Hindi ko inakalang ganoon kabilis ang lahat, dahil sa susunod na buwan na ang pageant competition na sasalihan ko. Ngayon, nagfofocus muna ako sa pagpractice, kung practice ng aba ang ginagawa ko dahil kanina pa ako pagod na pagod kakarampa at kanina pa din masama ang tingin sa akin ni Mikee.
“Girl, ano ba naman ‘yan?! Para kang tuod sa taas! Hindi ganyan ang turo naming ni Tita Beth sayo!” Ginulo ko ang buhok ko at sinamangutan siya. “E di ban ga practice?! Anong pinuputok ng butchi mo jan?” Hindi ko na mapigilang mainis dahil kanina pa ko naririndi sa kakasigaw niya porket wala si Tita Beth.
“Of course, girl, dapat kahit practice pa lang kitang-kita na ikaw ang mananalo!” Palakpak niyang sabi. “Duh, edi kung ginawa ko ‘yon, nakuha na nila mga tinuro niyo. Ikaw na baklita ka, maniwala ka nalang sa akin. Keri natin ‘to”. Sabi ko sabay talikod sa kanya.
Matapos kong maayos ang mga gamit ko’y sumalampak na ako sa bakanteng upuan. Sa wakas, makakapagrelax na din. Halos siyam na oras na din kaming diridiretson nakatayo at rumarampa suot ang 6 inches heels namin.
“Girls, later see you at Brix!” Sigaw ni Madam Bim. Siya ang managing director at isa sa mga organizers ng competition kung kaya’t hindi siya kung sinu-sino lang na nanggaling sa kanto para pamahalaan ang ganito kalaking event. Sakanya isisisi ng Pilipinas ang lahat ng maling mangyayari, pero ang executives ang makakatanggap ng mga papuri kapag naging maganda ang kinalabasan.
“Bes, sama tayo ha”. Tiningnan ko muna siya bago sumagot, “Hindi ba pwedeng pass muna ako? Pagod na talaga kasi ako bes, ang sakit sakit na ng paa ko”. Pero iniling niya lang ang ulo niya at habang nakataas ang isang kilay. Napabuntong hininga na lang ako.
"Sa ayaw at gusto mo sasama ka, maghuhunting tayo ng boys, okay?!" Naiiling ko siyang pinanuod habang excited na umalis at makipagchismisan sa mga ibang kasama namin. Feeling ko siya ang kakandidato e, mantakin mo ba namang kilala niya lahat ng mga contestants kumpara sakin na kung sino lang ang kalinya at laging katabi ko ay siya lang ang kilala ko.
"Anyway, please be careful and don't be too wild later, ha?" Paalala ni Madam Bim, bago lumabas ng room. Mabait naman silang lahat, pagkatapos nga lang ng practice. Kung nasa stage na kasi kami, nakabeast mode silang lahat hindi pwedeng magbiro, kelangan seryoso lahat kaya sila tumatanda e.
"Girl, basta gawin mo ha, 'yon pinapagawa ko sayo ha!" Napahilamos ako ng kamay sa mukha ko dahil sa kakulitan niya, "Ano ba?!" Binatukan ko nga, pagod na pagod na ako, pero iniinis pa niya ako.
“Syempre, practice nga e! Alam mo ‘yon practice? Paulit-ulit ka din e”. Konting-konti nalang talaga makakaya ko nang ibalibag sa kanya itong couch.
“Malamang, alam ko yung salitang practice! I-spell ko pa sayo kung gusto mo e. P-r-a-!”
"Magsasalita ka pa? Bigwasan kita jan e!"
"Best friend naman."
"Wag kang magpout! Mukha kang pwet!" Kala mo naman kung bagay niya.
"Eeee, bakit ba kasi di mo gingawa yung mga tinuro ko? Nakakatampo kana ha. Nageffort pa naman akong magsearch sa Google, maghanap ng mga pamatay na lakad at pose. Tapo-." Mahaba niyang litanya. Nakakarindi.
