Pabiro na masama kong tiningnan si Geron nang tumawa ito nang mahina. Mabilis na umiwas siya ng tingin sa akin. Nagkunwaring hindi niya ako nakita at hindi siya tumawa sa akin kanina. Ilang sandali pa ay binabagtas na namin ang daan lulan ng isang magara at mamahaling sasakyan. Si Tito Papa ang may-ari nito. Ito rin ang ginamit nila pauwi dito galing ng Manila. Nang araw na iyon ay nabutas ang gulong nito kagaya ng aming bisikleta ni Geron, kaya bahagyang nahuli sila sa aming palatuntunan na naganap kahapon. “Higit na mas maganda ang kuha niyo ngayon keysa noong nagdaang taon, Melinda.” papuri ng kumuha sa amin ng litrato na may-ari nito. Tahimik akong lumapit sa kanila, mabilis iyong sinilip. Maliit akong napangiti nang makitang nakangiti na ngayon doon si Geron, na hindi kagaya nang n

