-------- ***Zariyah's POV*** - Hindi ko mapigilang laru-laruin ng mga daliri ko ang buhok ni Aldrine, habang laman pa rin ng isip ko ang hindi ko inaasahang pagkikita namin ni Aiden kanina. Si Aldrine ang batang ipinagbubuntis ko noong napagpasyahan kong umalis at talikuran ang lahat ng meron sa pagitan naming dalawa ni Aiden. Siya ang naging bunga ng halos walong taon kong pagpapakabaliw sa pagmamahal ko kay Aiden—ngunit siya rin ang naging liwanag ko, ang nagbigay sa akin ng bagong pag-asa at dahilan para muling mabuhay. Tatlong taon na siya ngayon. Tahimik siyang natutulog sa tabi ko, payapa ang kanyang mukha, malayo sa mga gulong umiikot sa isip ko at sa bigat ng nararamdaman ko ngayon. Gamit ang isang private plane na pagmamay-ari ng kaibigan ni Mikael, dinala ako nito sa Switzerl

