Chapter 51: Bermuda

3404 Words

Ilang saglit pa ay nasa harapang bakuran na kaming dalawa. Nakasuot ng pajama, jacket, bota at saka sumbrero. May guwantes rin sa aming mga kamay. Nakuha ko iyon sa aming imbakang bodega. Magkatulong naming tinatanggal ang mga damong mahigpit ang pagkakayakap sa tigang na tigang na lupa. ”Ang init pala,” narinig kong reklamo ni Geron habang pinupunasan ng maruming kamay ang tumatagaktak niyang pawis sa kanyang namumulang noo, “Akala ko ay hindi.” Mahina akong tumawa, plano niya ito hindi ba? Bagama't walang sikat ng haring araw ngayon ay maalinsangan pa rin ang ihip ng hangin. Lalo pa iyong pina-init ng aming suot na damit na hindi naman akma at napapanahon. “Tumabi ka diyan!” sigaw ko habang binubuhat ang mahabang hose ng aming tubig, “Basain natin ang lupa para mas mabilis silang bu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD