-------- ***Zariyah’s POV*** - “Anong ginagawa mo dito?” naiirita kong tanong kay Aiden nang makaalis na si Yaya Sandra. Bago siya umalis, lihim kong sinabi sa kanya na puntahan muna si Aldrine sa taas at huwag na huwag niya itong palabasin ng kwarto. Hindi pwedeng makita ni Aiden ang anak ko, baka mas lalo pang magkagulo. “Hindi ba obvious kung bakit ako nandito?” malamig na tugon ni Aiden, nakatitig sa akin nang diretso. “Nandito ako para makita ka… at para kunin ka na rin. Hindi ka nababagay sa ganitong bahay, Zariyah. Alam mong mas maganda at mas komportable ang bahay nating dalawa. Pero kung ayaw mo roon, marami naman akong ibang bahay na binili—para sa ating dalawa.” Parang ordinaryong bagay lang ang pagkakasabi niya, na para bang maayos ang lahat sa pagitan namin. Para bang wal

