GILMARIE POV Maaga akong nagising kinabukasan dahil may balak akong inisin si Alvarez ngayong araw. Makabawi man lang sa ilang araw na pang-iinis niya sa akin. Buti na lang din at maaga ring pumunta si Ariella sa amin kaya nakapagpatulong ako sa pagluluto sa kusina. I don't cook, that's one thing about me so having her here is a big help. "Kinakabahan ako sa ngiti mo, ate," puna nito sa akin. I looked at her, ramdam na ramdam ang lawak ng ngiti ko. "What?" I asked, acting innocent. "Parang may hindi ka magandang binabalak sa paraan ng pagngiti mo," aniya pa at saka umaktong tila nangingilabot sa idea na 'yon. I laughed because of her reaction at saka siya mahinang tinapik sa balikat niya. "Maganda lang talaga ang umaga ko. Huwag kang mag-overthink," sabi ko sa kaniya at saka bumal

