobby, right?" Naupo sya at tumayo, nakakahiya na kinakausap sya nito na gayung nakaupo sya. "Ako nga po.. Pasensya na po kung naistorbo ko po kayo kanina." Ngumiti ito at pumamewang, hindi nya maintindihan kung bakit ang gaang ng loob nya sa ginoo kahit ngayon lang naman sila nag-usap. Pero pakiramdam naman nya ay mabait ito, iyon agad kasi ang nararamdaman nya rito. "Anyway, I'm Richard Villegas.." naglahad ito ng kamay kaya malugod nyang tinanggap. "Catherine Andy Ford po." Napakuno't ito ng noo at tila natigilan, gaya ng reaksyon nito ng tawagin ni Samuel ang pangalan nya. "Catherine?" pag-uulit nito. "Yes po. Pasensya na po sa sasabihin ko, pero nakita ko po kasi yung tattoo nyo na may nakasulat na 'Catherine'.. Sino po iyan at bakit kapangalan ko po?" Naupo sila sa sun-loungers, at tumanaw ito sa mga naliligo habang sya hinihintay ito na magsalita. "Pangalan ito ng babaeng mahal na mahal ko. Isang araw, nalaman ko nalang na wala na sya at hindi ko alam kung saan sya naroon mapahanggang ngayon. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit sya umalis." Ramdam nya ang pangungulila, pagsisisi, at pagmamahal sa babaeng kapangalan nya. Nakaramdam sya ng lungkot para rito, kaya naman kahit nag-aalangan ay nilapat nya ang kamay sa balikat nito at hinawakan upang iparamdam ang pagdamay nya rito. "Siguro po ay may dahilan sya kung bakit sya umalis. Pero alam ko po na balang-araw, ang mga taong umaalis ay muli ring lilitaw sa harap nyo." Tumingin ito sa kanya at kita nya na ang pag-aliwalas na ng mukha nito. Napangiti ito at umayos ito ng upo na medyo nakaharap sa kanya. "Alam mo, napagaang mo ang loob ko.. At nang marinig ko na kapangalan mo na Catherine din ay parang nasa tabi ko lang din ang Catherine na mahal ko." Napangiti naman sya at hindi nya mapigilan na sumaya sa sinabi nito. "Ako din po, magaang po ang loob ko sa inyo.. Pakiramdam ko po ay kasama ko si Daddy." Nalungkot naman sya ng maalala muli ang pamilya nya. Napayuko sya at napahinga ng malalim. "May problema ba? Nasaan ba ang daddy mo?" Tumingin sya rito pero napatingin sya sa humatak sa kanya patayo. Nakita nya ang galit na mukha ni Samuel habang mahigpit na nakahawak sa braso nya. "Let's go, we need to talk." mariin nitong sabi. Napahinga sya ng malalim at tumingin sa ginoo na tumayo na rin habang nakatingin sa kanila. "Pasensya na po, Sir, babalik na po muna kami sa room namin." Ngumiti ito at tumango habang napapatingin ito sa kanila. Hinila na sya ni Samuel na hindi nya alam kung bakit galit na galit. Pagdating sa room nila ay napamewang ito at mabibigat ang hininga. "Damn, hinanap kita sa buong room pero wala ka kahit saang sulok. Sa lobby wala ka rin, maging sa restaurant. Tapos makikita kita na nasa swimming pool at kausap ang estrangherong lalakeng iyon!" "Ano bang kinagagalit mo? Nagpahangin lang naman ako dahil matagal din ang naging tulog ko. At ano naman kung nakipag-usap ako sa tao? Pati ba naman iyong ginoo ay pinagseselosan mo pa.." Hindi nya mawari kung ano ang pinuputok ng butchi nito. Umirap sya at nagdadabog na nagtungo sa sofa at naupo. Lalo syang napairap ng maupo ito sa tabi nya tila mahinahon na.. "Sorry...I'm just worried about you. And... I thought you leaving me." Tumingin sya rito, sinandal nito ang ulo sa sandalan ng sofa at napahilot sa sentido nito. Napahinga sya ng malalim at tinaas nya ang parehong paa sa sofa habang nakaupo. Pinatong nya ang dalawang kamay sa balikat ng binata