"I'M sorry. Sa salas na lang sana ako maghihintay kaso hinila ako ni Sebastian dito," paghingi ng pasensiya ni Khai. Napakurap-kurap ako at napatayo mula sa kinauupuan nang matantong talagang nandito siya ngayon sa aking harapan. Saglit na nawala ang tingin ko kay Khai nang mapansin si Keeyana. Mabilis niyang kinuha si Sebastian mula kay Khai at sumenyas sa akin bago lumabas ng kwarto nang dala na ang bunsong kapatid namin. Narinig ko pang sinaway niya ito sa ginawa. Nang maiwanan kami ni Khai sa loob ng kwarto ay namagitan sa amin ang katahimikan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin lalo na't naguguluhan ako sa biglaang pagsulpot niya rito sa bahay namin. "Uhm... paano ka nakarating dito?" tanong ko nang sa wakas ay nagawa nang makapagsalita. Pilit kong ginagawang kalmado at kaswal a

