GILMARIE POV
Tulala pa rin ako nang makapasok na ako sa kotse na dala ni Alvarez. He’s still talking with the guards. Hindi ko na rin magawang sumagot sa mga tanong nila and some of their co-workers took care of those men na umatake sa amin. Alvarez said na ako ang punterya nila. Kung paano niya 'yon nalaman o naconclude ay wala akong alam. All I know is that he's furious. Ni hindi ko man lang nalaman kung paanong ang bilis nitong narating o nahanap ang kinaroroonan namin.
Napatingin ako sa kotse ni Zuriel at naroon pa rin iyon sa kung nasaan iyon kanina. It's heavily tinted kaya hindi ko na makita kung ano ang ginagawa nito sa loob. Ni hindi ko rin siya nagawang kausapin dahil ayaw kumalma ng sistema ko matapos ang gulo kanina.
Hindi ko pa rin makalimutan ang katotohanan na walang ginawa si Zuriel. She could easily turn her car lights on but she didn't bother kahit pa alam niyang nangangapa ako sa dilim. Kahit pa noong may nagaganap na na gulo sa parking lot, she's still unresponsive. When I saw her with her teary eyes, I didn't know what to feel.
Naputol ang pag-iisip ko nang pumasok sa sasakyan si Alvarez, galit na galit pa rin ang ekspresyon at mas kitang-kita ko na rin ang basags sa labi niya. Gusot na rin ang damit na suot nito. Mas pinili ko naman na hindi na lang siya kausapin. Without even asking me, he drove away. Ni hindi niya na rin ako binigyan ng pagkakataon na makapagpaalam man lang kay Zuriel.
I turned off the aircon when we were on the road. Sa treatment pa lang ni Alvarez ay lamig na lamig na ako. Also, my body's still experiencing the aftermath of that event. As much as I try to think kung sino ang nasa likod ng nangyari kanina ay wala akong maisip. All I know is that I am in danger. May taong gusto na mawala ako and for what reason? Wala na ulit akong alam.
Hanggang sa makarating kami sa bahay ko ay walang sinabi si Alvarez. When the engine of the car came to a halt, I could hear how heavy his breathing is. Nang lingunin ko siya mula sa passenger's seat ay nakatiim bagang ito habang mahigpit ang kapit sa manobela.
He glared at me at halos manliit ako sa paraan ng pagtingin niyang iyon. "Next time, kung aalis ka, magpaalam ka na lang nang maayos! Hindi pati ibang tao pag-aalalahanin mo sa kung saang lupalop ka makikita!" he said, raising his voice on me.
I scoffed a bit as I felt a sudden sting in my chest. "Then, sorry! Hindi ko naman kasi alam na may gano'ng mangyayari! I wasn't informed na habang ako pala ay gustong mag-unwind sa mall, someone's trying to get me killed—"
"Kaya sa susunod, hayaan mo na akong samahan ka!" he snapped, cutting what I was supposed to say. "Ang hirap kasi sa 'yo, ayaw mo na binabantayan kita! You don't want me to do my job properly!"
"Dahil ayokong makaabala sa'yo o sa kahit kanino man!" singhal ko pabalik. "I am f*****g 27 years old! I don't need anyone!"
Bumalot ang katahimikan sa amin matapos kong sabihin 'yon. I looked at him, straight in his eyes, at basang-basa ko mula roon na parang nadisappoint siya sa sinabi ko. But it's real. I am a grown up woman. Kahit pa sabihing trabaho niya ang bantayan ako, I still have to do things on my own. He has his own life. Kahit pa nagtatrabaho siya sa akin, ayokong limitahan siya sa gano'n. Isa pa, I can handle myself.
"Kung abala ang tingin ko sa 'yo, dati pa ako umayaw sa pagtatrabaho sa 'yo," aniya. Hindi iyon malumanay ngunit hindi rin sa tono na parang galit siya. He said those words in a casual manner yet with conviction. "Ano ba naman na iupdate mo ako na aalis ka o kung nasaan ka na. Hindi naman kita pakikialaman sa buhay mo kasi sino ba naman ako para makialam sa 'yo? Kung may nangyaring masama sa 'yo, sinong malilintikan sa Daddy mo? Hindi ba ako?" he asked. Napaiwas naman ako ng tingin dahil doon. I hate to admit it but he has a point. Kung napahamak nga ako kanina, paniguradong siya ang pag-iinitan ni Daddy. But still...
"I need this job, ma'am," aniya. "Sana hayaan ninyo akong gampanan ang trabaho ko."
Hindi na niya ako hinintay pa na magsalita at bumaba na siya ng sasakyan. I thought he's going inside pero hindi. Umikot siya sa gawi ko at pinagbuksan ako ng pinto. I took one deep breathe before going out of my car. Hindi niya naman na ako tinapunan pa ng tingin hanggang sa makapasok na kami sa bahay ko.
"Dito na muna ako hangga't hindi ko pa nalalaman kung sino ang may pakana ng lahat," aniya at saka naupo sa sofa na naroon sa sala. Napansin ko rin ang itim na vase na may nakalagay na bulaklak na Azalaea. May itim din na card na nakasingit doon. "'Yan ang dahilan kung bakit kita tinawagan kanina," dagdag niya.
"Kanino raw galing?" I asked.
He shrugged his shoulders. "Walang sinabi...kaya nag-alala na rin ako."
Pigil na pigil akong mapansinghap dahil sa sinabi niya. Alam kong kaswal niya lang na sinasabi 'yon and I hate the fact na naiisip ko na may iba pang meaning ang ginagawa niya ngayon, when in fact, he's just doing his job as my bodyguard. Nothing more, nothing less.
"Azalaea in a black vase signifies death," I said at saka malungkot na natawa.
"And you're happy?" aniya na nakakunot ang noo.
Ang effort kasi no'ng nagpadala," sagot ko. "Ang dali-dali ko lang naman hanapin, may pagganyan pa siyang nalalaman."
"Hindi nakakatuwa," aniya at saka ako inismira. Bakit ba ang init ng ulo niya? SIya ba ang may death threat?
I rolled my eyes at him. "Mas mukhang bothered ka pa kesa sa akin," pansin ko. Nilingon niya naman ako ulit ngunit masyadong blangko ang emosyon niya. I smiled a bit. "Don't worry, they can't kill me."
"Ano ka? Si Cardo Dalisay?" he asked sarcastically.
"I am already dead, Alvarez," makahulugang litanya ko. "Hindi ang gaya nila ang maglalagay ng takot sa loob ko."
With that, I left him. Kung ano na lang ang gusto niya ay gawin niya na. Wala na akong lakas ng loob para makipagtalo pa o pahabain pa ang usapan namin. I am tired. Ito 'yong klase ng pagod na kahit na anong pahinga ang gawin ko ay hindi maaalis sa akin.
I cleaned myself quickly at nang magawa ko nang humiga sa kama ko ay chineck ko na muna ang cellphone ko kung may message ba galing kay Zuriel but theres's none. Wala man lang kumusta ba ako o kung ano pa man. She's acting weird at hindi ko malaman kung ano ang rason at bigla siyang naging ganito. I messaged her na nakauwi na ako and that I am okay bago ko naisipang ipikit ang mga mata ko while silently hoping na hindi makaabot kay Daddy ang nangyari ngayon.