Marahan akong tumango sa kanya, agad na kumbinsido sa naging sagot nito sa akin. “Sigurado ka na tumawag sa'yo si Senda?” si Eriza, tunog nagdududa habang ginugulo niya si Arlo na kasalukuyang nagbibilang ng aming mga naging benta. “Baka nagsisinungaling ka lang sa amin upang siya ay iyong pagtakpan?” Tumigil si Arlo sa pagbibilang ng mga barya. “At bakit naman ako gagawa ng kwento?” harap niya kay Eriza na lukot ang mukha. “Tumawag nga?” “Oo nga, tingnan mo pa sa cellphone ko.” tunog asar na saad nito, “May mga text din sa akin.” “Aha, at magka-text pala kayo?” duro sa kanya ng hintuturo ni Eriza, “Ano iyan Arlo, ha?” “Ngayong araw lang naman.” “Weh? Hindi na ako naniniwala sa'yo!” ”Huwag kang maniwala, hindi kita pinipilit.” Nahanap ko ang mga mata ni Geron. Sa mga titig n

