"Yamiesha?" Isang malalim na boses ang narinig ko na siyang nakapagpalaki ng mga mata ko, suot-suot niya ang isang puting uniforme na halos mahiya ang alikabok na madumihan ito. Nakangiti siyang nang makita ako ngunit ako'y parang nabato sa kinatatayuan ko. "Kamusta ka na? Gosh! It's been a long time." "A-anong gi-ginagawa mo d-dito?" Ang tanging mga salitang nabanggit ko. "Natural Miesha, I am a doctor now. Gosh. I've missed you." Pero nakangiti pa rin siya sakin. HIndi ko alam kung bakit ganoon nalamang ang pinapakita niya na parang wala siyang kasalanang nagawa sakin at nagagawa niya akong yakapin ng ganito kahigpit. "Hey! How have you been? Earth to Miesha!" Nagulat ako sa kamay na dumuling sakin. Ang tagal ko na palang nakatulala dahil kanina niya pa ako tinatanong

