Hindi alam ni Catherine kung saan sila patungo ni Samuel. Tinatanong nya ito ngunit ang sinabi nito ay hindi din nito alam. Basta kahit saan daw, yung malayo sa pamilya nila para hindi daw sila matunton.
Nakasakay sila sa mahabang pampasaherong sasakyan na rinig nya ay isang bus. Malayo na rin ang naging byahe nila. Marami na rin silang nasakyan na pampasaherong sasakyan. Pagod na sya sa byahe, maging ang binata kaya saglit ay nakaidlip sila.
"Oh! San Fernando na!"
Naalimpungatan sya sa pagsigaw na iyon. Napatingin sya kay Samuel na kakagising lang din at napatingin sa kanya.
"Let's go.."
Tumango sya at inayos ang buhok nya. Hawak-kamay silang bumaba ng bus habang alalay sya ng binata sa pagbaba sa bus habang bitbit nito ang bag nila.
"Ako na sa bag ko." Aniya dahil baka nahihirapan na ito, lalo't magdamag nitong buhat-buhat iyon.
"No, I can handle this. Don't worry." anito at nginitian sya kaya napahinga sya ng malalim at tumingin sa pinagbabaan nila. Maraming tao at nandito sila sa bus station.
"Saan na kaya tayo? Makakaya kaya natin rito?" tanong nya bigla.
"Makakaya, at papatunayan natin na kaya natin kahit na walang suporta nila."
"Oh, San fernando! Sakay na kayo!"
Napatingin sila sa driver ng pampasaherong sasakyan na tumatawag ng sakay. Napatingin sya kay Samuel ng hilahin sya nito palapit doon.
"Manong, sa hotel kami." sabi ni Samuel sa driver.
"Sige po, sakay na po kayo."
Pinauna sya ni Samuel at inalalayan papasok. Hindi sya sanay at medyo nahihirapan sya dahil parang ang sikip lalo na ng tumabi sa kanya ang binata. Nilapag nito ang bag nya at bag nito sa sahig ng tricycle at umayos ito ng upo bago sya akbayan.
"Samuel, dapat pala maghanap tayo ng condo units or pent house dito. Baka maubos ang pera natin sa hotel." aniya habang pinaglalaruan ang kamay nito at nakatingin sa daan ng umandar na ang sinasakyan nila.
"Wag kang mag-alala sa pera, dala ko ang atm ko at black card." paniniguro nito at hinalikan sya sa ulo kaya napahinga sya ng malalim dahil sa sinabi nito. Hindi nya nadala ang kanya dahil tiyak naman na puputulin ng mommy nya iyon para hindi sya makawithdraw.
Nag-ring bigla ang phone ni Samuel kaya nagkatinginan sila. Kinuha nito ang phone nito sa bulsa ng pantalon nito at tinignan ang tumatawag. Kinabahan sya ng makita na daddy nito ang tumatawag, pero napatingin sya sa binata ng patayin nito iyon.
"Bakit mo pinatay?"
"Malalaman ni Dad kung nasaan tayo kapag sinagot ko. Alam mo bang madali lang kay Dad na madetect tayo at mahanap, kaya mabuti ng patayin ko para makasigurado."
Kinabahan naman sya dahil tama ito. Tiyak na mahahanap sila ng tito nya dahil marami itong connection. Nangangamba tuloy sya na baka saglit na panahon lang ay nahanap na sila. Baka paghiwalayin sila kapag nangyari iyon.
"Stop thinking nonsense. Hindi mangyayari ang iniisip mo, kaya relax ka lang, hmm?"
Tumango sya at sumandal sa balikat nito. Sana nga ay hindi mangyari iyon dahil kinakabahan sya at natatakot na magkahiwalay sila ng binata.
Nakita nya ang pagpasok nila sa isang hotel: thunderbird resort and casino. Hininto ng driver sa entrance ng hotel ang tricycle nito. Bumaba si Samuel at kinuha muna ang mga bag nila bago sya alalayan nito sa pagbaba.
"Magkano, Manong?" tanong nito sa driver ng maibaba nito saglit sa sahig ng hotel ang bag nya.
"Isang daan lang, Boss."
Agad na nagbayad ang binata at binitbit ang bag nya bago sya hawakan sa kamay at inakay.
Pumasok sila sa loon ng hotel at chineck muna ang gamit nila ng gwardya bago sila tumuloy sa lobby ng hotel at lumapit sa front clerk.
"Hi, Good morning, Mam and Sir. What can I do for you?"
