Ang kanyang pasyente!

1998 Words

------- ***Zariyah’s POV*** - Unang araw ko ngayon sa trabaho ko. Agad akong nagsimula dahil nangangailangan talaga ng nurse ang Montainer Hospital—ang ospital kung saan ako muling nag-apply bilang nurse. Ang mismong CEO at doctor din na si Dr. Calvin Montainer ang nag-interview sa akin. Si Dr. Montainer ay brother-in-law ni Aiden, ngunit hindi ko kailanman naisip na kaya niya ako tinanggap agad dahil kay Aiden. Sa pagkakaalam ko, wala namang alam ang pamilya nila tungkol sa amin ni Aiden, kahit pa pitong taon kaming nagsama noon. Kahit isang beses, hindi ko nakaharap ang mga magulang ni Aiden. Hindi niya ako nagawang ipakilala sa mga ito—kahit bilang isang kaibigan lang. “Nurse Rosaleas—” Napatigil ako sa ginagawa kong pag-aayos ng mga gamot nang marinig ko ang tinig ni Dr. Montainer

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD