Chapter 41: Pantalan

2706 Words

Mainit at malagkit ang halik ng hangin na may kasamang tilamsik ng tubig sa aming balat nang sapitin na namin ang nasabing lugar. Malayo-layo pa ang takipsilim subalit may namumuo nang kulay abo at kahel na mga ulap sa malawak na kalangitan na halos karugtong ng dagat. May mangilan-ngilan na namamasyal sa lugar. May naglalakad at nagtatampisaw sa maligamgam na tubig-alat. Umiindayog sa pampang at dalampasigan ang maliliit na alon na walang pagod na humahalik sa pinong buhanginan. Ganundin ang mga dahon sa sanga ng mga puno sa malawak na bakawan. Tahimik ang lugar maliban na lang sa panaka-nakang hampas ng alon sa batuhan. Nakangiti akong bumaba ng kanyang bisikleta. Patalon-talon akong tumakbo palapit sa dagat. “Kuya Geron, bilisan mo!” lingon ko sa kanya, inilagay ko pa ang aking dalawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD