Third Person POV:
"Nagparamdam naba sa inyo si Chin?"-Gia.
"Nako yun babae na yun apakahirap kontakin."-Bella
"Sayang luwas natin di natin sya nakita."-Elise.
"Kaya nga e.Di naman tayo puwede magextend kasi pinapauwi nako ni Matt."-Bella.
"Ako din need na sa work."-Zoe
"Me too."-Bria.
"Balik nlang ulit tayo pero iset natin na alam nya para di sayang punta.."-Elize.
"Sabagay nga..
Paguwe namin ng San Felipe usapan tatambay kami kila Kuya Jacob.Pagdating namin ni Matt andon na silang lahat.
"Buti naman lovers dumating na kayo."-Zoe.
"Pano si Matt may dinaanan pa.."-Bella.
"Kamusta ang Manila nyo?"-Finn.
"Masaya naman nagenjoy kami magshopping at magbar.."-Bria.
"Hmm kamusta si Chin?Nagkita kayo noh"-Jacob.
"Di nga namin sya kasama.Bakit ba ayaw nyo maniwala?"-Zoe.
"Hmm secret pa kayo eh."-Levi.
"Nakita nyo naman na siguro yun picture naniniupload namin sa sss diba nakita nyo ba si Chin?"-Bella.
"Hindi baka ayaw lan sumama sa inyo sa picture.."-Eli.
"Ay kulit.Alam nyo kahit kami gusto namin makasama na si Chin namimiss na namin yun bruhang yun kaso til now di sumasagot sa amin.."Bella.
"Oo nga di pa nagpaparamdam til now noh?"-Gia.
"Huh what you mean?"-Eli.
"Apakahirap kasi kontakin ni Chin lately.Kahit nagriring naman ang cp nya di naman sinasagot.Madalas talaga matagal sya magreply."-Elise.
"E bakit daw?"-Levi.
"Busy maghanap ng Afam.."-Bella.
"Huh? May bf na talaga si China?."-Jacob.
"Secret.."-Bella.
"Damot nyo sa info.Penge number ni Chin ako na tatawag.."-Finn.
"Nako ayaw ipagkalat.Kami kami nlang daw muna.Intindihin nlang natin sya.Kasi kung sa amin nga iwas edi lalo na sa inyo.."-Bella.
"Ikamusta mo nlang kami.."-Eli.
"Okay pag sumagot..Kasi one week na namin sya di nakakausap."-Gia.
"Baka naman ano na nangyari don.Try nyo nga tawagan now..Loudspeaker mo.."-Jacob.
Tinawagan naman namin si Chin para maniwala sila ayaw sumagot.Nagriring lang talaga.Tatlong beses pa namin tinawagan kaso wala talaga.
"Told you guys di sya sumasagot.
"Pero ganyan lagi nagriring lang?
"Yup..
"Wala ba kayong kakilala na nakakasama nya ngayon.Baka naman ano na nangyari sa kanya.."Eli
"Wala Kuya.Sabi nga sa inyo tipid magkuwento si China.."-Zoe.
"Baka nga may bf na kaya ganyan.."-Jacob.
"Sana.She deserve to be happy.."-Bella.
"Yeah sana lang talaga makatagpo sya ng lalaking di sya iiwanan at kaya syang panindigan hangang sa huli.."-Zoe.
"Zoe "-Jacob.
"What wala naman masama sa sinabi ko eh."-Zoe
"Pag nakausap ko talaga yan si Chin papaaminin ko.Feelin ko din may bf na.."-Bella.
"Mas okay nga yun if meron na atleast may magaalalaga na sa kanya.."-Eli.
"Nako kinikilig tuloy ako ano kaya itsura.Afam nga kaya.."-Zoe.
"Oo nga noh.."-Gia.
"Ako feelin ko pogi.Kilala ko mga tipo ni Chin diba gaya non crush nya non highskul tayo minsan lang magkacrush yun bruhang yun tas crush pa sya ng crush nya.Sana all.."-Bria.
"Hahaha oo nga noh naalala ko non highskul tayo pag nakakasalubong natin un crush nya tas tinutukso natin sya.Iba yun ngiti eh noh.Napaghahalata ang bruha."-Zoe.
"Huh diba si Ax ang crush nya?"-Jacob.
"Nope may crush talaga sya non highskul.Yun talaga ang crush nya.Tapos nalaman namin gusto din sya non guy kasi nanligaw sa kanya."-Bella.
"Before Ax ba nangyari yan?"-Finn.
"Before nagtapat si Kuya Ax crush na yun ni Chin..Pero that time may nililigawan iba si guy.Then nauna lang nagtapat si Kuya Ax sa guy.Siguro kung nauna un crush nya baka iyon ang naging bf nya."-Gia.
"Oo nga noh.Feelin ko if sila ang nagkatuluyan noon baka kasal na sila ngayon."-Zoe.
"Sino ba yun?"-Finn.
"Secret.."-Bella.
"Ewan ko sa inyo dami nyo secret.Kala mo naman others.Bakit ba ayaw nyo sabihin."-Finn..
"Secret kasi namin girls yun.."-Elise.
Si Kuya Ax tahimik lang nakasimangot na nakikinig.Obvious na di sya natutuwa sa topic namin.Kami naman nagtatawanan ng palihim mainis ka ngayon..
"Tignan nyo si Kuya Ax.Nakasimangot na pustahan badtrip na yan.."-bulong pa sa amin ni Zoe kaya nagtawanan kami.
"Hahaha kaya nya sinakyan ko yun topic.Akala nya ata sya lang ang lalaki sa buhay ni China.."-Bella.
"Nako kung alam nya lan andami binasted ni China para sa kanya.."-Elise.
"Kaya nga ang pogi din non lalaking yun noh.Ang tangkad pa.."-Gia.
Chin POV:
Andito kami ngayon ni Liam sa Garden of Envy para magdinner.Maganda din yun place.Halos lahat ng pinagdadalhan sa akin ni Liam magagandang place.Buti nlang madami kaming picture atleast may remembrance..
Pagpasok namin andami na din tao.Halos mga babae.Napapalingon tuloy kay Liam pano bukod sa guwapo ang tangkad nya nasa 6'4 ata si Liam.Ako naman nasa 5"8 ang taas.Nakaheels na ako pero mataas oa din talaga si Liam.
"Hon san mo gusto umupo sa taas na lang?
"Hmm okay..
Pagakyat namin don kami sa pinakasulok umupo ni Liam.Binigyan naman agad kami ng menu ng waiter.
"Hon anong gusto mo?
"Anong masarap dito Hon?
"Masarap yun gyoza at pizza nila kahit yun pasta Hon.
"Ikaw na bahala magorder.Wag masyado madami ah.Dalawa lang tayo ayoko ng may nasasayang na pagkain.
"Okay.
Nadinig ko naman sya umorder na ng food namin.Nasa hita ko ang mga kamay nya at minamasahe ito nakayakap naman ako sa mga braso nya.
"Di kapa pagod Hon?"-bulong ko pa sa kanya.
"Nope okay pa ako.Ikaw?
"Im good.San bar tayo later Hon?
"Sa Rue..Andon kasi sila Sid.Mababait naman mga friends ko kasama din nila mga gf nila..Kaya dont worry di lang ikaw yun babae.
"Okay..
Maya maya lang dumating na ang food namin at nagstart na kami kumain.Marami napapatingin sa amin kahit nasa sulok na kami ni Liam.Siguro kilala sya dito sa Cebu.
"Hon try this..
"Masarap..
"Lagi ko to inoorder dito..
"Masarap sya..No wonder.
"San ka nga pala nagsstay sa Manila Hon?
"Nagrerent ako apartment sa Taguig.Before kasi room lang nirerent ko kaso binigyan ako ni Cade ng kotse non nakaclosed deal ko un isang big account.Kaya yun lumipat ako.
"Wala ka kasama?
"Wala Hon kasi 1 bedroom lang yun.Need ko lang talaga parking space kaya ko lumipat don.Nagiipon pa ako balak ko mamili ng condo sa BGC.
"May condo ako sa BGC gusto mo don ka nlang magstay.Tutal minsan lang naman ako andon.
"Hmm im good Hon pag nasa Manila ka nlang.Okay naman ako don sa apartment ko ngayon.
"Sure ka?
"Yeah..Anyway ano sked mo pagpunta mo Manila."
"Icheck ko lang yun place Hon.Ongoing pa kasi yun construction ng bldg.Pinagiba namin kasi yun lumang bldg kesa irenovate para mas lumaki.Nga pala sa Zobel ko ibibigay ang account non para sa supplies ah..
"Okay lemme know Hon.
"Yeah gusto ko ikaw humawak ng account para may excuse ako sa boss mo para makita ka.
"Hahahaha ikaw talaga..
"Ikaw ba busy ka nextweek?
"May client meeting lang ako sa Monday 2pm pero saglit lang yun.Tues na ako magrereport sa office tas nasa office lang ako buong week.Dami ko pending na paperworks..
"Puwede bang wag ka muna mag OT habang nasa Manila ako?
"Yes Hon..Pero imeet natin sila Aila sa Monday nagyaya sila magbar.
"Sure pero sa condo tayo magstay habang nasa Manila ako.
"Okay kukuha lang ako ng damit sa apartment.Sa apartment muna tayo dumiretso bago tayo pumunta sa condo mo.
"Okay sige.
"May sasakyan kaba sa Manila?
"Yeah pinakisuyuan ko lang un isang guard don na tignan tignan pag wala ako.
"Okay sige..
After namin kumain nagretouch lang ako at pumunta na kami sa Rue at nagtxt na ang barkada ni Liam na andon sila.Kaya nagyaya na din si Liam.Pagdating namin sa bar andami tao dahil friday gimik day talaga..Nakaakbay sa akin si Liam non papasok kami sa bar.May mga bumabati pa sa kanya.
Paglapit namin sa table ng mga friends nya nakatingin sila sa amin.Specially sa akin.Muka naman friendly yun mga babaeng kasama nila kasi mga nakangiti naman sa amin.
"Pre akala namin di na kayo susunod e..
"Kumain pa kasi kami.Galing kasi kami convention.By the way guys this is my girlfriend China..Hon mga barkada ko Sid, Kai, Parker, Mateo and si Lukas. Then mga girlfriend nila Yara, Stacey, Laurine, Keily and Vera.
"Hi sa inyong lahat..
"Hi China."-bati naman nila sa akin.
Magkatabi kami umupo ni Liam.Nakaakbay naman sya sa akin.Tumawag sila ng waiter para makaorder kami.
"Hon anong gusto mo?"-bulong pa sa akin ni Liam.
"Margarita nlang Hon..
Narinig ko naman nagsipagorder din sila.
"Finally nakumpleto din tayo.."-Sid
"Kaya ang bubusy nyo ehh"-Kai.
"Nako lalo na yan si Liam.Panay nasa Manila.."-Parker.
"Hahaha dami ko pa kasi inaasikaso don sa Manila branch namin eh."-Liam.
"So tuloy na tuloy na pala ang paglipat mo sa Manila?"-Lukas.
"Yup ako maghahandle non pauwe na si Lennox sya ang maghahandle dito.."-Liam.
"Ohhh uuwe na si Lennox.."-Sid.
"Yeah nagsawa na sa US."-Liam.
"E si Lyle ba?"-Parker.
"Baka umuwe na din kasi baka sila ni Lennox ang maghandle dito sa Cebu.
"Ohh i see.."-Sid.
"So Pre sya ba yun kinukuwento mo sa amin gusto mong ligawan non nakaraan tayo magkakasama?"-Mateo.
"Yes sya yun.."-Liam
"Now i know bakit mo gusto ligawan.."-Sid
Nakangiti naman si Liam sa kanila.
"Oo nga buti nahanap mo sya.Diba sabi mo di nagrereply sayo sa messenger?"-Mateo.
"Hahaha yeah.Buti nlang ako yun umattended ng convention si Gideon sana ang papapuntahin ko.Nagkita kami sa convention sya kasi ang pinadala ng Zobel na representative.."Liam.
"Sa Zobel ka nagttrabaho?"-Vera.
"Yeah.."-nakangiti ko naman sagot.
"Diba mahirap makapasok don totoo ba ang tsismis?"-Keily.
"Yeah madami bumabagsak sa interview.Nun nagapply ako nasa 70 ata kami 18 lang ang pumasa.Then 10 nlang kami natira kasi yun 8 di nakatagal."-paliwanag ko naman sa kanila.
"Grabe nga daw don sa Zobel dadaan ka sa butas ng karayom bago ka makapasok pero worth it naman daw pag don ka nagwowork panay OT nga lang daw.Pero malaki magpasahod.-Stacey.
"Yun nga lang panay OT.."-Chin.
"Pero maganda daw benefits nyo?"-Yara.
"Yeah may health insurance may food at transpo allowance kasi lagi kami out of town.Then may 3% kami sa nacclosed deal namin..Galante din yun boss namin..Basta magaling ka galante magbigay ng bonus bukod sa 3% na nasa kontrata.Then free gadgets may laptop ipad at latest iphone naka postpaid company nagbabayad.If malayo ang bahay mo sa office may sleeping quaters sila sa mga employee."-China.
"Grabe kaya naman pala andami gusto magapply sa kanila.."-Vera.
"Nadidinig ko nga kila Fiona.Kasi nagtry ata un pinsan nya don bagsak sa final interview."-Stacey.
"Yun Ceo kasi mismo sa final interview."-China.
"Kaya kinabahan daw kasi at ang guwapo non naginterview.Nablockout sya.Hahaha.."-Stacey.
"Hahaha si Cade guwapo nga mabait din yun akala lang ng iba masungit pero once nakapasok kana sa Zobel makikita mo yun kakulitan nya.."-China.
"May gf na ba yun?"-Vera.
"Ngayon ata wala.Sobrang busy kasi non.""-China.
"So maiba naman tayo.Pano kayo nagkakakilala ni Liam?"-Laurine.
"Magschoolmate kami non High school ni China.Crush na crush ko na sya noon pa.Kaso non magtatapat na ako may nauna sa akin kaya di ko natuloy yun pangliligaw ko sa kanya.Kaya non nakita kong nagbreak na sila ng ex nya nagpm agad ako sa kanya kaso di na pala sya nagoopen ng socials nya kaya di nya nababasa kaya non nagkita kami sa convention niyaya ko sya agad magdinner yun na yun start.."-Liam.
"Infairness Liam talagang di kana nagpatumpik tumpik.."-Vera.
"I really like her kahit noon pa.Buti nlang ngayon nabigyan na kami ng chance."-Liam.
"Hmm pano yan LDR kayo.."-°Yara.
"Yeah pero balak ko sya dalawin lagi sa Manila."-Liam
"Iba talaga mainlove tong si Montemayor ehh.."-Sid
Nagtatawanan naman kami.Nagkukuwentuhan sila Liam about sa negosyo kaya kila Vera ako nakipagkuwentuhan mababait naman sila kaya mukang okay naman ako sa kanila.
"Alam mo China di na ko nagtaka na nagustuhan ka ni Liam.."-Laurine.
"Oo nga kahit ako.."-Stacey.
"Magaan loob namin sayo Chin.Muka naman mabait ka.."-Vera.
"Hahaha salamat.."-Chin.
"Alam mo ba yan si Liam mapili yan sa babae.Dami nagpapapansin jan pero bibihira yan makipaglandian sa babae.Mataas respeto niyan sa mga babae.Never ko pa nga ata nadinig yan nagloko e.Kasi kahit yun ex nya kaya sila naghiwalay un ex nya may kasalanan..Pero di namin feel yun yun ex nya maldita."-Laurine.
"Oo nga pag sinasama yun ni Liam di man nakikipagkuwentuhan sa amin.Panay lang nag ccp."-Yara.
"Oo tas panay nakadinig kay Liam kala mo aagawan ng bf.Apakaselosa pa.Ending sya pala ang magloloko kaya buti nga naghiwalay sila.Buti nlang din nareliaze ni Liam na attitude yun ex nya.."-Stacey.
"Shhh madinig kayo ni Liam.."-Vera.
"Totoo naman kasi.."-Yara.
"So san ka pala nakatira China?"-Vera.
"Ngayon sa Manila."-China
"Taga don ka talaga.?"-Yara.
"Nope taga San Felipe ako don kami nagkakilala ni Liam.Lumuwas ako sa Manila kasi namatay na parents ko wala naman akong kapatid.Sa Manila ako naghanap ng work.Buti nlang napasok ako Zobel.Kayo pano kayo nagkakilala ni Liam"-China.
"Dito sya nagaral non Elementary umalis lang sila dito non highskul na sya.Pero pag summer at pasko nadalaw sila dito sa Cebu.Magbabarkada ba sila nila Sid noon pa.Kami naman gf nila kaya eto sabit kami pag lumalabas sila.."-Stacey.
"Pupunta ba kayo sa bday ni Lukas.Wag kayo mawawala Chin ah.Sumama ka."-Laurine.
"Yup sabi ni Liam sasaglit kami.Magdidinner lang daw muna kami sa bahay nila at padating ang Mommy nya sa Sunday."-China.
"Ohhh ipapakilala ka ni Liam.Nako mabait yun si Tita Leina.Im sure makakasundo mo sila.Nakilala mo naba mom nya?"-Yara.
"Hindi pa eh pero nakita na ko ng Mom nya at kilala daw parents ko.."-China.
"Oo nga.Yun Mommy ni Liam mapapasana all ka nlang bampira yun di tumatanda akala mo nasa 30's palang.Pag nakita mo Mommy nya akala mo Ate nya lang.."-Keily.
"Oo China nako ang ganda ng Mommy niyan."-Yara
"Sabagay ang pogi din kaya nilang magkakapatid.Nakita mo na yun bunso nila.Ang gandang bata din non.."-Yara.
"Di pa wala pa ko nameet sa kanila.."-China.
"Nako wag ka magaalala mababait ang pamilya ni Liam.Mana sila sa Lola at lolo nila.."-Stacey.
"Oo kahit mayayaman apakadown to earth.."-Keily.
"Kaya nga nagustuhan ko sya.Apakabait wala akong masabi.Non highskul kasi kami crush na crush ko sya.Lagi ako tinutukso ng mga friends ko pag nakakasalubong nami sila magbabarkada.Naging muse kasi nila ako sa basketball kaya kami nagkakilala.Panay naman sya nagttxt noon sa akin kaso that time may nililigawan sya.Kaya nagulat ako non nagtapat sya sa akin kaso may nauna ng nagtapat sa akin.Ayoko naman magpaasa kaya i said no non una sya nagsabi."-China.
"Pero buti nlang nagtagpo ulit kayo.Baka kayo talaga ang nakatadhana.."-Stacey.
"Oo nga bagay naman kayo eh..Ang ganda ganda mo kaya Chin kaya pala crush na crush ka ni Liam eh.."-Laurine..
"Oo nga alam mo ba ilan beses na yan inaalok nila Sid na irereto o may ipapablind date ayaw.Di daw sya interesado at may gusto syang ligawan."-Yara
"Ilan buwan ka na din niyan inaantay magreply.Lagi kasi nila niloloko yan si Liam kaya nadidinig namin.."-Stacey.
"Bakit nga ba di ka nagoopen ng socials mo.."-Keily.
"Galing kasi ako sa breakup 10yrs kaya iniwasan ko.Effective naman nakamove on ako.Pero yeah yaan nyo iopen ko socials ko para mabasa ko msg ni Liam.."-China.
"Ohh antagal 10yrs? Bakit kayo naghiwalay.Nambabae?"-Yara.
"Grabe sa ganda mong yan lolokohin kapa.."-Keily.
"Nafallout of love sya eh.Mahirap naman pilitin ang ayaw diba.Kaya hinayaan ko na lang.Ewan if nagloko sya di ko na inalam basta non sinabi nya gusto na nya makipaghiwalay umoo nlang ako.."-China.
"Grabe may mga ganon pala talaga noh kahit ang tagal nyo na."-Keily.
"Di ba kayo nagbalak magpakasal.."-Stacey.
"Nagbalak kaso nagbago isip nya eh.Don palang ramdam ko na kaya expected ko na yun mangyayari.."-Chin.
"Pang ilan bf mo?"-Laurine.
"1st pangalawa ko palang si Liam.."-Chin..
"Grabe buti nakayanan mo.."-Yara
"Kailangan kayanin kasi ulilang lubos na ako.Kailangan kong maging matatag kasi ako nlang magisa.."-China.
"Wala ka bang kamagnak?"-Yara.
"Meron kasi di ko kakilala sabi lang ng Papa ko nasa Manila at Cebu.Never ko naman nameet."-Chin.
"Only child ka?"-Keily.
"Yup.."-China.
"Walang kang friends?"-Stacey.
"Madami sa San Felipe.Yun friends ko parang samahan nyo yun sa amin.Friends din sya ng ex ko.Kaya non naghiwalay kami umalis ako ng San Felipe para mabilis makapagmove on.Ayun un bestfriend ko iyak ng iyak.Kasi 2mons akong di nagparamdam sa kanila.."-China.
"Grabe kahit sa akin naman mangyari yon 10yrs ay aalis talaga ako at lalayo.Saka girl yun ganda mo yan.Di ka mahihirapan maghanap ng lalaki."-Keily.
"Oo nga muka ka naman mabait bukod sa maganda ka.Maayos ka makisama.Kaya suwerte ni Liam sayo.."-Yara
"Buti naging kayo agad.."-Keily.
"Gusto naman namin ang isat isa.Saka kung bubuksan ko ang puso ko gusto ko yun kilala ko na at alam ko mapagkakatiwalaan.
Nagusap naman kami ni Liam pareho namin gusto magwork yun nasimulan namin.Masaya naman kami so why not give it a try.."-China.
"Sabagay bakit pa papatagalin.Mabait naman yan si Liam im sure magtatagal kayo.."-Laurine.
"Oo nga sa pagkakilala namin jan okay yan.."-Yara.
Napalingon naman ako kay Liam ng binulungan nya ako..
"Okay ka lang Hon?"
"Yup mababait ang mga friends mo..Im good.
" I know makakasundo mo sila.
Ngumiti naman ako sa kanya kaya hinalikan nya ko sa noo.
"Order pa kita drinks?
"Okay margarita ulit..Thanks.