Kabanata 12 - Runaway

3279 Words
Sobrang problemado ang pamilyang ford dahil sa gulong nangyari. Nagsiuwian na ang mga bisita at nililigpit na rin ng mga caters at ilang kasambahay ang mga kalat. Kahit alas dose na ng hating gabi ay gising na gising parin ang pamilya upang masinsinan na harapin si Samuel. "Anak, susuportahan ka namin sa ibang bagay, pero sa pagkakataong ito ay hindi namin kukunsintihin ang ginagawa nyong ito ni Catherine." Mula sa pagyuko at paggulo ng buhok ay napaangat si Samuel ng tingin sa parents nya. Wala na ang magandang ayos nya, ang coat nya hinubad nya at bukas ang tatlong butones ng polo nya habang nakatanggal na ito sa pagkakatuck-in. Nababaliw na sya sa pag-aalala sa dalagang si Catherine. Nais nyang puntahan ito ngayon sa bahay nito, ngunit pinigil sya ng magulang nya at nais na makausap sya. "I love her so much! Hindi nyo po kami mapipigilan dahil nagmamahalan kami!" Hindi nya mapigilan na pagtaasan ng boses ang kanyang magulang. Naiinis sya dahil sa pagtutol ng mga ito sa pag-iibigan nila ni Catherine. "Son, where's your manners? Stop shouting at your mom!" maawtoridad na suway sa kanya ni Dimitri. "Hindi kayo pwedeng magmahalan dahil magkadugo kayo, naiintindihan mo ba 'yun, anak?" sabi naman ni Beatrice kaya napatayo sya mula sa pagkakaupo. "Bakit ang mga kapatid ko suportado nyo? Kahit anong kalokohan nila para makuha ang gusto nila, sinusuportahan nyo parin! Ako, naging masunurin ako, naging matino, pero bakit ngayon hindi nyo po ako masuportahan? Bakit?" Napatiim-bagang sya habang tumataas-baba ang dibdib nya sa galit. Naiinis sya dahil bakit parang ayaw syang suportahan ng pamilya nya sa gusto nya. Wala naman syang pakialam sa sasabihin ng ibang tao! Kaya nyang ayusin ang lahat basta hayaan lang sila ni Catherine. "Samuel, magpinsan nga kayo! Ang mga asawa namin ay hindi naman namin kadugo!" sumabat na ang kuya nya na kinakulo ng dugo nya. Narito rin lahat ng kapatid nya at mga asawa nito. Mas lalo syang naiinis dahil parang napapamukha sa kanya kung gaano hindi kapwede ang pagmamahal nya sa dalaga. "I don't care if she's my cousin. I love her, I know she love me too. Gagawin ko po ang nais ko at hindi nyo ako mapipigilan kahit pa anong gawin nyo!" Umalis sya sa harap ng mga ito pero natigil sya ng may humawak sa magkabilang braso nya. Nakita nya na hawak sya ni Drake, Diesel, at Deo, habang sa paa nya ay nakakapit si Benj. Nagwala sya at nagpupumiglas. "Let me go, Asshole! f**k!" "Dalhin nyo muna sa kwarto nya ang kapatid nyo at wag palalabasin." utos ng kanyang ama kaya mas lalong sumama ang loob nya. "Sige! Ikulong nyo ako! Pero oras na makaalis ako, hindi nyo na ako makikita!" Napaiyak si Beatrice dahil gusto sana nyang pigilan ang nais ni Dimitri dahil naaawa sya sa anak nya. Hindi nya alam ang gagawin dahil nahihirapan sya lalo't sinusumbat ng anak nya kung bakit hindi nila ito masuportahan. "Dimitri, natatakot ako na baka totohanin ng anak natin ang sinabi nya.." "Shhh, we need to do this. I need to talked to Xander and Manilyn first bago tayo magdesisyon kung ano ang dapat na gawin kay Samuel." "Sasama ako.." Si Beatrice. Napahinga ng malalim si Dimitri dahil tila dito sya mahihirapan sa anak nyang