Katapusan na ng buwan ng Mayo. Hindi pa ngumingiti ang araw sa kalangitan nang lisanin naming dalawa ni Geron ang aming tahanan. Ngayon ang huling araw ng buwan at kailangan na naming magpalista ng aming pangalan sa paaralan. Sa kursong aming nais kunin sa paaralan na sa bayan ng Catanuan matatagpuan. Isa sa prestiyosong pribadong unibersidad iyon sa probinsya namin. “Miura, mag-iingat kayong dalawa ng Kuya Geron ha?” muling paalala ni Mama habang mahigpit ko siyang niyayakap. “Baka naman ay maligaw pa kayo?” Umiling ako sa kanya habang natatawa. Ang paaralan na aming pupuntahan ni Geron ay matatagpuan sa mismong daanan ng mga bus. Pagbaba namin ay tatawid lang kami. Katabi ito ng Jollibee, kaya malabong maligaw pa kaming dalawa. Inihatid pa nila kaming dalawa sa sakayan ng bus. Maaga ri

