CHAPTER 10

1327 Words
GILMARIE POV "What the hell, Zuriel?" asik ko sa hindi ko na mabilang na beses. She's spacing out. Kanina ko pa siya hindi makausap nang matino and yet, she asked me to go out with her. I tried asking her kung may problema ngunit sabi naman siya nang sabi na wala at okay lang siya. "Inaya mo 'kong kumain sa labas para panuorin kang matulala, girl?"  Hindi ko na napigilan ang pagrolyo ng mata ko. I escaped tons of my work para makasama siya, thinking that spending time with her will make things feel a lot more okay but here I am, naiinis lang sa inaasta nito. After Alvarez, si Zuriel naman.  "Seriously. Nandito ako as your friend. Pwede kang magsabi kung may problema or what," I said as I take one final zip sa mango shake na iniinom ko samantalang ang watermelon shake na inorder niya ay walang kabawas-bawas.  She sighed. "Wala naman," aniya. Tinaasan ko siya ng kilay pero umiling lang ang bruha.  Hindi ako sanay na ganito siya sa akin. I am certain, something's definitely wrong pero wala akong magagawa kung ayaw niyang magsabi. Besides, I respect her private space. Ang akin lang, simpleng pagsasabi lang sana kung okay siya o hindi o kung may gumugulo ba sa kaniya. Just so maiinform ako kung ano ba ang dapat kong gawin.  I did my best to remain silent. Matapos naming kumain ay nag-aya si Zuriel na mamili. Hindi naman na ako umalma. While we're at the department store, biglang nag-iba ang mood niya. Hindi ko na rin lang pinuna pa para hindi na ako mairita kapag nagdeny siya ng bagay na obvious naman sa kaniya.  She insisted on buying a bag for me but I turned it down. Hindi ko ugali ang nagpapalibre o nagpapabili sa iba. Zuriel knew about that. Hindi ko lang alam kung bakit parang nakakalimot siya.  Sumunod lang ako nang sumunod sa kaniya habang namimili siya ng gusto niyang bilhin kahit pa ang daming tumitingin sa amin. Ngayon lang din kami tumagal nang ganito sa department store dahil usually ay sa mga designer boutiques na kami tumutuloy. But again, for her peace of mind, hahayaan ko siya.  Naputol lang ang panunuod ko kay Zuriel nang may tumawag sa akin. When I saw who is it, I immediately declined the call ngunit nairita na ako nang makailang beses pa siyang tumawag kaya sinagot ko na rin.  "Anong kailangan mo, Alvarez?" asik ko sa tao sa kabilang linya. Hindi ko siya kasama dahil tumakas na naman ako. Hindi ko na rin kasi sinusunod ang grounded thingy ni Daddy. I am 27, I am old enough to do what I want.  "Nasaan ka?" he asked. Nangunot ang noo ko dahil sa tono ng pananalita niya. Para siyang hingal na hingal na ewan mula sa kabilang linya.  "What do you want and why do you care?" singhal ko. I turned down my voice a bit dahil may iilang nakatingin sa akin. "Nasa mall ako. Kasama ko si Zuriel—" "Itext mo sa akin kung nasaang mall ka. Pupunta ako," he said, cutting me off sa dapat ay sasabihin ko. Napatingin ako kay Zuriel ngunit mabilis na nag-iwas ng tingin ang isa. Pareho lang talaga silang weird.  "Kaya ko na ang sarili ko, Alvarez—" "May nagpadala ng bulaklak sa 'yo," he said.  "And? Edi itapon mo kung hindi mo alam kung kanino galing—" Narinig ko pa ang malalim na paghinga niya mula sa kabilang linya, na tila nagtitimpi. "Sabihin mo na lang kung nasaan ka!" he said. My jaw dropped when he raised his voice on me. Ano ba kasing mayroon?!  "Fine!" asik ko. I ended the call and texted him kung nasaan ako. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kaniya o sa bulaklak na pinadala sa akin but he's making me feel this internal panic. Nilapitan ako ni Zuriel and she asked me kung anong mayroon pero umiling lang ako dahil hindi ko rin masabi kung anong mayroon.  