Umaga palang ay busy na ang lahat ng tao na nag-aasikaso para sa gaganaping party sa bahay ng mga ford. Kailangan ay perpekto ang lahat at kailangan na magandang maganda dahil isang ford na naman ang magdidiwang ng kaarawan. Nagkaset na rin ang mga catering service na galing sa hotel ng mga ford na syang umasikaso sa motif ng venue at mga chair, tables, stage, dance floor, big screen at pati ang tila pang prinsipeng upuan na uupuan ng magdidiwang na binata. Ang mga ihahaing pagkain naman ay iba't-ibang sikat na foreigner chef pa ang nagluto para lang sa araw na ito.
Hindi naman mapakali si Catherine habang panay ang tingin sa sarili sa salamin at suot-suot ang dress na binigay sa kanya ni Samuel. Ang kanyang buhok ay kinulot ang dulo habang nakapusod ang buhok nya na nahahati ang pagkakatali sa gitna. May mga accessories din syang suot sa tenga at leeg, ternong diamond earings and necklace. Napatingin sya sa kanyang paa at suot nya ang isang peach stelletos na pasunod na bigay sa kanya ng binata. Masayang-masaya sya dahil made with 'Ms. A' pa iyon. Ibig sabihin ay mismong design at gawa ng Tita Beatrice nya iyon. Pakiramdam tuloy nya ay sya ang may birthday dahil imbes na sya ang dapat na magbigay ng regalo ay sya pa ang nireregaluhan, kaya tuloy kinakabahan sya na animo'y sya ang may kaarawan.
"Catherine! Are you done? Let's go! We have one hour before the party begin!"
Agad syang napaalis sa salamin sa katok at tawag ng kanyang ina na tila ba sobra silang malelate kapag hindi nya binilisan. Sobra itong excited na hindi nya malaman.
Kinuha nya ang silver pouch nya at tinignan nya kung nandoon sa loob nito ang press powder, panyo, at cellphone nya. Nang nandoon na ay naglakad na sya palabas ng kwarto nya bitbit rin ang regalo nya para sa binata.
Sa baba, nakita nyang nandoon na lahat kabilang si Nesya na suot ang itim na gown. Bagay na bagay sa ugali nito ang kulay ng gown nito. Lihim syang napangiti sa naiisip at napailing na lumapit sa pamilya na nakatingin na sa kanya.
"Saan galing 'yang dress na iyan at ngayon ko lamang nakita?" tanong ng kanyang ina habang titig na titig sa dress nya.
"Samuel gave me this dress and stelleto." simpleng tugon nya at tumayo na animo'y kandidata sa pagent.
Tinignan nya si Nesya at kita nya ang inggit sa mata nito habang titig na titig sa kanyang suot. Nagflip sya ng hair at ngumisi dahil kitang kita nya ang inggit rito. Sarap sa piling na makita itong ganun. Hindi sya ganun mag-isip sa ibang tao, pero kung katulad kasi ni Nesya ang gaganunin ay matutuwa ka nalang.
"Okay, let's go. Tiyak na hinihintay na rin tayo nila Dimitri.." ani ni Alexander.
Naunang maglakad palabas ang parents nya kasama si Zach, at sumunod sya maging itong si Nesya tila sinasadya na makasabay sya.
"Maganda ang dress mo, ha."
"Ofcourse, are you insecure?" walang paligoy-ligoy nyang tanong na hilaw na kinangisi nito.
"Ofcourse not. Bakit naman ako maiinggit? Sige lang, enjoyin mo lang ang tila prinsesa mong ayos, baka sa susunod maging sumpa na sa'yo 'yan."
"Okay, sabi mo e." aniya at inirapan ito bago nya iwanan ito.
Sumakay sila sa kotse kahit ilang metro lang ang layo ng bahay nila sa bahay nila Samuel. Hassle kasi kung maglalakad sila tapos nakagown at dress sila. Sa bintana lamang sya nakatingin habang over sa space ang pagitan nila ni Nesya. Pagdating sa bahay nila Samuel ay napansin agad nya ang pagdami ng taong dumadalo. Kitang-kita rin nya kung gaano kabongga ang venue. Buong bahay nila Samuel ay pinailawan. Pinarada ng dad nya sa libreng lugar ang kotse nila.. At dahil excited sya, bumaba na sya agad kahit kakapatay palang ng kotse.
Bitbit nya ang pouch at mahigpit nyang hawak ang maliit na paper bag kung saan laman ay regalo nya para kay Samuel. Hinintay nya na makababa ang pamilya nya (maliban kay Nesya), bago sila sabay-sabay na lumakad patungo sa venue. Marami syang nakitang mga estudyante ng WCU na dumalo, lalo yung mga batchmate ni Samuel at classmate.
"Catherine, hi!"
Napangiti sya ng makita na nandoon na din pala si Pinky kasama ang parents nito. Bumeso sya sa kaibigan at pinakilala sya nito sa magulang nito.
"Grabe, sobrang sosyal at bongga ng birthday party ni Prince Samuel. Tapos ang drinks ay mamahaling champaigne pa."
Napangiti sya at tumingin sa buong paligid. Hindi naman nakakapagtaka na ganitong kabongga ang celebrasyon kapag may isang pamilya nila ang nagdidiwang. Siguro sa ibang tao ay talagang kahanga-hanga dahil baka kakaiba sa kanila ang klase ng selebrasyo ng mga ford, ng pamilya nila.
"Pinky, maiwan muna kita." paalam nya sa kaibigan ng makita nya ang parents ni Samuel na kausap ang parents nya.
"Sige.."
Agad syang lumapit sa mga ito at nakangiti syang tumingin sa tito at tita nya.
"Oo nga pala Beatrice, Dimitri, this is Nesya, our adopted daughter. Nesya, this is Samuel's parents. Say hi to them."
Nawala ang ngiti nya dahil sa klase ng pagpapakilala ng mom nya kay Nesya sa magulang ni Samuel. Nakaramdam sya ng kirot sa dibdib at parang ang presensya nya ay hindi kapansin-pansin.
"Hi, Tita, Tito." maligalig na bati ni Nesya.
"Oh.. I see.." simpleng anas ng Tita nya bago ito napatingin sa kanya. Napatingin ito sa suot nya at napangiti, "You are really look great to your dress and stelleto." puri nito sa kanya kaya ang matamlay nyang nararamdaman ay parang sumigla sa isang papuri galing sa iniidolo nya.
"Thanks, Tita. Ang ganda po ng design nyo." aniya na kinailing nito kaya nagtaka sya.
"No, that dress is not my signature design. It's Samuel's design made for you."
Napamaang sya, at rinig rin nya ang pagsinghap ng mom nya. Hindi nya alam na mismong si Samuel ang nagdesign ng suot-suot nyang dress, akala nya ang Tita nya ang may gawa.
"You did not know?" tanong ng nangingiti nyang tita, kaya umiling sya.
"Hindi ko po alam.. Si Samuel talaga!" napangiti sya at ang naramdaman nyang espesyal habang suot ang dress ay ngayon may kasagutan na. Mismo ang binata pala ang gumawa nito para sa kanya, pakiramdam nya napakaswerte nya, para syang maiiyak sa tuwa.
"Well my son is very secretive nowadays."
Nakatitig sa kanya ang Tita nya at tila may gustong malaman sa kanya. Kinabahan sya dahil parang double meaning ang pagkakasabi nito.
"Hindi ko akalain na magaling nga talaga sa arts si Samuel. Nagmana kay Beatrice."
Nakaupo na sila sa kanilang table at hanggang sa pag-upo nila ay binabagabag sya kung ano ang naiisip ng Tita nya sa kanila ni Samuel.
"Tila close na close po talaga si Samuel at Catherine.. Ngayon lang po ako kasi nakakita ng sobrang sweet na magpinsan."
Napatingin sya kay Nesya dahil sa sinabi nito. Ibig nyang samaan ito ng tingin dahil tila may pinapahiwatig ito.
"Ganyan talaga ang dalawang iyan mula pa ng bata, kaya halos hindi mo rin mapaghiwalay dahil na rin siguro sila ang magkasangga."
Napatango-tango pa si Nesya habang nakangising nakatingin sa kanya. Hindi na nya pinansin ito dahil biglang namatay ang lahat ng ilaw, at natira lang ay yung nasa stage. Parang balewala na sa kanya ang nasa paligid nya at wala syang naririnig kahit na nagsasalita ang Emcee para ipakilala ang may kaarawan na si Samuel, na lumabas na. Napakakisig nito sa suot nitong navy blue tuxedo habang may bulaklak na nakasuksok sa bulsa ng coat nito na sumisimbolo kung gaano sya kakisig at maginoo.
