GILMARIE POV Kagaya noong mga nakaraan ay si Alphrase ang nagpiprepare ng kakainin namin para sa agahan. Tinanong niya naman ako kung gusto kong matuto ng pagluluto and I don't know why but I said yes. I am not good in cooking, to be real honest. Hindi ko rin alam bakit ako pumayag pero bahala na. Besides, I know the food he's going to make, kahit papaano ay alam ko rin ang procedure, lasa at timpla na lang ang problema ko. With me cooking without his assistance? Dalawa lang 'yan. It's either sobrang alat ng adobo ko o sobrang malabnaw ang sabaw nito. "Bakit hindi pwede na isabay-sabay na lahat at doon na hayaang lumambot ang karne?" I asked him nangmatakpan ko na ang manok dahil palalambutin daw iyon. "Good thing takes time," aniya. Napalabi naman ako dahil doon. "Parang tayo lang."

