GILMARIE POV Marami sa mukha ng mga taong naroon ang kitang-kita ko ang panlulumo nang magawa naming lumabas matapos ang malakas na ulan. Marami sa mga sasakyang pandagat ang nasira, may mga bahay rin na bumigay dahil na rin sa nangyari. Madilim pa rin ang kalangitan at namumuti pa rin ang mga alon sa dagat. Maging ang hangin ay ramdam na ramdam ko pa rin ang lakas ngunit wala 'yon sa bigat na dala-dala ng mga taong naririto at kasama namin ngayon. Kahit mismong ang papa ni Kamisha ay lumong-lumo sa nakita. "Panibagong proseso na naman ng pagbangon, Kap," ani ng iilan sa naroon. "Mahihirapan lang tayo ngayon dahil nagamit sa proyekto ng pagbibigay ng mga sasakyang pandagat sa inyo ang pera ng baranggay," ani ng isa na alam kong kasamahan ni Kapitan sa trabaho. Sunod-sunod naman ang bu

