Kinabukasan ay walang naging lakad sina Mama at Tito Papa. Maaga silang gumising na nakakapanibago para sa amin dahil halos ay kasabay namin silang bumangong dalawa ni Geron. Magkatulong silang dalawa ni Tito Papa sa kusina na naghahannda ng aming almusal. Puno pa rin ng pagtataka na magkatabi kaming nakaupo ni Geron paharap sa mesa at tahimik na sa pagkain ay naghihintay lang na maluto. “Bakit ang aga niyo naman pong gumising Mama?” tanong kong hindi na nakatiis pa, nakapantulog pa kaming damit na apat. Hindi pa rin sila nakakaligong dalawa. “Mayroon po ba kayong lakad ngayong araw, Mama?” Humahalimuyak na ang amoy ng sabaw ng sopas na kanilang niluluto bilang agahan. Bahagya siyang lumingon sa akin pagkatapos na tikman ang sabaw sa sandok niyang hawak. “Wala, tutulungan na namin kayo