at tinignan nya ito habang nakapatong rin baba nya sa kamay nya. "Don't worry, hindi kita iiwanan. Kahit na lahat sa paligid natin ay maging hadlang, mananatili parin ako sa'yo." Napatingin ito sa kanya at kinabig sya nito palapit rito kaya pinatong nya ang ulo nya sa dibdib nito. "It's good to hear that.." Tumingin sya rito at nakita nyang napangiti na ito. Ngumiti sya at piningot ang ilong nito kaya napatingin ito sa kanya bago hawakan ang kamay nya upang alisin. "Masyado ka atang paranoid.. May bumabagabag ba sa'yo?" tanong nya. "Wala, ikaw lang naman ang bumabagabag sa isip, puso, kaluluwa, at sa katawan ko." Hinampas nya ito sa dibdib at umalis sya sa pagkakasandal, habang ito ay napapahalakhak. "Heh!" Inirapan nya ito at humalukipkip sya. "Napakainit ng ulo mo, totoo naman ikaw lang ang bumabagabag sa buong pagkatao ko " Ngumiti ito at hinapit syang muli sa bewang palapit rito. Pinipigilan nya ang pagngiti at pinapanatili nyang asar sya kahit sa loob-loob nya ay kilig na kilig sya sa paandar nito. "Paano'ng hindi ako maiinis, palagi ka nalang nagbibiro kapag seryosong usapan." Ngumiti pa ito lalo at hinalikan sya sa pisngi, "Wala naman talaga kasing bumabagabag sa akin. Masyado lang akong natatakot na iwanan mo." Napahinga sya ng malalim at tinignan ulit ito. Akala nya ay sya lang ang nakakaramdaman no'n, maging ang binata pala. Kita nya sa kinikilos nito kung gaano sya kahalaga sa binata, kaya ang saglit na pagkawala ay naging takot para rito. "Hindi nga kita iiwanan sinabi. Sige, magpapaalam ako kapag lalabas ng room." "Hindi ka lalabas ng room ng hindi ako kasama. Mamaya ay may umaaligid na sa'yo ng hindi ko namamalayan." agap nito. Napangiti sya at hinalikan nya ito sa labi kaya nawala ang pagkuno't ng noo nito. "Okay po, Mister ko." Napangiti muli ito at sinakop ang labi nya kaya natawa na tumugon sya. Bumitaw din sya agad at inalis ang kamay nito sa bewang nya. "Tara, kain na tayo sa labas. Nagugutom na ako." aya nya rito habang hawak nya ito sa kamay upang itayo. Napapangiti na tumayo ito at inakbayan sya. Lumabas sila ng room at bumaba upang magtungo sa restaurant. Marami din ang kumakain ng pumasok sila. Nakita nya na napapatingin sa kanila ang mga kumakain, pero mas tamang sabihin na nakatingin ang mga kababaihan sa kasama nyang suplado. Kahit simple ang suot nito ay nakakaagaw pansin parin ang kagwapuhan nito. Naupo sila sa bakanteng lamesa at ang upuan ay isang couch. Magkatabi sila habang tumitingin sa menu. "Gusto mo ba nito, Candy?" tanong nito at tinuro ang rare steak kaya umiling sya. "Ayoko. Gusto ko itong mga shanghai roll, pasta spaghetti, at itong mushroom steak." Tumango ito at sinabi sa waitres na iyon ang gusto nya, tapos umorder din ang binata ng para rito. Tumingin sya rito dahil masyado itong makakapit sa kanya na halos wala ng space. Ke laki-laki ng couch ay parang wala na silang mauupuan sa sobrang dikit nito. "Umusog ka kaya." aniya kaya napatingin ito sa kanya. "Bakit, wala pa naman ang order natin? Mamaya na." ani nito at tumingin sa paligid habang ngiting ngiti kaya kinurot nya ang tiyan nito na kinadaing nito pero natatawa. "Clingly mo." aniya kaya tumingin ito sa kanya. Nagseryoso ito kaya nagtaka naman sya. "Bakit, ayaw mo ba ng ganito? Ganito kasi ang paraan ko ng pagbabakod sa'yo." walang paligoy-ligoy at straight to point nitong sabi kaya namula naman sya dahil sa sinabi nito. "Oo na.. Nakakahiya lang kasi sa space." Ngumiti na ito at pinisil ang bewang nyang hawak nito. "Ang cute mo talaga." pinisil nito ang pisngi nya kaya hinawi nya ang kamay nito at mahinang pinalo ito sa dibdib. "Heh!" Natawa ito, kaya napairap sya pero napapangiti naman. "Catherine.." Napatingin sya bigla sa tumawag sa pangalan nya, at nagulat sya ng makita sa harap nila si Mr. Richard Villegas. "Sir." Tumingin sya kay Samuel na ayaw alisin ang pagkapulot sa bewang nya. Kaya tumingin sya sa ginoo. "Maupo po kayo." Pinaunlakan naman nito ang anyaya nya kaya kaharap na nila 'to. "Pagpasok ko ay nakita agad kita kaya lumapit ako. Sya ba ang nobyo mo?" Tumingin sya kay Samuel at kita nyang naiinis ito sa presensya ng ginoo kaya humawak sya sa hita nito at pinisil. "Opo, sya po si Samuel. Samuel, sya naman si Mr. Richard Villegas." "Nice to meet you, Hijo." bati ng ginoo. Tumango lang ang binata kaya napahinga sya ng malalim dahil nakaramdam sya ng hiya sa ginoo dahil sa inasta ng binata. "Anyways, I heard your name in news and I saw the picture of you and him." Nagtaka naman sya sa sinabi nito, napatingin sya kay Samuel na napatiim bagang. "Can you please leave us alone." "Samuel." suway nya rito at pinaningkitan nya ito ng mata, pero hindi ito nagpatinag. "It's okay. I'm sorry, I leave." tumayo na ito at tumingin sa kanya bilang pagpaalam kaya napahinga sya ng malalim at tumango rito habang binibigyan nya ito ng paumanhin na tingin. "Ano ka ba naman, Samuel! Bakit mo naman ginano'n ang tao? Tsaka, ano yung news na sinasabi nya patungkol sa atin?" Hindi ito sumagot lalo na ng dumating na ang order nila. Imbes na magsalita ay inasikaso nito ang pagkain nya habang kita parin nya ang inis sa mukha nito. "Samuel--" "Wag ka nga makikipag-usap sa mga taong hindi mo pa lubusang kilala.. At wala akong alam sa news na sinasabi nya kaya wag mo akong tanungin.....kumain ka na at nang makaakyat na tayo agad sa room natin." Inis na napabuga sya ng hangin at kahit marami pa syang tanong ay pinili nalang muna nyang kumain. Iniisip nya ang news na sinasabi ni Mr. Richard Villegas. Napagtanto nya na kaya siguro ayaw ni Samuel na manood sya ng palabas sa T.V ay baka makita nya ang balita patungkol sa kanila. Pagkatapos nilang kumain ay nagbayad ito at hinila na sya paalis ng restaurant. Magkahawak kamay silang bumalik ng room at pagdating doon ay napansin nyang dumeretso sa gamit nila ang binata. "Anong ginagawa mo? Bakit mo nililigpit ang gamit natin?" Tumingin ito sa kanya at nilapag ang bag nila sa kama. "May nakita na akong pent house kaya lilipat na rin tayo ngayon din." Gulat sya sa sinabi nito. At tsaka bakit naging biglaan, kanina ay hindi pa nito sinabi kung kelan ay gabi na. "Bakit agad-agad naman? 'Di ba one week ang binook mo rito sa hotel?" "Wag ng maraming tanong, basta aalis na tayo dito." Hindi nya maintindihan ang iniisip nito ngayon. Para itong nangangamba at nais na wag nyang malaman kung ano iyon. "Samuel, tell me the truth. What is in the news? Please, tell me. And we promised to be true to our relationship." Natigilan ito sa pag-iimpake sa gamit nila, at kita nya ang pagkalito sa mukha nito. Napahinga ito ng malalim at naupo sa kama bago napahilamos ng mukha. "Hinahanap na nila tayo." panimula nito. "And then?" "Damn it, ayokong umuwi dahil baka paghiwalayin nila tayo. Ayoko!" tumingin ito sa kanya at kita nya ang pagdisgusto nitong tingin na nagpapahiwatig na ayaw nitong umuwi. Napahinga sya ng malalim at lumapit rito. Hinawakan