GILMARIE POV Nagpahinga na muna kami noong hapon dahil alas sais pa naman ang magaganap na alyog. Hindi ko alam kung ano ang selebrasyon na 'yon because I forgot to ask about it kay Alphrase kaya mamaya ko na lang tatanungin. Hindi ko naman kasi naririnig ang bagay na 'yon sa Manila. Wala naman akong ibang ginawa kundi ang tumingin sa mga shapes na nakalagay sa kisame ng kwarto ko. Hindi ko pa rin alam kung deserve ko ba ang mga ganitong bagay dahil wala naman sa mga lalaking dumaan sa buhay ko ang gumawa sa akin ng ganitong effort. Besides, sa huling issue na nangyari sa akin, alam kong sirang-sira na ako. Wala man akong maalala sa lahat ng nangyari but thinking about the worst thing that could've happened that night, hindi ko maiwasang mandiri sa sarili ko. Sa totoo lang ay hindi ko n