Maya-maya pa ay may tumawag din sa cellphone ni Zuriel at nagpaalam naman ito sa akin na sasagutin niya ang tawag. I waited for her at the lounge nearby. Chinicheck ko rin kung may reply ba si Alvarez ngunit wala. Siguro'y nagdadrive na siya papunta rito ngayon. Kung ginogood time lang ako ni Alvarez at kinakabahan lang ako para sa wala, sasapakin ko talaga siya! Hindi na ako natutuwa na napaparanoid ako dahil sa bulaklak na sinasabi niya o kung bakit para siyang nagmamadali.  "Let's go?"  Napatingin ako sa gawi ni Zuriel na hindi ko namalayang nakabalik na pala. Doon ko rin napagtanto na namumula ang mata niya.  "Umiyak ka ba?" I asked habang inaayos ko ang gucci sling bag na dala-dala ko. "Namumula ang mata mo."  Umiling siya nang maraming beses. "No, I'm fine," she said. "T-Tara na sa parking lot," dagdag niya.  She held my arms at ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng kamay niya. Mas dumagdag lang si Zuriel sa kaba na nararamdaman ko. Pilit ko namang hinahanap si Alvarez sa paligid dahil baka makita ko siya but who am I kidding anyway? Alangan namang magdrive siya nang sobrang bilis para lang mapuntahan ako rito. Also, sa lapad ng mall na ito, kahit may kalapitan ito sa bahay ko, ay mahihirapan pa rin siyang hanapin ako.  "Are you sure you're okay, Z?" tanong ko ulit. "Gusto mo ba na ako na magdrive ng sasakyan mo—" "No!" she immediately answered. "O-Okay lang. Kaya ko."  Hindi ko na lang siya pinansin matapos no'n at hinayaan na lang siya sa gusto niya. Hindi ko ugali ang mamilit ng taong ayaw. Isa pa, she's not drunk para hindi niya kayanin ang magdrive. Plus, she's acting really weird.  "Sa passenger's seat ka," aniya nang makalabas kami sa parte ng parking lot.  I chuckled a bit. "Alam na alam ko 'yon. You don't have to remind me, Z," pagbibiro ko.  Lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Zuriel at tumuloy-tuloy na ito sa driver's seat. Napailing-iling naman ako at saka kinuha muna sandali ang cellphone ko para matext ko si Alvarez na huwag na sumunod dahil pauwi na rin ko but all of a sudden, the lights went out.  My heart started beating fast lalo pa nang magtunugan ang ibang sasakyan na naroon. I called Zuriel's name but she's not answering. Hindi ko rin alam kung bakit hindi niya pinapailaw ang kotse niya.  "Zu—ahh!" napasigaw ako nang may marinig akong kalabog sa likuran ko. I tried to open my phone's flashlight ngunit naibagsak ko pa 'yon bago ko tuluyang mabuksan. Natataranta ako dahil sa sunod-sunod na pagkalabog na naririnig ko and the cars near me created series of sirens.  Sinubukan kong tignan kung anong nangyayari but someone grabbed me at saka ako binulungan. Nakaramdam naman ako agad ng pangangatog sa tuhod ko dahil hindi ko siya maaninag. "Huwag kang titingin," sabi ng boses. Hindi ko alam kung dahil lang sa kaba ngunit blangkong-blangko ako at sumunod sa boses na 'yon agad dahil tingin ko ay makakabuti sa akin 'yon.  Nang matapos na ang mga kalabog na naririnig ko, I called Zuriel ngunit kagaya kanina ay wala pa ring sumasagot sa akin. Where is she?!  Napapikit ako nang manumbalik ang ilaw. May iilang guards din na papalapit sa gawi ko pero wala roon ang atensyon ko kundi sa mga katawan ng kung sino na nakahandusay sa semento. I almost fell on the floor dahil sa nanghihinang binti ko but someone from my back caught me by my arms. Nang lingunin ko 'yon ay nakita ko si Alvarez. Dumudugo ang gilid ng labi nito and for an unknown reason, I started crying.  Nagtanong ang maga guards sa kung anong nangyari but I couldn't answered. Si Alphrase ang sumagot sa bawat tanong nila. My eyes looked for Zuriel and I found her standing near her car, looking at me with tears in her eyes.  Hindi ko naman siya magawang lapitan. Bakit...wala siyang ginawa? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD