Chapter 1
“Before this night ends, we would like to thank our sponsors who made this event possible and to the executives for having us here. Once again, I am Yamiesha Ville”.
“and I am Mikee Su, the masters of the ceremony!”.
Since we were in college, Mikee and I have been hosting different formal or casual events, and today, we are hosting a corporate event here in Shangwa Hotel. Hindi ko na mabilang kung ilang event na namin ito. We really tried our best to return the favor for hiring us. Mapakanta, mapasayaw, o acting ginagawa namin sa entablado, basta hindi lang magkaroon ng dead air. Also, we wanted the attendees to feel that they are not just attending and sitting there but also the event's stars.
Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng stage ay mayroon nang lalaking humarang sa akin. I looked at him, and ask, “how can I help you, sir?”.
“What is your name?” Siguro kung hindi pa ko sanay makisalamuha sa tao, I will be offended. I know for sure that this guy in front of me is not just anybody but someone with power.
“I am Yamiesha R. Ville. Nice to meet you, sir or ma’am?” Tumawa siya at nakuha niyang hindi ko alam kung anong pangalan niya. Kaya dumukot siya sa kanyang pulang pouch at inabot sa akin.
“Here’s my calling card, Ms. Ville. I want you to be our representative for Binibining Pilipinas”. Hindi pa man nakakapagtanong ay umalis na siya. Ibinalik ko ang tingin sa calling card na binigay niya.
Roberto Galang
Founder, Philippines Beauty Camp
0916*******
“What’s that friend? Bagong calling card ng potential suitor mo?” Sa dami ba naman ng nagbibigay ng calling card sa akin para i-text ko baka iyon din ang tingin niya kaya umiling ako.
“Hindi? Then, what is that?” Sabi niya, sabay hablot sa papel.
"Roberto Galang, Philippines Beauty Camp." Mukhang may inaalala siyang pangyayari sa buhay niya na nakalimutan niya. Hinayaan ko nalang siya at bumalik sa backstage para magligpit na ng gamit ko at gusto ko ng umuwi. Pagod na pagod na ako at kailangan ko nang matinding paglilibag mamaya, pakiramdam ko dumikit lahat ng alikabok sa katawan ko at ang lagkit-lagkit ng pakiramdam ko.
"Girrrrrllll!!!" Nagulat naman ako sa best friend kong nagtitili, kaya lumabas ako sa assigned room at yakap niya ang sumalubong sa akin. "Bakit ba?!" Asar kong tanong habang pilit na inaalis ang mala-bakal na kamay niyang nakapalibot sa katawan ko.
"It's Robert Galang, dear!" Tuwang-tuwang sabi niya.
"Oo alam kong si Robert Galang yan. Siya lang naman ang lalaking kumausap sakin kanina, so?"
"Anong lang?! Si Roberto Galang 'yon teh! Hindi nilalang 'yon! Siya ang kilalang talent manager and pageant mentor sa France at siya lang naman ang humawak sa mga beauty queen na nananalo sa Miss Universe girl. Kaya talagang nila-lang lang talaga 'yon. Wag mong sabihing kinausap ka niya dahil… O-M-G! Di nga?” Hindi pa man ako sumasagot ay parang alam niya na kung anong dahilan kung bakit ako kinausap ng isang Roberto Galang.
“Girl, sige na. Pumayag ka na. I will be supporting you. Swear! Kahit tagabitbit ng gamit mo gagawin ko pumayag ka lang!” Dagdag pa niya.
"E bes, ano namang gagawin ko sa pageant-pageant na yan? Ano bang binatbat ko kina Venus Raj, Shamcey Supsup, at Ariella Arida aber?! Alam kong maganda ako bes, pero kung itatabi mo 'ko sakanila, kuko palang talo na 'ko, pero dahil pangarap kong maging beauty queen, sige. "
Tumili kami nang tumili habang magkayakap at tumatalon, "Ang dami mong sinabi pangarap mo din naman tong baklita ka! Yes, magkakaroon na din ako ng bespren na sikat!". Tawanan lang ang ginawa namin dahil nagplaplano na kami ng mga bagay na pwede naming gawin, kapag ako ang nanalo kahit wala pa man. Sabi nga nila attract positivity.
I am a graduate of Bachelor of Arts, major in Communication. I love being in front of the cameras, making videos, bloopers, music videos, acting, modeling, et cetera. Noong una, akala ko ang kursong ito ay easy-easy lang. I do not need to study well since I am taking what I love, pero hindi pala ganoon, it requires skills, knowledge, and effort. Dapat lahat kaya mong gawin, versatile and flexible kung baga. Hindi lang sa mga gagawin kundi maging sa mga taong makakasama mo. Kaya thankful ako at nakapagtapos ako with flying colors.
"Girl, tama na ang yakapan natin baka akala nila syota kita, and I find disgusting." Reklamo niya.
"Ang arte mo, hindi tayo syota. Ang syota, short term lang tayo pang forever girl." Sinimulan niya namang kunyaring pagpupunas ng mga luha niya kahit wala naman. “Kakatouch, girl”.
Naiiling nalang akong nagligpit muli ng mga gamit ko. "Kapag napapayag mo na siya, at nakapirma ka na ng kontrata mo, ako ang magiging manager at mentor mo ha? Gagawin kitang unique sa pinaka-unique. Tatalbugan mo pa ang tsunami walk ni Shamcey at Cobra Walk ni Janina dahil ikaw ang magpapasikat ng Duck Walk!"
"Paano naman 'yon? Kwak kwak kwak habang naglalakad?" Natatawang sabi ko. "Ahh, basta bes, ako ang magpapasikat sa'yo." Sabay tawa niya.
Ilang araw na ang nakalipas matapos kaming magkausap ni Roberto Galang, or Tita Beth, which he preferred to be called. Nandito na ako sa beauty camp kung saan magkakapirmahan ng contract. When I informed mom and dad, they were happy for me. Especially mom, Yumiko T. Roosevelt, who were then the Miss Universe 1st Runner Up. See? Beauty and pageantry really run in our blood.
***
I was about to leave the hospital when a nurse was running after me. “Doc Yee! Doc Yee! The patient is..” Sa sobrang hingal niya hindi niya na alam kung paano sasabihin ang balita or maybe, I am that handsome para mataranta siya.
"Ahhmmm Doc, the patient is okay now." Then, she flashed her sweetest smile. Sabi ko na e, she is flirt. Kahit doctor ako kaya ko paring silang pagsabay-sabayin. Gifted ata to. Napangisi nalang ako sa naiisip ko. “Thank you, Nurse Kim for the update”.
"Oh, pre!" It is Rafael Q. Tan, my best friend, and a resident doctor. Nakipag-feastbump ako sa kanya. Buti nalang talaga, we have truced with our parents allowing us to pursue our medical careers and maybe after finishing the fellowship training, tatapusin na rin namin ang business management to take over our parents’ businesses. Wala naman kasi kaming kapatid ni Raf, so we have no choice but to do what has been planned.
“Ano pre, mamaya ha?” Reminding me of our Friday night life. It is one of the many reasons why Raf and I are close because of women as our stress reliever. Sabi nga nila, if you have this, flaunt this pero mas gusto ko ang kasabihang, kapag pinag