"Hep! Hep! Hep! Ano ka ba?! Practice nga lang yun sa mismong pageant ko nalang gawin baka mamaya gayahin pa nila!" Kaasar. I need peace at this moment, and Mikee is not helping me at all. Paano ko ba kasi nagging kaibigan ‘to?
“Tama! Ang galling mo talaga, dang! Apir?!” Tsaka niya inilapat sa ere ang kamay niya. Kanina ko pa pinapaintindi pero mukhang ngayon lang nag-sink-in sa megabyte niyang memory brain ang lahat ng sinabi ko.
Napaaray anamn siya sa ginawa ko, dahil noong itinaas niya ang kamay niyang umaapir ay sa mukha ko tinama ang kamay ko. Makabawi man lang sa kaingayan niya. "Lagi mo nalang akong sinasaktan. Am I a battered best friend now?!"
The place was reeky, and the music was loud. Amoy na amoy din ang alak habang papasok ng Brix, a high-end bar near the Shangwa Hotel. Kanina ko pa hinahanap mga kasama ko, pero hindi ko sila mahagilap. Bakit hindi pa kasi ako sumabay kay Mikee kanina.
“Hi, Miss!” Bat isa akin ng isang lalaki, tinanguan ko nalang at nagpanggap na may kakilala sa kabilang banda upang makaiwas sakanya.
“Are you free tonight?” Lapit naman ng isa pang lalaki. I thought this is a high-end bar, the people should be civilized at least. Hindi ko din alam bakit sa ganitong lugar pa nila kami itre-treat hindi pa pwedeng sa isang buffet restaurant nalang?
Pasalamat nalang ako at may narinig akong tumili sa likuran ko. Alam ko na kung sino ‘yon. Kaya umikot ako at lumapit sakanya. Napansin kong kasama niya na rin pala ang iba pang mga candidates.
“Hi, Miesha!” Sabay-sabay na bati nila sa akin. Ang iba ay nakipagbeso at yakapan pa.
"Lasing na ata kayo, maaga pa ah." Natawa naman sila sa sinabi ko. Napadako ang tingin ko sa best friend kong titig na titig sa kaharap niya. Kaya naman pala, ginawa niyang props ang babaeng nakalingkis sa kanya para makausap ang gwapong kasama nila. Natawa nalang ako sa bulok niyang style.
"Dang, ang seksi mo!" nang tinabihan ko siya. “Dang” is another endearment we used which means, friend.
"Maliit na bagay masyado mong pinalalaki. " I jested. Sinapak niya naman ako. Wag kayo mag-alala ganyan talaga kami magmahalan, and I frankly tell you, true friends never flattering each other, but curse.
We dance and drink, and later became wasted. Nararamdaman ko na ding namamanhid ang katawan ko sa dami ng alak na nainom, while dancing, someone was firmly holding my waist and felt the beat and rhythm of the music.
***
It was already eleven o’clock in the evening, and yet I was still inside my car waiting for Raf. Alas diyes ang usapan naming pero anong oras na at wala pa siya.
“Pre, san ka na?!” Habang kausap ko sa telepono. Tinawanan niya lang ang inis kong sabi. “Ito na malapit na, masyado ka naming tigang”. Imbes na mainis ay tinawanan ko nalang siya.
“Ang tagal mo kasi, kanina pa ko nandito. Dalian mo at nang makarami”. Hindi ko na siya inantay na sumagot at binaba na ang tawag. Sakto namang pumarada ang Chevy Silverado niya sa Dodge Ram ko.
Napatingin ako sa babaeng kasama niyang bumaba ng sasakyan niya. “Kaya pala matagal”, biro ko. “Ewan ko sayo, manahimik ka nga”. Tiyaka niya ko natatawang hinampas at pinakilala ang babaeng kasama niya.
Pinili naming ang sa itaas na bahagi ng bar, at nagorder ng Bacardi. Habang tahimik na sumisimsim nito, may nakapukaw ng pansin ko. Napangiti ako, I think she is perfect to be my next project.