------- ***Third Person’s POV*** - Kuyom na kuyom ang kamao ni Aiden. Hindi mawala sa isip niya ang mga salitang binitiwan ni Zariyah sa kanya kahapon sa grocery store, habang papunta na sila sa parking area. Paulit-ulit iyong bumabalik sa isip niya, parang sirang plaka na ayaw tumigil sa pag-ikot. At ikinagalit niya iyon ng sobra. “Pwede ba, Aiden, tigilan mo na ako. Huwag mo na akong guluhin. Kinalimutan ko na ang kagagahan ko sa pagmamahal ko sa’yo. Sana magbago ka na rin. Sana pakawalan mo na ako,” mariing sabi nito, puno ng poot ang boses. Sobrang talim ng mga mata nito habang nakatitig sa kanya—parang gusto na siyang saksakin ng tingin pa lang. “Pakawalan? Apat na taon akong naghihintay sa’yo, Zariyah. Apat na taon,” ganting sigaw niya, halos pumutok ang ugat sa leeg sa tindi n