si Samuel. Napahilot sya sa sentido pero natigilan sya na may napagtanto. "Wait. Sino ang nagplay ng video?" "Nalaman na namin, Dad." tugon ni Duke at tumingin sa pinto kaya napatingin sya doon. Nakita nya sila Oscar at Wallex na may hawak na isang lalake. "Sya ang janitor sa WCU. Sya rin ang namahala sa sound system at sa big screen. At nalaman ko na bago lang sya rito sa BF Island. At nalaman ko rin na may anak sya rito na syang kakuntyaba nya sa pinalabas na video." "Sino naman ang anak nya?" Pinaluhod ang lalake at sabunot ni Oscar ang buhok nito kaya napatingala ito. Pinagpapawisan ito dahil hindi nito akalain na malalaman ng mga ford ang lahat ng ginawa nya. 'Peste! Kailangan na malusutan ko ito! Hindi pwedeng malaman ng mga ito kung sino ang anak ko! Hindi pa namin nalilimos ang kayaman ng mga ford, kaya dapat na makaisip ako ng paraan!' iyon ang sinasabi ng isip ng lalake habang pinapakiramdaman nya ang gagawin sa kanya ng mga ford. "Wala akong anak! Kinasabwat ko lang ang isang estudyante sa WCU." aniya. "Ul*l! Sinong niloko mo? Hindi kailanman nagkakamali ang research ko!" galit na bulyaw rito ni Duke. "Nagsasabi ako ng totoo! Nahuli ko kasi ang isang estudyante na may vinivideohan sa may rooftop, at nalaman kong mga ford iyon. Kailangan ko lang ng pera kaya nagawa kong makisabwat sa estudyante." Tumayo si Dimitri at nakapamulsang lumapit sa lalake na nasisindak sa kanyang paglapit. "Hindi ko alam, basta isa sa kakilala ng anak ni Sir Xander." dagdag nito habang namumutlang nakatingin kay Dimitri. Sinenyasan ni Dimitri sila Oscar at naunawaan naman ng mga ito kaya pinatayo ng mga ito ang lalake na naguguluhan. Tinignan ni Dimitri ito at ngumisi. "Liar." Namutla pa lalo ang lalake at pinangatugan ito ng tuhod ng ipakita ni Dimitri ang baril na nakasuksok sa bewang nito. Tinanguan ni Dimitri sina Oscar at Wallex. "Dalhin nyo sa pinakamagandang lugar 'yan. At alam nyo na kung paano nyo sya pasasalamatan sa pagsasabi nya ng totoo." "T-Teka! Nagsasabi ako ng totoo!" Nagpumiglas ang lalake pero hindi nito kaya ang dalawa na may malalaking katawan. "Dimitri, puntahan na natin sila Xander. Gusto kong malaman kung ano ang plano nila kay Catherine." "Okay." tugon agad ni Dimitri sa asawa. - Nakatanaw sa bintana si Samuel habang kinokontak nya ang dalaga. Hindi ito sumasagot kaya napatiim-bagang sya at lubos ang pag-aalala nya rito dahil baka sobra itong nasasaktan ngayon. "Please answer my call, Candy ko." Nang hindi parin ito sumagot ay napasuntok sya sa pader at napaluha na naisandal ang ulo sa pader. Kailangan nyang gumawa ng paraan para mapuntahan ang dalaga. Kailangan nyang gumawa ng paraan para makaalis sya at tangayin ang dalaga upang lumayo sa mga balak ng kanilang magulang. Sya: Candy ko, I miss you.. Please, answer my call. Napangisi naman si Nesya habang nakatitig sa screen ng phone ni Catherine. Sunod-sunod na text ang dumadating, at maraming missed call ang nakarehistro sa screen at lahat iyon galing sa binatang si Samuel. Pinamulsa nya ang phone at lumabas sya ng kwarto. Napahinto sya sa tapat ng kwarto ni Catherine at napangisi sya bago lihim na napahalakhak. "Sisiguraduhin kong lahat ng sa'yo ay mapupunta sa akin.. Una palang 