Habang kinakausap ni Samuel ang front clerk para sa magiging room nila ay nililibot nya ang mata. Lumapit sya sa isang couch at naupo dahil parang nanlalata sya sa byahe. Napatingin sya sa nakaupo sa harap nya na may hawak na dyaryo. Nang ibaba nito ang dyaryo ay nakita nya ang mukha nito. Napakuno't noo sya dahil parang nakita na nya ito, ngunit hindi nya maalala kung saan.
Napansin nyang may tattoo ito sa gilid ng kamay nito bago nito ibaba ang kamay. 'Catherine' Ang pangalan na nakaukit sa tattoo nito na kapangalanan pa nya. Tantya nya ay nasa edad ito na kwarenta pataas, kasing edad ng Dad nya. Makisig ito at tila mayaman base sa ayos nito. Lalo't expensive watch ang suot nito. Napatingin ito sa kanya kaya nahihiya na nginitan nya ito. Tinitigan sya nito tila ba may kinikilala sa mukha nya.
"Catherine, let's go!"
Napatingin sya kay Samuel na lumapit sa kanya. Tumingin sya sa ginoo na napaayos ng upo habang gulat na gulat na nakatingin sa kanya. Tumayo na sya at lumapit kay Samuel.
"Sino 'yon?" mainit ang ulo na tanong sa kanya ng binata kaya kinurot nya ito sa tiyan.
"Ang seloso mo. Hindi ko rin kilala, nakatapat ko lang sa upuan."
"Tsk." asik nito at inakbayan sya.
Natawa nalang sya at humawak sa bewang nito habang patungo na sila sa elevator kasama ng isang tauhan ng hotel.
"Nagugutom na ako, Samuel." aniya habang nakatingin sa number ng elevator. Tinitignan nya kung anong floor ba sila.
"May pasunod na breakfast meal ang hotel. Anong gusto mo, iyon na ba o bumaba tayo para kumain?"
"Sige, yung sa hotel nalang. Pagod na rin ako para bumaba pa, tsaka para makatulog muna tayo."
Tumango ito at napatingin sila sa pinto ng elevator ng bumukas na. Sumunod sila sa hotel staff at huminto sila sa Room 4001.
"Here's your master card, Sir, Mam. If you need anything, just call us thru landline phone. 0012."
Tumango sila rito at nagpasalamat kaya umalis na ito. Inalis ni Samuel ang pagkakaakbay sa kanya at binuksan ang hotel room nila. Pagbukas ay agad syang pumasok. Kompleto ang lahat kaya tinungo nya ang bed at agad na pabagsak na nahiga.
Pumikit sya ng makaramdam ng ginhawa habang nakalapat sa napakalambot na kama ang katawan nya. Napangiti sya at agad na napadilat ng maramdaman nya ang binata. Hinawakan nya ang mukha nito at pareho silang napangiti.
"Mamaya ka na matulog, kakain pa." Ani nito at kinantilan sya ng halik kaya tumango sya, "Shower." pilyo itong ngumiti at hinatak sya pero hindi sya nagpatangay.
"Ikaw nalang muna, mamaya na ako."
"Hindi, sabay na para tipid sa tubig." ngumisi ito at hinila parin ang kamay nya pero ayaw talaga nya dahil alam nya ang iniisip nito.
"Naku, palusot mo! Tigilan mo ako, pagod ako!" aniya at nahiga sya pero napatili sya ng hawakan sya nito sa bewang at binuhat. Nilagay sya nito sa balikat nito kaya pinaghahampas nya ang likod nito, "Ano ba! Ayoko nga sabi!"
"Tignan natin kung umayaw ka pa. Gusto kong maligo at syempre masarap kapag may kasama." natatawang sabi nito kaya napakagat sya ng labi.
Binaba sya nito ng makapasok sila ng banyo. Sinara agad nito ang pinto at hinarap sya.
"Ano? Hubad na." ngumisi ito kaya umirap sya.
"Ayoko nga, tinatamad pa ako." aniya at lalagpasan sana nya ito para lumabas pero hinuli nito ang bewang nya.
"Tatanggalin natin ang katamaran mo." ngumisi muli ito habang hapit-hapit sya sa bewang habang inaatras sya nito. Napasandal sya kaya napatingin sya kung saan sya napasandal. Nasa pader na pala sya ng shower. Tumingin sya kay Samuel at napahinga ng malalim.
"Hubaran mo ako, tinatamad ako." tumalikod sya rito kaya napakagat sya muli ng labi ng humalakhak ito. Humawak ito sa bewang nya at sa t-shirt na suot nya. Inangat nito iyon kaya napataas sya ng kamay. Sinunod nito ang pants nya kaya naiwan nalang ang bra't panty nya.
Naramdaman nya na naghubad na rin ito kaya napaidtad sya ng yumakap ito sa kanya pagkatapos. Ramdam nya ang kahubaran nito habang niyayakap sya ng bisig nito.
"Naiilang ka parin ba sa akin." bulong nito at hinalikan ang likod ng tenga nya kaya napapaiwas sya dahil sa kiliti. Napahawak sya sa kamay nito na humawak sa dibdib nya at pinisil.
"Hindi, tinatamad lang talaga ako." aniya.
"Sure ka? Parang hindi naman ganun?" gumapang ang labi nito sa panga nya kaya napapikit sya lalo't nagsisimula ng uminit ang katawan nya sa klase ng pagpisil nito sa dibdib nya. Hinarap sya nito kaya napadilat sya. Sumalubong sa kanya ang masuyong tingin sa kanya ng binata habang lantad na lantad sa mga mata nya ang mas gumanda nitong katawan. Nilagay nito ang mga kamay nito sa gilid ng ulo nya habang nakatitig ito sa mga mata nya. Bumaba ang labi nito sa labi nya kaya napahawak sya sa bewang nito at pumikit bago tumugon sa halik nito. Marahan ang kanilang halik at puno ng panunuyo, pagmamahal, at katamisan. Binuhay nito ang shower kaya nababasa na sila habang patuloy sa kanilang pagpapalitan ng matamis na halik na hindi alintana ang tubig na tumatama sa kanila.
Naramdaman nya ang pag-alis nito ng kawit sa bra nya at binitawan nito ang labi nya upang bumaba ang labi nito sa leeg nya. Napahawak sya sa ulo nito habang nakapikit na ninanamnam ang tubig at halik nito. Napatingkayad sya ng sakupin ng bibig nito ang isang tuktok ng dibdib nya. Bumibigat ang hininga nya lalo't napakaeksperto na ng dila nito at bibig, isabay pa ang kamay nito na puno ng diin na pinipisil ang isang dibdib nya.
"Uhhh!" napahalinghing sya ng gumapang ang isang kamay nito sa tiyan, pababa sa puson nya. Pinasok nito ang kamay sa loob ng panty nya kaya namimilipit sya sa kiliti, at naiipit ng hita nya ang kamay nito.
Napasabunot sya sa buhok nito at habol nya ang hininga dahil para syang nagdedeliryo sa ginagawa nito sa katawan nya. Bumaba ito at tumigil saglit upang ibaba ang panty nya. Napahawak sya sa tiyan nya lalo na ng isampay nito ang isang binti nya sa balikat nito. Humawak sya sa ulo nito ng maramdaman nya ang dila nito sa b****a ng pwerta nya.
"Ahhhh... Samuel!" daing nya dahil nanginginig na sya sa ginagawa nito. Malakas syang napasabunot sa buhok nito ng bigla syang manginig agad sa sensasyong hatid ng eksperto nitong dila.
Para syang mababaliw sa ginagawa nito, pero sya naman ay ligayang ligaya at madaling napapasunod nito ang katawan nya sa nais nito. Tumayo ito at hinapit sya sa bewang bago muling sakupin ang labi nya. Napayakap sya sa leeg nito at tumugon sa halik nito. Kusang napaangat ang isang binti nya sa bewang nito at mas naging agresibo ang kanilang halik ng maramdaman nya ito na sumesentro na sa pwerta nya.
"Uhmmmm!" napaungol sila sa pagitan ng kanilang halik ng muling mag-isa ang kanilang katawan. Mas humigpit ang kanilang yakapan at mas naging malalim ang kanilang halikan ng magsimula ng gumalaw ang binata upang angkinin sya.
Binuhat sya nito kaya dalawang binti na nya ang nakapalupot sa bewang nito. Gitgit na gitgit na sya nito sa pader habang pabilis na pabilis ang pagbayo nito. Nagbitaw sila ng labi at nagkatinginan habang parehong napapanganga sa tindi ng kanilang nararamdaman. Muling sinakop ng binata ang labi nya at naramdaman nya ang pagpatay nito sa shower. Ngayon ay rinig na rinig na ang pagsalpukan ng basa nilang katawan at maging ang ungol nila habang patuloy sa palitan ng matatamis na halik.
Ramdam nya kung gaano kasabik ang binata habang kinukulong sya nito ng mahigpit sa bisig nito. Parang ayaw nitong palagpasin ang bawat segundo para sa kanila at gusto nito na lahat ng atensyon nya ay naririto.