Nakakarinig pa sya ng tilian ng kababaihan, kabilang na doon syempre si Pinky, Leonie, Felicia na mga dumalo rin. Tumingin sya kay Nesya na ganun din ang reaksyon ngunit pigil na pigil ang paghanga nito. Humugot sya ng hangin dahil kahit saan sya tumingin ay maraming kababaihan ang nabibighani ni Samuel. Nakaroon tuloy sya ng pangamba. Walang kasiguraduhan ang lahat sa kanila ng binata. Maaaring sa huli ay hahantong sila sa hindi magandang kahahantungan. Kung sakaling kapalaran ay taliwas sa kanila, natitiyak nyang sya ang lubos na masasaktan. Dahil maraming kababaihan ang handang magmahal sa binata, subali't sya ay hindi nya alam kung meron pa ba.
Nakita nya ang kaseryosohan ng binata habang nililibot ang tingin nito sa lahat ng taong dumalo. Napatingin ito sa gawi nya kaya napangiti sya na kinaaliwalas na ng mukha nito.
"Thank you for coming to my twenty'th birthday. Masaya ako at nakita ko rin ang pinakamaganda kong regalo."
Bigla ay pinamulahan sya ng mukha at pinilit na maging natural kahit pa nagbubulungan na ang mga tao sa ibig ipahiwatig ng binata. Pasimple nyang tinignan ito at sinenyasan gamit ang mata kaya natawa ito.
"Oh.. Well, I think she's very shy. Mamaya ko na bubuksan ang regalo ko, ang mabuti pa ay mag-enjoy nalang po kayo ngayon sa party ko. Salamat!"
Hindi nya maunawaan kung bakit kakaiba ang kinikilos ni Samuel. Kinakabahan sya dahil parang nais nitong ilantad na ang sa kanila. Pinagpapawisan sya lalo't nagpunta ito agad sa gawi nila.
"Hijo, happy birthday to you!"
Tumayo ang pamilya nya kaya kahit kabadong-kabado ay tumayo sya. Tumabi ng tayo sa kanya ang binata lalo't doon ang space na walang nakaupo. Yumukod ito sa magulang nya bago bumeso sa dad at Mom nya. Ginulo nito ang buhok ni Zach, nginitian nito si Nesya bago bumaling ang atensyon nito sa kanya. Hindi sya makatingin dahil tinitignan nya ang reaksyon ng magulang nya.
"You are so gorgeous, Candy." papuri nito at halos manigas sya sa kinatatayuan ng gumapang ang isang kamay nito papulupot sa bewang nya kaya kita nya na napatingin doon ang parents nya at maging si Nesya.
"Masyado kayong close, Hijo." natawa si Mommy ngunit alam kong naguguluhan sya. Hinawakan nya ang kamay ni Samuel para alisin, ngunit matigas itong nakakapit tila ayaw nitong alisin ang braso nito.
"Yes, Tita. We're very close."
"Ano bang klaseng tanong 'yan, Manilyn. Ang mabuti ay maupo muna tayo ng maayos ka naming makausap, Hijo." ani ng Dad nya.
Agad syang naupo kaya nawala ang kamay ng binata sa bewang nya. Nais nyang lumubog dahil kaba sa pinagagawa ng binata. Inalis ng binata ang pagkakabutton ng coat nito bago ito naupo sa tabi nya at sinandal ang braso sa sandalan ng upuan nya.
"Kumain na po ba kayo? Ikaw Candy, kumain ka na ba?"
Inakbayan sya nito at nilapit ang mukha sa kanya kaya halos payuko sya at hinawakan nya ang hita nito bago kinurot.
"Damn!" bulong nitong mura at napahalakhak ito tila hindi man lang nito ininda ang pagkakakurot nya.
Napatingin sya sa parents nya at kita nyang hindi nasisiyahan ang mga ito sa sobrang dikit nila ni Samuel, maging sa paghalakhak nito sa tenga nya.
"Mr. Ford, tawag kayo ng parents nyo."
May dumating na waitres kaya tumango ang binata doon.
"Oh, wait. Dalhan nyo ng pagkain sila Tita." turo nito sa kanila, "At maging si Candy. Damihan mo rito dahil matakaw ito." dagdag nito habang hinahaplos-haplos ang buhok nya kaya inalis nya ang kamay nito.
"Sige po, Sir."
Nang makaalis ang waitres ay umayos ang upo ang binata bago tumayo.
"Maiwan ko lang kayo saglit, Tita, Tito." paalam nito sa parents nya na tumango, kaya umalis na ito sa table nila.
Ngayon ay naiwan nalang muli sila, nakaramdam sya ng panlalamig dahil kinakabahan sya sa reaksyon ng parents nya.
"What's the meaning of that, Catherine? Bakit kung kumilos sa'yo si Samuel ay para kayong magkasintahan?"