'yan, dahil susunod ay mapapaalis na kita rito." aniya at umalis sa tapat ng pinto nito. Tumungo sya sa baba at nakita nyang mga problemado parin ang mga parents ni Catherine. Sumandal sya sa pader at napapangisi na tinignan ang mga problemadong mga mukha nito. Narinig nyang may nagdoorbell na kinatayo ng Ama-amahan nya. Napakagat sya ng labi dahil nakakaakit din sya sa kagwapuhan nitong ama-amahan nya. Pinagpapantasyahan din nya ito lalo na kapag nakikita nya ito na minsang lumabas ng kwarto na walang saplot sa pang-itaas na katawan. Napaayos sya ng tayo ng makita ang parents ni Samuel na pinapasok ng ama-amahan nya. Agad syang napababa ng hagdan para malaman kung ano ang pag-uusapan ng mga ito. "How's Samuel?" tanong ni Xander ng pare-parehong makaupo sa sofa. "Nasa kwarto nya at pinapahupa muna namin ang init ng ulo nito." tugon ni Dimitri at tumingin sa inampon nila Xander. "Anong plano nyo kay Catherine?" tanong ni Beatrice habang nakatingin kay Xander at Manilyn. "Sa maynila muna kami titira at doon ko na papaaralin ang mga bata. Ang gusto ko ay sana wag nyong hayaang makaalis ng BF Island si Samuel para hindi nito guluhin si Catherine." bahid parin ang galit na tono sa pagsasalita ni Manilyn. Napahinga ng malalim si Beatrice at tumingin kay Dimitri na hawak ang kamay nya. "Samuel really inlove to Catherine.." anas ni Beatrice. "Anong gusto nyong mangyari? Hayaan sa bawal na relasyon ang dalawa? Nahihibang ka na ba, Beatrice? Kukunsintihin mo ang gusto ng anak mo?" tanong ng hindi makapaniwalang si Manilyn. "Pero ano ang magagawa natin? Masasaktan ang mga bata kung paghihiwalayin natin sila." "Hindi ko gusto ang nais mo, Beatrice. Pero pasensya na, buo na ang desisyon ko. Ilalayo ko si Catherine, at sana gawin nyo ang lahat basta wag ng lapitan pa muli ni Samuel ang anak ko....Excuse me.." Tumayo si Manilyn at umalis sa harap nila Beatrice. Napahinga ng malalim si Xander at humingi ng pasensya sa lahat ng sinabi ni Manilyn. "Mabuti pang ganun na nga ang gawin natin, Dimitri, Beatrice. Mas makakabuti sa mga bata kung hindi na sila magkakalapit." "Ano pa ba ang magagawa namin? Buo na ang desisyon ni Manilyn. Kung sa amin lang ay ayaw namin na masaktan ang anak namin." Napaisip naman si Nesya sa lahat ng kanyang narinig. Kung sa maynila sila titira, maraming makakakilala sa kanya, at baka mabuking pa ang pagkatao nya. Hindi pwedeng mangyari iyon. - Lumipas ang gabing iyon at kinabukasan ay kalat na sa buong BF Island ang eskandalong kinasasangkutan nila Catherine. Nag-aagahan sila ngunit sobrang tahimik at sya ay walang imik at hindi makatingin sa pamilya nya. Wala rin syang ganang kumain at ang mata ay mugtong mugto sa buong magdamag na pag-iyak. "Pagkatapos mong kumain d'yan, Catherine, ayusin mo ang mga gamit mo at sa maynila na tayo pasamantala titira." Natigilan si Catherine sa pagdukdok sa pagkain at napaangat sya ng tingin sa mommy nya. