GILMARIE POV "Babalik na ba talaga kayo ng Manila bukas?" tanong sa amin ni Kamisha nang makarating ito sa table namin sa reception. Tumango ako. "I have to go back kasi marami-rami na rin akong trabaho na hindi nagagawa sa opisina, eh." "And I'll go with her," ani naman ni Alphrase. Nakita ko naman kung paanong napangiti si Kamisha dahil sa sinabi ng kaibigan. "I am happy for you, Alphrase," ani Kamisha at saka bumaling sa akin, "at sa 'yo rin, Gilmarie. Masaya ako para sa inyong dalawa." Napangiti ako lalo dahil sa sinabi nito. Inabot naman ni Alphrase ang kamay ko at saka iyon mahigpit na hinawakan. With that simple gesture, my heart skip a beat. Sa gulat ko naman ay biglang iniabot sa akin ni Kamisha ang bouquet na hawak-hawak nito. "Hindi ko na ihahagis 'to dahil mukhang a

