"HAPPY birthday!" Natigilan si Katie sa mismong b****a ng bahay nila nang makita ang sumalubong sa kanya. Saglit siyang natulala bago natanto ang nangyayari sa harapan niya. Marahan akong napangiti at naglakad palapit sa kanya habang dala-dala ang cake. Ang mga magulang, kapatid, at kaibigan naman niya ay nagsisimula nang kumanta ng 'happy birthday" para sa kanya. Nang tuluyang makalapit kay Katie ay nakita ko ang pagkinang ng mga mata niya. Tila anumang minuto ay handa nang maiyak dahil sa surpresang inihanda namin para sa kanya. "Happy birthday, Katie," bati naming lahat nang matapos sa pagkanta. Naitakip niya ang palad sa bibig habang gulat na gulat pa rin. Marahan akong natawa at isinenyas ang hawak kong cake. "Make a wish, Katie." Lumunok siya at inalis na ang palad sa bibig. N