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin lamang ito sa pagkain nito. Nag-angat ito ng tingin ng hindi sya sumagot kaya napayuko syang muli at napatango rito. Nangingilid ang luha nya at mahigpit syang napahawak sa kutsara't tinidor dahil naalala nya si Samuel. Nakalimutan nya ang phone nya sa lamesa sa party kaya naiwan nya doon iyon kaya hindi nya tuloy matawagan o matext ang binata. "Balitang balita na sa buong BF Island ang mga kababuyan nyo. Pati ako ay hindi na makalabas dahil tiyak na pagtitinginan ako ng tao dahil sa kahihiyang dulot mo." Napaangat sya ng tingin rito at hindi na nya mapigilan na mapaiyak. "Mas importante po ba sa inyo ang sasabihin ng tao kesa sa akin? Alam ko po na malaking kasalanan ang ginawa namin ni Samuel, pero bakit kapag pinagsasalitaan nyo ako ay parang suklam na suklam kayo sa akin? Nasasaktan din naman po ako, nahihiya. Pero ano po bang magagawa ko, nagmamahalan po kami ni Samuel. Umibig din naman po kayo, kaya alam nyo po itong nararamdaman ko." Napaidtad sya ng malakas na ibaba ni Manilyn ang kutsara't tinidor na hawak nito sa lamesa. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo Catherine, ha? Parang sinasabi mo na wala akong paki sa'yo! Kung gano'n, edi sana hindi nalang kita binuhay dahil sa pagsuklam ko sa pinagmulan mo!" Napamaang sya habang nakatingin kay Manilyn na hindi napigilan ang sarili at iyon ang lumabas sa bibig nito. Napalunok sya at parang naninikip ang dibdib nya habang paulit-ulit na nagrereplay sa utak nya ang sinabi nito. "A-Ano pong sinabi nyo? Pinagmulan ko?" "Manilyn, stop!" maawtoridad na suway ni Xander sa asawang natigilan sa kanyang nasabi. "Ano po ba ang pinagmulan ko? 'Di ba po kayo ang pinagmulan ko? Ano pong ibig nyong sabihin do'n?" Tumayo si Manilyn at hinawi ang kamay ni Xander. Hindi nito sinagot ang tanong nya kaya mas lalo syang nanghinala na may tinatago sa kanya ang kanyang ina. Tumingin sya kay Xander na napahinga ng malalim. "Dad, ano pong ibig sabihin ni Mommy?" "Anak, wag mo ng isipin iyon at nabigla lang ang mommy mo. Ang mabuti pa ay tapusin nyo na ang pagkain nyo at kakausapin ko lang ang mommy mo." Tumayo rin ito at inakay si Zach. Naiwan nalang sila ni Nesya na tahimik rin. Binitawan nya ang kutsara't tinidor at tumayo na rin sya habang nanghihina at umiiyak. "Gusto mong tulungan kita.." Napatigil sya sa paghakbang ng biglang magsalita si Nesya. "Pwede ba, ayoko munang makipag-away sa'yo." aniya at hahakbang sana sya muli ng matigilan sya sa sinabi nito. "Dadalhin ka sa maynila para hindi na muli kayong magkita ni Samuel. Kung gusto mo ay tutulungan ko kayo. Mamayang gabi, magkikita kayo ni Samuel sa pinagkikitaan nyo." Napaharap sya rito at tinignan nya ito upang malaman kung nagsasabi ito ng totoo. "Bakit nag-iba ata ang ihip ng hangin? Bakit tutulungan mo kami? May iba ka pang plano no?" Tumayo ito at tumingin sa kanya ng seryoso na animo'y hindi ito nagbibiro. "Kung ayaw mo, edi wag.. Bahala ka, papahiramin sana kita ng phone para matawagan mo si Samuel." Pagkatapos nito iyon sabihin ay nilagpasan sya nito. Napaisip sya at inaamin nya na interesado sya sa offer nito. "Sandali!" Humarap sya rito at nakita nyang humarap din ito at hinintay ang sasabihin nya. "Sige, tulungan mo kami." Dahil sa sinabi nya ay napangiti ito, "Good. Heto ang phone, tawagan mo sya." inabot nito sa kanya ang phone nito kaya lumapit sya at agad nyang kinuha. Tumingin sya rito ng agad ng tumalikod ito. - Pagdating ni Catherine sa kwarto ay agad nyang dinial ang