Pinagmasdan ko ang pagkalusaw ng makapal na hamog sa tumitinding sikat ng araw sa labas ng aming bahay. Yumayakap ang bawat sinag na nito sa kalupaan. Malamig pa rin ang halik ng pang-umagang hangin sa aming balat. Marahang sumayaw ang maliliit na kalbo ng sanga ng puno ng sampalok na aming itinanim sa mabining ihip ng hangin. Maliit na akong napangiti nang dahil sa mga ito. “Sana ay si Arlo nalang ang gumawa ng paraan para muli silang magkita.” saad ko na huminga nang malalim, “Siya na iyong dapat na gumawa ng paraan para magkita silang dalawa.” “Sigurado naman akong gagawin iyon ni Arlo.” saad niyang mahinang natatawa, “Iba rin iyong naging tama niya sa pinsan mong si Rosenda.” Hindi na ako sumagot, wala na ‘ring masabi pa sa kanya. Ganun naman siguro sa pag-ibig, kapag nagmahal ka ay