"Excuse me, Mommy, Daddy. Wash room lang po."
Natigil sa pagtatanong ang Mommy nya ng magpaalam bigla si Nesya. Tumango ang Mommy nya rito kaya umalis na si Nesya.
"M-Mom, wala lang po iyon.. Ganun naman po si Samuel sa akin." tugon nya sa tanong nito habang hindi makatingin ng tuwid.
"Mabuti ng nagkakaliwanagan, Catherine. Dahil hindi maganda sa mata ng mga tao ngayon na naririto na umasta kayong ganun. Hon, sabihin mo nga sa mga kapatid mo na sabihan si Samuel na wag kumilos ng ganun. Baka kung ano ang isipin ng ibang tao." bumaling ito sa Dad nya na tumango lang.
"Hindi mo lang siguro naiintindihan ang mga bata. Baka ganun lang talaga sila, hayaan mo na."
"Hayaan? Kita mo ba ang reaksyon ng tao ngayon rito? Nagbubulungan sila, o baka mamaya ay iba na ang iniisip nila. Alam mong malaki ang impluwensya ng pamilya natin sa buong Bf Island, baka masira lang dahil sa maling kinikilos ng mga batang ito."
Napayuko sya at napakutkot sa kanyang kuko. Alam nya ang ibig ipahiwatig ng kanyang ina. Kaya kung sakali na malaman ng mga ito na totoo ang napapansin nito sa kanila ni Samuel, tiyak na sobra-sobrang magagalit sa kanya ang kanyang magulang. Ayaw nyang mangyari iyon! Kaya naiinis sya kay Samuel dahil bakit ganun iyon ngayon! Pinapahamak sya nito.
"Once again, the birthday celebrant!" anunsyo ng emcee kaya napatingin sila sa stage. May dalang gitara si Samuel na naupo sa isang high chair na nasa gitna ng stage habang may nakatayo na microphone sa harap nito.
"I play this song for someone I truly love. She's my everything, and I know she know who is she. Misis ko, this is for you."
Nagkaroon ng bulong-bulungan muli ang paligid, at ngayon ay interesado na ang mga tao kung sino sa mga babaeng narito ngayon ang tinutukoy ng binata. Napalamukos ang kamay nya sa dress nya habang nakayuko sya dahil ramdam nya ang tingin ng kanyang ina tila naghihinala na ito na sya ang tinutukoy ng binata.
"Catherine, wag mo lang sabihin na ikaw ang tinutukoy nyang 'Misis' dahil sisiguraduhin ko sa'yong malilintikan ka sa akin."
Hindi sya makasagot sa sinabi ng ina dahil hindi sya makapagsalita. Lalo't nagsimula ng magstram ng gitara si Samuel.
Insert song (Kasalanan ko ba by neocolors)
Tahimik ang lahat habang pinapakinggang ang napakalamig at napakagandang boses ng binata habang tinutugtog at kinakanta ang kantang alam nyang para sa kanya nito inaalay iyon. Hindi nya alam ang nararamdaman. Dahil sa puntong ito ay alam nyang nais na ng binata na ibunyag ang relasyon nila.
Nang matapos itong kumanta ay halos tanging paghanga at kalituhan ang nababakas sa mga bisita. Habang sya ay nais maiyak dahil ngayon nya lang narinig na kumanta ang binata pero sa mali naman nitong paraan. Hindi nya alam kung maiinis sya o lalambot ang puso nya sa kinanta nito. Nababaliw na sya at parang hindi na nya alam kung ano ang dapat gawin sa mga oras na iyon.
"Salamat sa pakikinig sa boses kong hindi ko alam kung pangit ba dahil mga wala kayong reaksyon kundi ang kalituhan at pagtulala." nagagawa pang ngumiti ng binata bago ito tumingin sa gawi nya, "Well, alam kong lahat kayo ay naguguluhan. Gusto ko sanang imbitahan sa tabi ko ngayon ang 'misis' na sinasabi ko.. Pero tila kailangan ko pa syang puntahan dahil tila nahihiya sya."
Napailing sya rito habang ang lakas ng kabog ng puso nya ng makitang naglakad na ito para bumaba. Pero nawala ang atensyon nya rito ng biglang mamatay ang ilaw. Nagkaroon ng iba't-ibang palitan ng pagtataka pero lahat iyon nawala dahil nabuhay din naman agad ang ilaw.
"I love you, Candy.."
"I love you, too, Samuel."
