"ANO?" Kinakabahan akong nagpakawala ng tawa. "I said I want to buy a car for Keith." Tinigilan ni Katie ang ginagawa sa harapan ng dresser at pumihit na paharap sa akin. Istrikto ang ekspresiyong nasa mukha niya nang pukulin ako ng tingin. "Malinaw kong narinig ang sinabi mo, pero bakit kailangan nating bilhan siya ng kotse? Puwede naman siyang mag-commute na lang. Isa pa, wala pa ngang twenty si Keith pero bibilhan mo na agad ng sariling kotse." Naglakad ako palapit sa kanya. Muli ko siyang pinaharap sa salamin at hinawakan sa magkabilaang balikat. Marahan ko itong pinisil-pisil na tila minamasahe siya. "But Keith just graduated from senior high last month. It will be our present for her." "But you gave her a new phone last month as a graduation gift." Nawalan ako ng imik. Pilit k
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


