Nakakaisang subo palang ako nang padabog na ibinagsak ni Senda ang kanyang baunan sa lamesa ng aming tambayan. Nasamid ako at malakas na umubo-ubo. Nang i-angat ko sa kanya ang aking mga mata ay sinalubong ako ng nagliliyab niyang mga tingin sa akin. “Harap-harapan mo talagang inaagaw ang atensyon ni Geron, Miurasel!” marahas nitong sigaw ng akusa sa akin, “Kanina ka pang umaga Miura ha! Nananadya ka ba talaga?!” Natahimik ang ilang kaklase namin na kagaya naming kumakain ng tanghalian. Ang iba ay bumulong ng mahina at nasamid din gaya ko. “Wala naman siyang kailangang agawin sa'yo Senda,” si Eriza na naiinis na, “Magkapatid sila.” “Oo magkapatid nga silang dalawa,” tugon nito na humalukipkip sa aming harapan, “Pero ako pa rin ang kanyang kasintahan ngayon ‘di ba?” Agad na tumayo si

