"I'M Khairros Hakenson, Ma'am," pormal na pagpapakilala ni Khai habang kaharap niya ang ina ko. Inilahad niya pa ang kamay. Napapamaang tuloy na tinanggap ito ni Mama. Nang bitiwan ang isa't isa, awtomatikong lumingon ang ina ko sa akin. Bahagyang napangiwi ang mukha ko nang makita ang itsura niya. Sa paraan pa lang ng pagtingin niya sa akin ay alam ko na agad na kung ano-anong ideya na ang tumatakbo sa isipan niya. Napabuntong hininga ako at bumaling sa mga kapatid. Lahat sila ay kumpleto at pinapalibutan ang ina ko. Halos lahat sila ay seryoso at tila sinusuri ng tingin si Khai, tanging si Sebastian lang ang nakangiti. Tuwang-tuwa talaga kay Khai. "Amo ka ng anak ko, tama ba?" Baling muli ni Mama kay Khai. Napatingin sa akin si Khai. Tila hindi alam kung o-oo ba siya sa tanong na 'yo

