-------- ***Zariyah’s POV*** - Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang sinusundan ng tingin ang papalayong si Aiden. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang sinabi niyang babalik siya para kunin si Aldrine. Sabi ko na nga ba, hindi maganda ang magiging kahihinatnan kapag nalaman niya ang tungkol sa anak namin. Pero hindi—hindi ako dapat magpadala sa takot. Hindi na ako ang dating Zariyah na takot na takot sa kanya, na basta na lamang tinatanggap ang lahat ng pasakit at mga katarantaduhang ginawa niya sa akin. At kung akala niyang makukuha niya ang anak ko, nagkakamali siya. Kahit magkamatayan pa kami, hindi niya kailanman makukuha si Aldrine mula sa akin. Nakuyom ko ang kamao ko habang mariing nakatitig sa direksyon kung saan siya nawala. Nanlilisik ang mga mata ko kahit wala na si