Kasabay ng pagbuhay ng ilaw ay syang pagplay ng isang video sa big screen. Nanigas sya sa kinauupuan habang kitang-kita nya kung sino ang mga nasa video. Ang malala pa doon ay kitang-kita ng lahat na silang dalawa iyon ni Samuel habang nasa rooftop at parang walang bukas na naghahalikan.
"Stop the video!" sigaw ng kanyang ama. Napaiyak sya lalo na ng lumapit sa kanya ang kanyang ina at hinatak sya patayo.
"Oh my gosh! Magpinsan sila 'di ba?"
"It's incest!"
"Nakakahiya!"
"Malandi sya!"
Hindi pa sya masyadong nahahatak ng mommy nya ng may humablot ng buhok nya. Napaiyak sya at napaupo sa sobrang panghihina nya sa nakita, sa reaksyon ng pamilya nya, sa reaksyon ng mga tao, at sa mga masasakit na salitang narinig nya.
"Stop! How dare you!"
Nakita nyang tinulak ni Samuel sila Felicia na syang sumasabunot sa kanya. Agad syang tinayo ng binata pero agad na pinigil ng mommy nya ang binata.
"Nakakahiya kayo!"
Sinampal ng Mom nya si Samuel kaya pinigilan nya ito pero hinila sya nito palayo sa binata. Ang sakit ng pagkakahawak sa kanya ng Mommy nya habang ang dad nya ay nawala tila pinapapatay ang video. Sa kotse ay napaupo sya sa upuan bago nya naramdaman muli ang pagsampal sa kanya ng Mommy nya. Napahawak sya sa pisngi nya at napahagulgol.
"Hindi nyo alam ang ginagawa nyo! Wala akong mukhang maiharap ngayon sa mga tao dahil sa kagagawan nyo! Sabi mo wala lang? Pati pala sa eskwelahan ay gumagawa kayo ng kababuyan ni Samuel! Wag mo ring sabihin na may nangyari na sa inyo? Sa bahay, ginagawa nyo rin ang kababuyan na iyon, 'di ba!"
Gigil na gigil sa kanya ang kanyang ina at muli syang sinampal sa sobrang galit nito. Hindi sya makapagsalita dahil para syang walang boses.. Iyak lang sya ng iyak habang natutulala sa pagsampal sa kanya ng mommy nya.
"Manilyn, stop hurting your daughter. Sa bahay na tayo mag-usap at rinig na rinig sa labas ang boses mo."
Nakasakay na ang ama nya na may maawtoridad na tono ngunit ramdam nya ang pagkagalit nito sa kanya. Nakasakay na lahat habang tahimik sa loob ng kotse habang pauwi sila.
Pagdating na pagdating sa bahay ay agad syang kinaladkad ng ina at pinaupo sa sofa.
"Nakakahiya ka sa pamilyang ito! Gosh! Hindi ko akalain na magagawa mo sa amin ito! Kelan pa nangyari sa inyo ni Samuel iyon? Kelan?!"
"M-Mom.."
"Answer your Mom, Catherine. This is not the right time to cry."
Hikbi sya ng hikbi habang nakayuko at hindi makatingin sa pamilya nya.
"Mom, kaya po pala nung umuwi tayo galing nung fitting ng gown, may narinig akong ungol sa kwarto ni Catherine. Baka may nangyayari na sa kanila ni Samuel."
Nakatanggap sya muli ng sampal sa ina dahil sa sinabing iyon ni Nesya. Sobrang pula na ng mukha nya sa kakasampal ng ina nya. Wala syang magawa kundi tanggapin dahil alam nya na nararapat lang sa kanya.
"Sumagot ka, Catherine! Kelan pa may nangyayari sa inyo ni Samuel?" galit na tanong muli ng kanyang ina at nang ambang sasampalin sya muli nito ay nagawa na nyang makapagsalita.
"N-Nung iwan nyo po ako ng magpunta kayo sa maynila."
Napasinghap ang kanyang magulang at napaiyak ang kanyang ina sa kanyang sinabi.
"Pumasok ka sa room mo! Simula ngayon ay hindi ka lalabas ng bahay na ito!"
Napahagulgol sya habang hindi makatayo. Hinawakan sya sa braso ng mommy nya kaya napatayo sya, at tumakbo sya patungo sa taas. At pagdating sa kwarto nya ay agad syang lumapit sa kama bago padapa na nahiga. Iyak sya ng iyak at bawat eksenang nangyari sa party ay sariwang-sariwa sa isip nya. Parang nais na nyang mamatay sa kahihiyan. Wala syang mukhang maiharap sa magulang nya, at sa ibang tao.