nya ito sa mukha at hinaplos. "I think we need to faced them. We need to fight for our love." "Are you serious? If we go back, they do everything to seperate us." Sinuklay nya ang buhok nito at nginitian ito, hinilot nya ang sentido nito upang maalis ang pagkakuno't ng noo nito. "Sinisiguro ko sa'yo na hindi mangyayari iyan. Dahil kahit anong gawin nila, huli na." Nagtataka ito sa sinasabi nya kaya natawa sya. Hinawakan nya ito sa magkabilang pisngi at pinakatitigan nya ang napakagwapo nitong mukha. "Ano bang ibig mong sabihin?" tanong nito. "Your wish is my command." aniya. Natawa ito at hinila sya upang mapaupo sa isang hita nito patagilid rito. "Deretsuhin mo na kasi ako, binibitin mo pa ako." Kita nya ang pag aliwalas ng mukha nito at pagngiti nito tila nawala na ang iniisip nitong takot kanina. "Ayoko nga, hulaan mo." aniya at pinatong nya ang kamay sa balikat nito at maging ang baba nya habang nakangiti na pinagmasdan ito na nag-iisip. "Hmmm, isa lang naman ang wish ko.." kita nya ang paglaki ng mata nito at napatingin ito sa kanya habang bumubuka-sara ang bibig, "f**k! Are you pregnant?" Ngumiti sya at natuwa sa reaksyon nito, inalis sya nito sa pagkakaupo at pinatayo sa harap nito habang nakahawak sa bewang nya. "Answer me Misis ko, are you pregnant?" tanong nito habang nakatingin sa tiyan nya at hinawakan tila ba kinakapa kung meron ba talagang laman ang tiyan nya. "Hmmm, sabi kasi ng bagay na ito ay dalawang linya." aniya at kinuha nya sa bulsa ng dress na suot nya ang pregnancy test na binili nya. Actually, bago sya pumunta sa swimming pool ay nadaanan nya ang isang pharmacy para bumili sana ng gamot sa pagkahilo. Bago pa sila makapunta ng san fernando ay nakakaramdam sya ng kakaiba sa katawan nya. Para syang pagod palagi, tapos inaantok at emotional. At dahil doon ay nagtanong sya sa pharmacian kung ano ba ang nararamdaman nya. At sinabi nito na bakit hindi nya subukan ang pregnancy kit test at pagkatapos ay magpatingin daw sya sa doctor. Tinuro nito kung paano gamitin iyon, kaya sinubukan nya sa isa sa mga banyo sa swimming pool ng hotel. Agad na kinuha sa kamay nya ng binata ang PT. Kita nya ang pagtitig nito sa dalawang pulang linya at kita nya ang pagngiti nito bago ito tumayo kaya napaatras sya. Hinila sya nito at mahigpit na niyakap. "Damn! Damn! You're pregnant! I'm the father!" tuwang tuwa na hiyaw nito at napatili sya ng buhatin sya nito bago iikot. "Ano ba, Samsam! Nahihilo ako!" Natawa ito at binaba sya, agad itong naupo muli sa kama at hinawakan muli sya sa bewang habang nakatingin sa tiyan nya. "Grabe, hindi ako makapaniwala na buntis ka at ako ang ama." hinalikan nito ang tiyan nya at hinaplos ang korte ng bewang nya. "Sabi nga ng pharmacian ay magpatingin daw ako sa doctor para makasigurado." Tumigil ito sa paghalik sa tiyan nya at inupo sya muli nito sa hita nito patagilid. "Kelan pa? Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?" tanong nito habang hinahaplos haplos ang tiyan nya. "Nung nasa bf island palang tayo ay iba na ang nararamdaman ng katawan ko. Wala namang makakasagot ng tanong ko dahil grounded ako at galit pa si Mommy. Kaya nang madaanan ko ang pharmacy d'yan sa baba ay naisipan kong magtanong sa pharmacian at ganun nga ang sinabi nya sa akin. Ngayon ko lang din nalaman.. Kaya pala kakaiba ang nararamdaman ko ngayon." Napahinga ito ng malalim at napangiti habang nakatuon ang atensyon sa kanya na pinapakinggan ang kwento nya. "Hindi