Lumipas ang ilan pang araw na tutok ang atensyon ko sa mga shool works dahil three days from now kasi ay graduation na. Pinili namin na isantabi ang mga naging problema namin sa nakalipas na araw at mag-focus na lang sa hinaharap. Lahat kami ay nagagalak sa darating na graduation. I am the one of the cumlaude's and my family is so proud of me. Nagkataon na natapos na din ang OJT namin sa Sandoval at nakompleto naman namin ang work hours. Natuwa pa kaming tatlo nila Lara at Erica dahil matataas ang ibinigay sa amin ng HR. Mabuti na rin 'yon dahil kapag hindi nila ginawa iyon ay ewan ko na lang talaga. Kasalukuyan kaming nasa palengke ni mama sa araw na ito. Nag-aya siyang bumili ng dress na isusuot ko para sa graduation. Hindi na sana ako papayag dahil gastos pa ay may maisusuot nam