Bumaba sya at tumalikod sa binata kaya yumakap ito sa likod nya. Napatingala sila at napaungol muli ng malakas ng umindayog ito sa likod nya ng marahan. Kinuha nito ang kamay nya at pinako sa pader habang mahigpit nitong hawak ang dalawa nyang kamay habang hawak lamang ng isang kamay nito. Hapit-hapit nito ang bewang nya palapit sa katawan nito habang puno ito ng diin sa bawat pagbayo.
"Damn! Damn! Damn!" mura nito sa tenga nya at kinagat ang tenga nya kaya napaiwas sya. Bumilis ang galaw nito kaya lumalakas ang paghalinghing nya dahil malapit na muli syang makarating sa sarap.
Binitawan na nito ang kamay nya at mahigpit itong yumakap sa bewang nya habang pabilis na pabilis ang galaw nito. Natigilan lamang sila ng parehong manginig. Hingal na hingal sila habang nakayakap parin ito sa likod nya ng mahigpit.
"Damn it, I love you so much, Misis ko." bulong nito at mariing hinalikan ang pisngi nya kaya napangiti sya.
Lumingon sya rito at hinawakan ang pisngi nito, "I love you, too, Mister ko."
Napangiti ito at kinantilan sya ng halik sa labi.
Nang mawala ang kanilang init ay nagpatuloy na sila sa paliligo, pero may pahirit pa ang binata na isa kaya halos gusto nyang tuktukan ito sa pagkahilig nito ngayon.
Lumabas sya ng banyo habang tinatali ang tali ng roba sa bewang nya. Sakto naman na may nag-doorbell kaya tinungo nya ang pinto. Pagbukas nya ay iyong hotel staff ang bumungad sa kanya habang may dala na itong pagkain nila. Pinapasok nya at pinanood ito na tulak-tulak ang isang cart na lamesa kung saan nakalagay ang pagkain nila.
"Enjoy your meal, Mam."
Ngumiti sya rito at tumango, nang makalabas na ito ay sinara nya ang pinto at lumapit sa dinala nito. Pagbukas nya ng takip ay natakam sya dahil puro masasarap na breakfast meal ang dinala sa kanila kasama ng fresh milk at water.
"Nandyan na pala ang breakfast natin... Pero wait, pinagbuksan mo ang nagdala nya'n ng ganyan ang ayos mo?"
Inirapan nya si Samuel na kalalabas lang ng banyo habang nagpupunas ng buhok nito.
"Oo, alangan naman na paghintayin ko pa. Tsaka gutom na ako kaya hayaan mo na." naupo sya sa upuan at inayos nya ang plato nila. Naupo sa tabi nya ang binata at pagalit na nilapag nito ang towel na pinangpupunas nito sa buhok nito sa lamesa.
"Sa susunod na wag mong pagbubuksan kapag ganyan ang ayos mo." banas nitong sabi habang salubong ang kilay na nakatingin sa pagkain nila.
"Bahala ka nga, napaseloso mo naman. Babae kaya ang may dala nito." aniya at tinusok ang hotdog at kinagat nya. Muntik pa syang mabulunan ng hawakan nito ang mukha nya at hinarap rito.
"Really? It's not a boy--waiter?"
Inalis nya ang kamay nito at inirapan nya muli.
"Hay, ewan ko talaga sa'yo, Samuel Ford."
Natawa ito at inakbayan sya bago mariing hinalikan ang pisngi nya. Ang bilis mag-iba ng mood nito at ngayon ay tila tuko naman ito makakapit sa kanya. Kumagat ito sa hotdog nya habang nangingiti. Napailing sya at napangiti dahil kahit anong gawin nito ay patuloy parin na nahuhulog ang loob nya sa bawat ginagawa nito.
"Pagkatapos natin magpahinga ay bumaba tayo para mamasyal sa hotel. May resort at casino dito kaya hindi ka mababagok." sabi nito habang nagsusubuan sila ng pagkain.
"Pero dapat ay maghanap na tayo ng penthouse or condo units para hindi malaki ang nagagastusin natin."
Uminom ito ng tubig at tumango sa kanya, "Yeah, tama ka. Mamaya ay maghahanap ako."
Naisip nya bigla yung pag-aaral nila. Ngayon ay sumagi sa isip nya ang mga naiwan nila, parang mas dumami pa ang iniisip nya.
"Paano nga pala ang pag-aaral mo? Pag-aaral ko?"
Napahinga ito ng malalim at nilapag ang baso sa lamesa. Tumayo na ito sa upuan at lumapit sa bag na dala nito.
"Wag mo munang isipin iyon, ako na ang bahala doon. Gagawin ko ang lahat para ituloy mo ang pag-aaral mo, maging ang akin."