number ni Samuel. Naupo sya sa kama nya at napakagat ng labi habang hinihintay na sagutin ng binata ang tawag nya. Pinatayan sya nito kaya napahinga sya ng malalim at tinext nalang ito para malaman nito na sya ang tumatawag. Sya: Samuel, it's me Catherine. Please call me. Sinend na nya iyon at hinintay nya na tawagan sya nito. Napaayos sya ng upo ng agad na tumawag ito, kaya tinanggap nya ang tawag. "H-Hello.." napaiyak na sya kaya napatakip sya ng bibig. (I miss you, Candy ko.) Mas lalo syang napaiyak sa sinabi nito. Bakas ang lungkot sa boses nito kaya hindi na nya napigilan na iparinig rito ang pag-iyak nya. "I miss you, too." tugon nya. (Candy, I want to see you.. Can you please meet me at tree house?) "S-Sinabi ni Nesya na tutulungan daw nya tayo. Mamayang gabi sa tree house." (Damn. Good.) bakas dito ang saya kaya napangiti na sya. "S-Samuel, dadalhin ako nila Mommy sa maynila. D-Doon na daw kami titira." nauutal nyang sumbong. (Don't worry, hindi ko hahayaan yan. Basta makipagkita ka sa akin mamaya. Naiintindihan mo, Candy ko?) Tumango-tango sya kahit hindi nito nakikita. "Oo, makikipagkita ako." (Good. I love you, Candy.) "I love you, too, Samsam.) Hinalikan nya ang phone at napaiyak sya lalo ng pareho na nilang binaba ang tawag. Huminga sya ng malalim at nahiga sa kama nya. Miss na miss na nya agad si Samuel. Kung pwede lang na pabilisin ang oras ay ginawa na nya. Gusto na nyang makasama itong muli. Gusto nya na ito nalang ang kasama nya. Kahit pa magalit pa ang magulang nya ay susuwayin nya ang mga ito para lang sa pagmamahalan nila ni Samuel. At gaya ng plano nila, naisipan nilang tumakas kapag nasa kahimbingan na ng pagtulog ang kanyang mga magulang. Bitbit nya isang bag na naglalaman ng damit nya upang sumama sa binata. Sinabi nito na magdala sya ng damit at alam na nya ang ibig nitong sabihin. May takip sya sa ulo na balabal at may dala din syang salamin upang ipangtakip sa kanyang mukha. "Bilis!" bulong ni Nesya kaya mabilis syang sumunod rito pababa ng hagdan. Maingat sila sa paghakbang at hindi lumilikha ng ano mang ingay. Madilim ang buong sala kaya nahihirapan sya pero tiiniis nya para lang makatakas. Nang makalapit sila sa pinto ay hinila na sya ni Nesya at tinulak palabas. Lumingon sya rito at sinenyasan sya na umalis na. "Salamat." aniya. "Sige na, umalis ka na at baka maalimpungatan sila Mommy. Basta tandaan mo, wag ka nang babalik." Tumango sya at tumalikod na, sinuot nya ang salamin at tinakip ang balabal sa mukha. Mabilis ang lakad nya palayo sa bahay nila. Tinungo nya ang dalampasigan at kakaunti lang ang tao na naliligo pa kahit sobrang gabi na. Mabilis syang nakarating sa pinagbabawal na lugar. Napatingin sya sa tree house na walang kailaw ilaw. Hindi nya tuloy alam kung nandoon ba si Samuel. Lumapit sya at umakyat, tinulak nya ang pinto at pumasok sya. Muntik na syang mapatili ng may biglang humila sa kanya. Pero natigilan sya ng maging pamilyar sa kanya amoy nito. "S-Sam.." "Yes, it's me." hinapit sya nito sa bewang at sinakop nito ang labi nya kaya nabitawan nya ang bag at yumakap sya sa leeg nito habang tumutugon sa halik nito. Parang napakatagal ng hindi sila nagkita kaya halos ayaw nilang magbitaw ng labi sa