Ang paglago ng aming mga itinanim ay kasabay ng mabilis na pagkalagas ng bawat araw sa buwan ng Abril. Tanghali at gabi ay dinidilig namin ito upang patuloy na lumabang mabuhay sa ilalim ng nagngangalit na init ng araw. Unti-unti ng gumagapang ang bermuda, samantalang sumusulpot palang sa sanga ang mga munting dahon ng calachuchi. Ilang buwan pa ay makikita na namin ang ganda ng kanilang resulta sa aming buong bakuran. Sa pagpasok ng unang linggo ng buwan ng Mayo ay isinama kaming dalawa ni Geron nila Mama sa Manila. Habang abala si Tito Papa sa kanyang meeting ay sinamahan naman kami ni Mama sa isang dentista. Pinahigpitan ni Geron ang kapit ng kanyang suot na braces. At ipinalinis naman ni Mama ang aking ngipin. “Hindi pa rin ba sumasagi sa iyong isipan ang magpagupit?” bulong ko sa ka

