GERONIMO NARCISO POV Freedom is nothing but a chance and opportunity to be a better version of yourself. And freedom can find in any different form. Matamlay ang paligid, bahagyang umiiyak ang langit nang tingalain ko ito. Nakakapanibago ang tama ng liwanag sa aking buong katawan. Ganundin ang hangin na mayroong kalayaan. Isang sulyap ang aking ginawa sa malayong pintuan na aking nilabasan. Sarado na iyon ngayon, nakakandado na ito mula sa loob ng lugar. Inayos ko ang aking backpack na sakbat, ilan sa mga naipon kong gamit sa loob ang laman nito. Malawak akong ngumiti sa kawalan. Malaya na ako ngayon sa loob ng ilang taong pananatili sa loob ng gusaling ito. “Kosa, malaya ka na ngayon.” si Gado, malawak ang ngiti sa akin. “Hindi ka na iiyak gabi-gabi habang nakatitig sa picture ng iyong