Napabuntong-hininga sya at napatingin nalang sa pagkain nya. Para syang nabusog sa problemang iniisip nya.
"Kung sana ay tanggap lang nila ang relasyon natin, edi sana hindi naging kakomplikado ang lahat." aniya.
"Tigilan mo na sabi ang pag-iisip sa iniwanan natin. Ngayon ay tayong dalawa nalang, kaya dapat na ako lang ang isipin mo."
Inismiran nya ito dahil imbes na seryosohin ang usapan nila ay palagi nitong sinisingit ang sarili para bang nais nito na ang buong atensyon nya ay nakatuon lang dito.
Tumayo na sya at lumapit rin sa kama. Naupo sya at inalis ang towel sa ulo nya. Pinagtyagaan nyang patiyuin ang buhok nya dahil wala namang blower sa paligid ng room nila.
"Buhayin mo nga ang t.v." utos nya rito ng matapos ito makapagsuot ng damit nito.
"Okay, boss." napangiti sya at tinignan ito na binuhay ang television. Sa pagbuhay nito ay agad na isang balita ang bumungad sa kanila.
Pero bago pa nya malaman ang balita ay pinatay din agad ni Samuel iyon kaya napatingin sya rito na nagtataka.
"Bakit?" tanong nya.
Umiling ito at ngumiti na lumapit sa kanya. Naupo ito sa tabi nya at kinuha ang towel sa kanya. Pinatalikod sya nito at pinunasan nito ang buhok nya.
"Wala namang magandang palabas ngayon, tsaka dapat na magpahinga na tayo para naman hindi ka manghina." sabi nito habang patuloy sa pagpapatiyo sa buhok nya. .
"Sabagay, inaantok na ako sa ginagawa mo sa buhok ko. Sige, ipagpatuloy mo lang yan." aniya at pumikit.
Napahinga naman ng malalim si Samuel habang iniisip ang nabasa nya sa headline ng balita. Kahit saglit lang nyang nakita ay mabilis nyang nabasa iyon. Pinaghahanap sila at ang ama ni Catherine ang dumulog sa media.
Ayaw man nyang ilihim sa dalaga ang nakita nyang balita ay kailangan nyang ilihim. Kinakabahan sya bigla sa balita dahil pakiramdam nya ay mawawala sa kanya ang dalaga.
Nang matiyo na ang buhok nito ay sinilip nya ito. Nakatulog na ito kaya napangiti sya. Binuhat nya ito para ihiga ng maayos sa kama. Inayos nya ang pagkakahiga nito. Inabot nya ang bag nito at kumuha sya ng isusuot nito. Nang makapili ng maayos na damit nito ay binihisan nya ito para hindi sipunin kung roba lang ang suot nito. Nang ayos na ay kinumutan nya ito at kinuha ang remote ng aircon para hinaan ang lamig.
Tumabi sya rito ng higa at pinakatitigan nya ito habang hinahaplos ang buhok nito. Napatingin sya sa hawak nyang phone at napahinga sya ng malalim na binuhay muli.
Pagkabuhay ng phone nya ay tadtad sya ng missed calls at text galing sa pamilya nila. Tinawagan nya si Seige. Si Seige lang ang kaya nyang tawagan dahil alam nyang pagtatakpan sya nito.
"f**k Bro, bakit ngayon ka lang tumawag?!" Bungad nito.
"Kumusta d'yan?"
"Sira ka talaga! Nasa balita na kayo, dahil hindi na napigilan si Tito Xander. C'mon Bro, bumalik na kayo. Sinugod si Tita Manilyn sa hospital dahil hinimatay sa pagtatanan nyo."
Naupo sya at bumaba ng kama. Lumapit sya sa bintana at doon tumayo.
"I can't." matigas nyang pagtanggi sa nais nito.
"Are you serious? Marami ng naapektuhan sa pagtatanan nyo. Harapin nyo ang magulang natin at sila Tita, hindi iyong tatangayin mo si Catherine na parang duwag."
"Kapag umuwi kami d'yan, paghihiwalayin kami! Palibhasa ay hindi nyo naranasan ang nararanasan ko ngayon! Kaya hindi ko iuuwi si Catherine kahit anong mangyari!" galit nyang sabi rito at binaba nya ang tawag.
Tumaas-baba ang dibdib nya sa galit at napahilot sya ng sentido ng sumakit ito. Iba ang takot nararamdaman nya. Marami syang naiisip na maaaring mangyari oras na umuwi sila. Kaya hindi sila uuwi, hindi nya iuuwi si Catherine.