sobrang pananabik. Nang maubusan lang sila ng hangin tsaka sila nagbitaw ng labi at nagpalitan ng hininga habang napapangiti. "Damn, finally, you are here beside me." ani nito at kinantilan sya muli ng halik bago sya niyakap ng mahigpit. "Samuel, saan tayo pupunta?" tanong nya, bumitaw ito ng yakap at pinulot ang bag nya. "Kahit saan, basta malayo sa mga taong nakakakilala sa atin at makakakita sa atin. Kakayanin natin basta wag lang tayong maghiwalay." Hinawakan nito ang kamay nya ng mahigpit at pinisil nito kaya tumango sya at kumapit sa braso nito. May sukbit na itong bag pack sa likod at inaya na sya palabas ng tree house. "Kailangan natin na sumakay ng barko pasabay sa mga turistang paalis. Hindi tayo pwedeng sumakay sa yatch at sa chopper dahil hindi tayo makakaalis at baka malaman pa nila itong pag-alis natin." Tumango sya habang pinapakinggan ang lahat ng plano nito. Hila-hila sya nito habang patungo sila sa daungan ng barko. Hindi din naman makikilala si Samuel dahil nakasuot ito ng sumbrero at shades, pero nang makakita sila ng pasalubong na tauhan ng daddy nito ay napayuko sila habang normal na naglalakad. "Hoy! Kayo! Saan kayo papunta?" Napahigpit ang hawakan nila ng kamay at sya ang nag-angat ng tingin dahil baka makilala si Samuel. "Manong, turista po kami, pauwi na po kami dahil namatay po kasi ang kamag-anak namin sa probinsya." medyo iniba nya ang boses para hindi sya nito mabosesan kung sakaling kilala sya nito. "Ganun ba, sige, magmadali kayo at malapit ng umalis ang barko. Pero kailangan kong tignan ang bag nyo para makasiguro." Kaya kahit nagmamadali sila ay binitawan ni Samuel ang kamay nya at binuksan ang mga dala nilang bag. Hindi ito manghihinala dahil damit lang naman nila ang laman no'n at perang babaunin nila. "Okay, makakaalis na kayo." Nang sabihin nito iyon ay nakahinga sila ng maluwag at sinukbit muli sa balikat ng binata ang bag nito, pati bag nya ay muling binuhat nito bago muli nitong kunin ang kamay nya at hinila na sya. Habang patagal na patagal ay pakaba ng pakaba ang nararamdaman ni Catherine. Nakasakay na sila ng barko kaya lumapit sya sa riles at humugot ng hangin. Nagpunta ang binata sa likod nya at pinatong nito ang mga kamay sa riles na parang kinokorner sya. Humarap sya rito at nagkatinginan sila. Napangiti ito kaya napangiti rin sya. "Wala ng makakapigil sa atin. Hayaan mo, gagawin ko ang lahat para sa'yo. Hindi kita pababayaan at poprotektahan kita." Humawak sya sa bewang nito at sinandal nya ang ulo sa dibdib nito. Yumakap sya sa bewang nito at nakahinga na sya ng maluwag ng maramdaman ang pag-andar ng barko. "Salamat, Samuel. Ikaw nalang ang sandalan ko, kaya wag na wag mo akong susukuan at iiwan, ha?" Naramdaman nya ang paghalik nito sa ulo nya at niyakap din sya nito pabalik. "Hinding hindi ko gagawin iyon. Mahal na mahal kita at kahit ano pa o sino pa ang humadlang sa atin, hindi kita isusuko at patuloy kitang mamahalin, tandaan mo 'yan." Sobra syang napangiti sa sinabi nito at ang bigat sa kanyang dibdib ay nawala. Masayang masaya talaga sya kapag kasama nya ang binata, at kahit saan sya nito dalhin ay sasama sya. Kahit saan, at kahit kailan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD