Chapter 50: Away

2049 Words

Maalinsangan ang ihip ng hangin. Ang sikat ng araw ay hindi kagaya kahapon. Makulimlim ngayon ang langit. Niyayakap ng makakapal na ulap ang araw na ang sinag ay pilit ditong kumakawala. Umaawit ang mga ibon sa puno. Bahagya kong nilingon si Geron na tahimik na nakaupo sa kanyang umuugang duyan. Tangan ang tasa ng kanyang kape. Patuloy siyang gumagalaw sa tulak ng malakas na hangin. “Nakita ko sa bayan si Arlo kanina.” sambit ko na sinulyapan ang aking cellphone sa kandungan, saglit siyang lumingon sa akin. Nagtatanong ang kanyang mga mata. Maliit akong ngumiti. “Kinuha ko sa kanya ang number ni Senda, saka ibinigay ko na rin ang number mo sa kanya.” Binawi niya ang tingin sa akin, ipinagpatuloy ang pagmamasid sa aming malawak na bakuran. Nais ko pa sanang sabihin sa kanya na nakausap ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD