6

2683 Words
China POV: Pangatlong araw na namin magkasama ni Liam.At nagèenjoy akong kasama sya.Di pa din sya nagbabago masarap pa din sya kakuwentuhan.Para tuloy akong bumalik ng highskul non panahon crush ko pa sya naaalala ko noon pag makakasalubong namin sya tinutukso ako nila Bella.Natatawa nalang tuloy ako ngayon. Nakatingin ako kay Liam at may kausap syang kakilala.Nakangiti ko naman sya tinignan non pabalik na sya. "Hmm bakit nangingiti ka? "Wala may naalala lang ako. "Hmm care to share?"-Bulong nya pa sa akin saka hinawakan ang kamay ko. "Naaalala ko lang non highskul pag makakasalubong ka namin palihim nila ako tinutukso kaya ako natatawa.Bigla ko naalala sila Bella. "Bakit? "Para kasing akong bumalik ng highskul.Yun finally napansin na ako ng crush ko.. "Hahahaha kilig ka.. "Hahahaha mas kilig ka kaya.Mas crush mo ko eh. Mabilis naman nya ko hinalikan sa labi.Saka nakangiting tumingin sa akin. "Di lang kilig.Masayang masaya ako ngayon kasi finally matutupad ko na yun gusto ko. "Hahahaha sabi na eh mas kilig ka. Nagsalita naman na ang host ng event at magstart na ang convention kaya tumahimik na kami at nakinig na sa speaker.Magkahawak kamay naman kami ni Liam habang nakikinig. After ng convention lumabas ulit kami ni Liam para maggala gala sa Cebu.Umuwe pa kami sa condo nya para magpalit ng sasakyan at kinuha nya ang motor nya.Mas enjoy nga naman magstroll ng nakamotor. Tawa pa kami ng tawa non bumaba kami ng motor. Dinala nya ko sa House of Lechon resto at dito kami magdidinner.Ang dami ng tao kahit mag 7pm palang naman.Pagbaba namin inayos nya pa ang buhok ko saka hinawakan ang kamay ko papasok sa resto. "Pinakasikat tong House of Lechon dito sa Cebu kaya lagi madami tao. "Ohh kaya pala.. Pagpasok namin naassist naman kami agad at nabigyan ng table magkatabi kami ni Liam ng upuan nasa mga hita ko naman ang mga kamay nya. "Hmm ano gusto mo kainin.Lahat dito masasarap promise. "I want to try the lechon..Then bibingka and puto bumbong.Ikaw na bahala sa iba. Nakita ko naman umorder na sya at andami nya inorder. "Li andami mo inorder mauubos ba natin yun? "Hahaha okay lang gusto ko matikman mo yun food nila dito..Im sure magugustuhan mo. Pagdating ng food namin bukod sa sinabi ko may inorder din sya baked scallop,Grilled tuna belly,Gambas ala concasse. "Hmm mukang masasarap nga. Nakita ko naman kumuha sya ng lechon at sinawsaw bago sinubo sa akin. "Hmm ang sarap nga. "Told you. "Try mo din tong Baked Scallop nila." Panay ako sinusubuan ni Liam.Grabe yun pagaasikaso nya sa akin.Narealize ko tuloy nakakamiss din pala yun may taong nagalalaga sayo.Yun may taong nageeffort mapasaya ka lang.Nakakamiss din pala magmahal.Kasi yun huling taon namin ni Ax sa totoo lang puro away madalas akong umiiyak ng palihim.Madalas akong nasa sementeryo para maglabas ng sama ng loob kasi ayoko malaman nila Bella yung problema namin.Minsan pag naiiisip ko si Ax nalulungkot pa din ako kasi nanghihinayang ako sa pinagsamahan namin.Pero ganon talaga kailangan kong tanggapin na hindi lahat ng nagtatagal e nagkakatuluyan.Baka si Liam talaga yun nakalaan sa akin.. "Kanina mo pa ko sinusubuan kain ka na din. "Hmm happy? "Sobra thanks Li. Ngumiti naman sya sa akin at nagstart na din kumain. "Ang sarap non bibingka nila at puto bumbong.Namimiss ko tuloy ang San Felipe. "Sabi na eh magugustuhan mo dito. "Yeah busog na busog na ako.Parang gusto ko na tuloy humilata after kasi baka naman bangungutin ako pag nakatulog agad ako sa kabusugan. "Hahaha gusto mo ba sa condo nlang tayo magpalipas ng gabi.Bukas nlang tayo bumalik sa hotel.Kasi mas malapit ang condo ko dito. "Puwede naman kaso wala akong damit. "Hmm pahiramin nlang kita ng shirt ko. "Okay.. After namin kumain napagkasunduan namin maglibot muna kaya dinala nya ko sa Skydeck 360. Umorder lang kami ng dessert at drinks saka makatabing umupo. "Ang ganda dito.Thanks Li."-bulong ko pa sa kanya saka ako yumuko sa balikat nya.Nasa mga hita naman nya ang kamay ko.Naakbay naman sya sa akin. "Ang ganda ng Cebu noh?"-bulong nya pa sa akin saka ako dinampian ng halik sa ulo. "Sobra..Parang ayoko ng umalis.. "Dito ka nlang sa akin.. "Kung wala lang ako work sa Manila papayag ako.Sa ilan araw ko dito sa Cebu naenjoy ko ng sobra kahit trabaho ang pinunta ko dito.Thanks Li sa pag tour sa akin naaappreciate ko yun sobra. "Gusto kasi kitang pasayahin.Gusto ko makita mo ang buhay ko dito sa Cebu.Gusto ko makita mo ang buhay kasama ako. Napatingin naman ako sa kanya.Masuyong naman sya nakatingin sa akin. "Let's make it official China.Can you be my girlfriend.Promise ko sayo di kita sasaktan.. Nakangiti naman akong tumango sa kanya. "Yes Liam i want to be your girlfriend. Siniil naman nya ako ng halik buti nlang andito kami sa pinakadulo. "I love you China. "I love you too Liam. After namin sa Skydeck umuwe na kami sa condo nya at dito kami magpapalipas ng gabi.Maaga nalang kami babalik sa hotel at don kami magbbreakfast. "Hon maliligo kapa? "Hmm Hon? "Ayaw mo? "Gusto..Hmm yeah pahiram nlang ako ng damit Hon.. Nakangiti naman sya sa akin. At hawak pa ang kamay ko habang hila hila ako sa kuwarto nya at pumunta kami sa walkin closet nya. Nakita ko sya kumuha ng damit at saka binigay sa akin.Saka itinuro sa akin ang banyo. "Dito ang banyo puwede kana maligo.Or gusto mo sabay tayo Hon.. "Hmm Li ahh. "Joke lang alam ko di ka pa ready.Di kita mamadaliin Chin. "Thanks. Pagpasok ko ng banyo ni Liam ang linis parang di lalaki ang nakatira maayos din nakasalansan ang mga towel sa cabinet.After ko maligo nagbihis na ako at nagblower na ng buhok saka ako lumabas. "Hon gusto mo labhan yun damit mo para may pamalit ka bukas?May dryer naman kaya sure na matutuyo. "Yes Hon pls. Kinuha naman nya ang damit ko at nagpunta sa laundry room at sinalang na sa washer. "Maliligo lang ako Hon.You can watch tv sa living room or sa kuwarto. "Antayin nlang kita dito sa sala Hon. "Okay sige kung nagugutom ka may food sa ref puwede din tayong magpadeliver. "Im good ligo kana Hon.Ill wait for you here.. "Feel at home okay? "Thanks Hon. Pumasok naman na sya sa kuwarto at naligo na..Ako naman umupo na sa sala at kinuha muna ang cp ko.Andami pala msg sa gc namin pano nisilent ko kanina at kinukulit na naman ako nila Aila.. Aila: Bebe ano na balita sa boylet mo? Capri: Oo nga bebe magchika ka naman. Aila: oi Chin asan kana kinikilig ako sayo. Capri: nako malamang magkasama na naman sila kaya busy ang bebe natin. Chin: kayo talaga.Oo magkasama nga kami.Andito kami ngayon sa condo nya naggala kasi kami kanina. Capri: Shocks bebe bakit kayo nasa condo nya. Aila: oo nga bebe ang kiffy ingatan pero puwede din kasi yummy naman ang boylet mo. Chin: sira kayo talaga.Kasi kanina umuwe kami dito sa condo nya nagpalit sya ng sasakyan.Nakamotor kami kanina nag stroll sa City.Then nagdinner kami sa House of lechon then dinala nya ko sa Skydeck 360. Aila: kinikilig ako para sayo Bebe. Capri: ako din ang lamig pa naman dito sana all talaga. Chin: hahaha kinikilig din ako.Kasi diba naikuwento ko naman sa inyo na crush ko sya non highskul naunahan lang sya ng ex ko mangligaw.Alam nyo yun feelin na napansin kana ng crush mo.Hahaha. Capri: Bebe im happy for you deserve mo maging masaya. Chin: Hmm he asked me kanina non nasa Skydeck kami if puwede nya ko maging gf.He wanted it daw maging official na kami. Aila: shhhhit kayo na? Chin: yeah ??? Capri: kaya pala nagparebook ng ticket. Chin: hahahha yaan nyo muna akong lumandi minsan lan naman. Aila: pinayagan ka naman ni Cade no choice man sya. Chin: buti nga pumayag na tues na ko magreport sa office. Capri: pero Bebe pakilala mo sa amin si Liam ah. Chin:Ofcourse. Aila: Pasalubong Bebe ah. Chin: dont worry mamimili kami sa Sunday.Gusto nyo ng lechon? Aila: Hahaha uu nga masarap lechon jan.Maguwi ka. Capri: oo nga magdala ka bebe. Chin: kita kits tayo ng Monday ah. Capri: Gege namili din ako pasalubong e. Aila: Nga pala bebe may naghahanap daw sayo non Monday mga babae 5 ata sila.Dumaan daw sa office. Chin: Sa akin.? Aila: yup nabanggit ni Noah kanina naikuwento daw ni Gio sa kanya. Chin: Ano daw name? Aila: Ella ba o Bella parang ganon ata sabi ni Noah. Chin: Hala si Bella mga friends ko sa San Felipe.Bakit kaya? Aila: wala naman daw sinabi.Di kaba tnxt? Chin: nakalimutan ko yun isang cp ko sa apartment yun ang alam nila number ko. Capri: Nako im.sure panay txt na un sayo. Chin: tawagan ko nlang sila paguwe ko.Sya sige na ingat kayo nyt nyt. Capri: nyt see you soon Aila: nyt nyt. Lumapit naman na sa akin si Liam at tinabihan ako sa sofa. "Sino katxt mo Hon? "Sila Aila lang nangangamusta.Naikuwento kc kita sa kanila.Kaya kinukulit ako. "Sila un mga friends mo sa work diba? Sila yun bibilhan natin ng mga pasalubong? "Yes Hon saka yun iba namin friends.Sila din kasi galing out of town may dala din pasalubong.Puwede ba kong maguwi ng lechon Hon? "Yes gusto mo? Magorder ako sa House of lechon. "Yup pero mga 2kls lang dalhin ko sa office. "Sige itawag ko kunin nlang natin ng Sunday ng gabi tas ipaksiw mo na para di masira. "Sige ganon nlang. "You want to watch o higa na tayo? "Higa na tayo alam ko pagod kana din. "Okay lets go. Tumayo naman na si Liam at itinayo pa ako yumakap naman ako sa baywang nya. "Ano oras tayo aalis bukas Hon? "Mga 7am nlang para di naman ganon kaaga.730 nasa hotel na tayo non abot pa sa breakfast buffet nila o gusto mo sa labas na magbreakfast. "Sa hotel nlang Hon para di tayo malate.. Paghiga namin niyakap naman agad ako ni Liam. "I love you. "Love you too.. Saka ako siniil ng halik sa labi papunta sa mga leeg ko. "I like your scent.. "Ahahah kaamoy mo Hon? "Yeah.."-nakangiti naman nya sagot sa akin saka ulit ako siniil ng halik. "Your so beautiful China.Mula noon hanggang ngayon gandang ganda pa din ako sayo. "Thanks Hon... "Kiss me Hon.."-mahina nya pang sabi sa akin kaya masuyo ko naman syang hinalikan. "Ahhh Chin i love you so much.."-bulong pa ni Liam sa akin habang hinahalikan ko ang mga leeg nya. "I love you Li... Friday na last day na ng convention namin.Usapan namin ni Liam magccheckout na kami mamaya after convention at sa condo nya kami magstay muna.Nagparebook na nya ang ticket ko naaabisuhan ko naman na si Cade na Monday Am pa ang balik ko Manila at Tuesday nako magrereport sa office kasi may client meeting ako ng Monday after lunch sa Pasay.Buti nlang pumayag si Cade. Nakaligo nako at nagaayos nlang ako magbbreakfast kasi muna kami ni Liam mag 7am palang naman.Open na ang breakfast buffet ng hotel.Hinihintay ko nlang si Liam nasa hotel room nya sya at naligo na din.Maya maya lang nadinig ko kumatok na si Liam kaya pinagbuksan ko na sya ng pinto. "Ready kana Hon?"-tanong pa sa akin ni Liam. "Yes Hon..Wait kunin ko lang cp ko.. Nakaakbay pa sa akin si Liam non nasa elevator kami. "Gutom kana? "Yeah..Ikaw? "Yeah kasi diba kagabi pa kita niyaya magpadeliver ako midnight snack natin ayaw mo naman. "Pano 1am na baka mamaya di na tayo makatulog. "After convention magcheckout na tayo Hon ah? "Yeah sa condo mo tayo magstay? "Yes.Nga pala Hon tumawag si Mommy padating sya sa Sunday.Gusto kita ipakilala naikuwento kasi kita kanina.Sa bahay daw tayo magdinner sa Sunday.After dinner saka nlang tayo pumunta sa bday party ni Lukas. "Okay sige... "Dont worry mabait si Mommy nakita ka na nya before.Di lang kita napakilala. "Huh saan? "Remember non naging muse ka namin sa basketball team.Nanood sya noon sa atin kaya nakita ka na nya.And sabi ni Mommy nameet na nya parents mo.. "Really.. "Yeah so okay sayo? "Yeah. Pagdating namin sa buffet andami na tao.Kaya pumila na kami ni Liam at kumuha na ng plate. "Hon what you want? "Hmm fried rice egg and tocino then pag may chicken mami saka puto get some pero hati tayo pls.You want coffee ba? "Yeah..Ikaw na kumuha ng coffee natin then hanap kana ng table natin ako na kukuha ng food natin Hon. "Okay.Same timpla ba ng coffee? "Yes Hon i like the one that you made me the last time.. "Okay.Uupo na ko may nakita akong table na pang dalawahan. "Okay sunod ako. Inilapag ko muna yun water na kinuha ko sa table para mareserve na sa amin ni Liam ang table.Saka ako nagtimpla ng coffee namin dalawa.Pagupo ko maya maya lang dala na ni Liam yun dalawang plate namin. "Wait lang Hon ikuha lang kita ng chicken mami.Lalagyan ko ba ng garlic? "Yes pls.Thanks Hon. Nakita ko naman sya bumalik sa buffet table at kumuha ng mami at puto saka tumabi sa akin. "Here na.. "Tabi ka sa akin Hon.Kain na tayo. Tumabi naman agad sya sa akin.At inayos ang pagkain namin. "May gusto kapa Hon? "Okay nako.Kain na tayo. Tumabi naman na sya sa akin at nagstart na din kumain.Sinusubuan din nya ako ng mami at puto. "Masarap yun timpla mo Hon ng mami i like it non nilagyan mo ng evap.Tikman mo. Nakita ko naman tinikman nya. "Yeah tamang tama lang un lasa.Masarap yun longanisa try."