Uminom muna kaming dalawa ng tubig bago bumalik sa aking inabandonang saglit na silid. Magkaharap kaming naupo sa malamig nitong sahig. Sa aming pagitan na dalawa ay naroon ang garapon na ang liwanag ng mga alitaptap ay walang katulad. Para itong mga bituin na nakakalat sa langit, para itong christmas light na patay-sindi sa gitna ng madilim na gabi. “Ready ka na ba, Miura?” kumikislap ang matang tanong na sa akin ni Eriza. Hinawakan niya ang takip ng jar at maingat iyon na iniikot. Nakikinita ko na ang kabataan naming dalawa sa aking isipan ngayon. We are both wearing a pair of pajama back then. Parehong kumikislap ang mga mata na kapwa nawawala ang isang ngipin sa aming unahan. Nakasalampak sa sahig, masinsinang pinag-uusapan kung sino ang magbubukas ng takip ng jar ng mga nahuli namin