mo alam kung paano mo ako napasaya, Misis ko. Ngayon ay hindi na ako natatakot na mapaghiwalay pa nila tayo, dahil kahit anong gawin nila ay may anak na tayo. Magkakaanak na tayo." Ngumiti sya at tumango rito, tumitig ito sa kanya at sa labi nya. Mabilis sya nitong ninakawan ng halik kaya natawa sya at hinampas ang balikat nito. "Dapat lalo kang mag-ingat sa kinikilos mo. At dapat pala ay masusustansya ang kinakain mo." paalala nito at tinignan ang hawak parin nitong PT nya. "Anong plano mo ngayon? Babalik na ba tayo?" tanong nya. Tumingin ito sa kanya at umiling ito, "Hindi pa muna. Palipasin muna natin ang linggong ito, at tsaka tayo babalik kapag alam nating handa na tayo. At kung hindi nila matatanggap ang sa atin at ang magiging anak natin ay aalis tayo ng tuluyan at magpapakalayo." Tumango sya sa plano nito, alam nya na matalino si Samuel at kaya nitong planuhin lahat ng nais nito sa relasyon nila. Hindi katulad nya na hindi alam kung paano ang gagawin at wala syang maisip kung paano ang gagawin kapag kaharap na nila ang pamilya nila. At gaya ng sabi nito, nagpalipas sila ng isang linggo bago umuwi sa lugar na kanilang tinakasan. Magkahawak kamay sila na nagtungo sa bahay nila kung saan alam nilang nandoon ang buong pamilya gaya ng sinabi ng binata sa kapatid nitong Seige. Kinakabahan sya habang papalapit sa bahay. Nakita nya ang kotse ng pamilya ng binata sa harap ng bahay nila. "Samuel, kinakabahan ako.." aniya at huminto sya sa paglalakad. Tumingin ito sa kanya at mas hinigpitan nito ang hawak sa kamay nya habang nginingitian sya. "Wag kang kabahan, narito lang ako sa tabi mo at hindi ko hahayaan na masaktan ka. At kahit anong mangyari hindi ko hahayaan na mapaghiwalay tayo, kaya wag kang matakot at kumapit ka lang." Tumango sya rito at bumuga sya ng hangin. Humawak sya sa tiyan nya at dito sya humugot ng lakas. Nang makarating sila sa gate ng bahay nila ay pareho silang huminga ng malalim. Nagkatinginan sila at tumango sa isa't-isa bago napagdesisyon na tuluyan na silang pumasok sa loob. Binuksan nya ang pinto, at nauna syang pumasok. Humakbang sya at ilang hakbang lang nya ay nasilayan na nya ang buong pamilya na nasa sala. Pero ang nakapukaw ng atensyon nya ay ang galit na galit at lumuluhang mommy nya habang nakatingin sa isang matangkad at lalakeng nakatalikod sa kanila. "Umalis ka na at wag na wag kang magpapakita pa!" sigaw ng Mommy nya. "Hindi ko alam kung bakit iniba mo ang pangalan mo, pero gusto ko lang malaman ang dahilan kung bakit mo ako iniwan? Hinanap kita ng matagal na panahon, iyon pala ay nagpalit ka ng pangalan kaya hindi kita mahanap. Sabihin mo ang dahilan kung bakit ka umalis? Wala akong maalala ng araw na iyon." Pamilyar sa kanya ang tinig ng ginoo, napatingin sya sa kamay nito at sa pulso ay nakita nya ang tattoo na nakaukit ay 'Catherine'. Nanlaki ang mata nya at hindi sya makapaniwala na magkakilala si Mr. Richard Villegas at ang Mommy nya. Magsasalita sana sya upang pukawin ang mga ito ngunit natigilan sya sa siniwalat ng kanyang mommy. "You raped me! You forced me! Nagmamakaawa ako sa'yo na wag mong gawin sa akin iyon, pero hindi ka nakinig at parang wala kang naririnig! Kinasusuklaman kita! Dahil sa'yo kaya nasira ang career ko at nagbuntis ako ng maaga!" Napabuka-sara ang bibig nya at dumagundong ang kaba sa dibdib nya. "Manilyn!" pigil ng daddy nya sa mommy nya. "Anong ibig mong sabihin? Nagbuntis ka? Nagkaanak tayo? Sino?" sunod-sunod na tanong ng ginoo at parang naninikip ang dibdib nya habang hinihintay ang sasabihin ng kanyang ina. "W-Wala, pinalaglag ko sya.." Hindi nya alam kung bakit sya naiyak imbes na makahinga ng maluwag dahil sa sinabi nito. Meron sa parte nya na parang nakakaramdam sya ng mali. "No, you lying! Tell me the truth, Catherine! Buhay pa ang bata, 'di ba?" bakas sa boses ng ginoo ang sakit at pagkagaralgal tila nahihirapan ito sa sinabi ng kanyang ina. "Mommy.." tawag pansin nya kaya lahat ay biglang napatingin sa kanila. Napaharap ang ginoo at gulat na gulat itong napatingin sa kanya habang maluha luha ang mata nito. "Hija.." sambit nito, "Catherine, anak mo si Catherine?" tanong nito at humarap sa mommy nya na gulat na gulat habang nakatingin sa kanya. Lumapit sya habang nakaalalay sa kanya si Samuel. Huminto sya sa harap ng mommy nya at ng ginoo. "Mommy, magkakilala kayo ni Mr. Richard? At bakit sinasabi nya na kayo daw po si Catherine?" Umiwas ng tingin ang mommy nya at kita nya ang panginginig ng kamay nito. "U-Umalis ka na Richard, wala kang karapatan na panghimasukan ang buhay ko...." Agad syang hinawakan ng mommy nya tila ba takot na takot ito na mahawakan sya ng ginoo, pero napatingin sya sa ginoo ng hawakan din sya nito. "Sya ang anak ko, 'di ba? Magsabi ka ng totoo, Catherine!" Nanlalamig sya, at pakiramdam nya ay sasabog na ang pakiramdam nya habang patagal ng patagal ang komprontasyon ng mommy nya at ng ginoo. "She tells the truth. Catherine is my child, not yours." matigas na sabi ng Daddy nya. "Aalamin ko ang totoo, at oras na malaman kong nagsisinungaling ka, sisiguraduhin kong kukunin ko ang akin." Matapos sabihin iyon ng ginoo ay tumingin ito sa kanya. Para itong pagod na pagod, at nangungulila na nakatingin sa kanya. Nais nyang yakapin ito, pero pigil na pigil sya ng kanya ina at hinila sya kaya napabitaw sa kanya ang ginoo. Tumalikod na ito at lumabas, katahimikan ang namayani at tila wala ni isa ang nais na magsalita sa nangyari. Napatingin sya sa Mommy nya na napabitaw sa kanya at tila ito hihimatayin kaya agad syang umalalay rito. Pero nabigla sya ng hawiin nito ang kamay nya at sinampal sya na kinagulat nya. "Wala ka talagang maidulot ng maayos sa pamilyang ito! Ano, pagkatapos nyong magtanan ay tsaka ka uuwi dahil nahihirapan ka na!? Tapos ay parang nais mo pang ipagtanggol ang lalakeng iyon na malaki ang naging kasalanan sa akin!" Napaiyak sya at tumingin sya rito habang naninikip ang dibdib nya sa sama ng loob. "Wag nyo po syang saktan, Tita! Wala kayong karapatan na saktan ang anak nyo." agad syang nilagay ni Samuel sa likod nito habang sya ay napakapit sa damit nito at lalong napaiyak. "At wala ka ring karapatan sa anak ko. Mabuti at inuwi mo na sya, dahil sisiguraduhin kong ilalayo ko sa'yo ang anak ko." mariing sabi ng Mommy nya "Hindi nyo sya pwedeng ilayo dahil nagmamahal kami at magkaanak na kami." Nakita nyang napasinghap ang lahat sa sinabi ni Samuel. Parang hihimatayin ang kanyang ina at hindi makapaniwala. "A-Anong sabi mo? Magkakaanak kayo?" "Yes, Tita. Pigilan nyo man kami, pero hindi kami magpapatinag. Magkakaanak na kami kaya sana ay hayaan nyo na kami." Umiling iling ang mommy nya at tumingin ito sa kanya bago sila talikuran at umalis sa harap ng lahat. Napatingin sya kay Samuel na humarap sa kanya at niyakap sya. Napayakap sya rito ng mahigpit habang inaalala ang naging reaksyon ng kanyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD