Magkahawak-kamay kaming dalawa na pumanhik ng aming hagdanan. Hindi na nawala ang mga ngiti na kapwa nakapagkit sa aming labi ni Geron. Tunay nga siguro ang lumang kasabihan ng mga matatanda na kapag labis-labis ang iyong saya, humanda ka na dahil may kabaligtaran na itong nakaabang. Bagay na hindi namin napaghandaan ni Geron. Agad at mabilis na humalik ang rumaragasang malamig na tubig sa katawan naming dalawa. Nanggaling iyon sa timbang hawak-hawak ni Tita Belith. Hinihingal niya kaming tinapunan at pinasadahan ng tingin. Hindi makapaniwala sa mga kamay naming dalawa na magkasalikop at malayang nakahawak sa bawat isa. “Anong ginawa niyo kay Senda ha?!” matalim ang tinging tanong nito, nagliliyab iyon sa galit. “Wala kayong karapatan na ipahiya siya doon!” Napakurap-kurap ako habang s