-sinubuan naman nya ako. After namin kumain nagpahinga lang kami saglit at bumalik muna kami sa hotel room namin at nagayos.Kinuha din namin yun laptop namin bago kami bumaba sa convention. Madami akong nakilala sa convention na to dahil kay Liam.Halos lahat ng business tycoon kasi kakilala sya.After ng convention umakyat na kami sa room namin at nagayos ng gamit..Nasa kuwarto nya si Liam at pupuntahan nlang nya ako dito.Nagiimpake naman na ako ng gamit.Kailangan ko na magpalaundry kasi kokonti nlang ang damit ko.Maya maya lang kumatok na si Liam. "Hon tapos kana? "Yeah kaso kailangan ko maglaundry. "Dont worry may washer at dryer ako sa condo maglaba nalang tayo pagdating. "Hmm okay.San tayo pala magdinner? "Pagod kana ba? If yes puwede tayong magpadeliver nlang sa condo.If dipa puwede tayo sa resto kumain.Then magbar after. "Dipa naman pero if pagod kana sa condo nlang tayo.Okay lang sa akin kahit ano. "Gusto kita igala habang andito ka kasi.Alam ko pagbalik mo Manila busy kana. "Hmm thank you.."-Sabi ko naman kay Li saka ko sya niyakap.Nasasanay nako lambingin si Liam.Mabait na bf si Liam.Malaki ang respeto nya sa akin.Non Wednesday nagusap kami nagkasundo kami maging kami na.Gusto naman namin ang isat isa bakit pa namin papatagalin..Saka matagal na kaming magkakilala.Pareho namin gusto magwork tong relasyon na to.Nakikita ko naman yun effort nya ngayon magkasama kami. "Hmm bakit naglalambing bigla ang girlfriend ko."-Nakangiti nya pa sagot sa akin.Saka ako hinalikan sa labi. "Masaya lang ako.."sagot ko naman sa kanya. "Wag kana bumalik ng Manila dito ka nlang sa akin sa Cebu.."nakangiti nya pang sabi. "Loko alam mo naman di puwede nakapirma ako ng kontrata sa Zobel.Saka dadalawin mo naman ako diba?Pag may time ako dadalawin kita promise.. "Mas gusto ko kasama ka.Sanay nako araw araw kita nakikita Hon. "Hmm kaya bilisan mo ayusin yun Manila branch.Para lagi na tayo magkasama.Gusto ko din yun anytime na mamiss kita e makikita kita. "Opo..Pagdating natin Manila sa condo ka muna magstay samahan mo ko. "Okay diba 1week ka naman sa Manila? "Yeah kaya wag ka muna papasok ng weekend. "Okay sige para di ako magfile ng OT. "Good..Pano let's go na.. "Yeah. Sabay na kami nagcheckout at pumunta sa parking.Pagdating namin sa condo nya inayos ko muna yun mga damit ko ilalaundry para may magamit ako. "Hon may need ka bang ilaundry.Ilabas muna para isalang ko after. "Yeah nasa maleta Hon.Wait lang. Nakita ko naman sya kumuha na ng basket at binuksan ang maleta saka ihiniwalay ang mga need ilaundry. "Hon after natin maglaundry san mo gusto kumain? "Kahit san wala problema sa akin. "Magbar tayo later nagtxt kasi sa akin yun barkada ko nagyayaya ipapakilala tuloy kita.. "Ipapakilala mo ko? "Why ayaw mo ba? "No..Gusto siyempre.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD