PALIHIM kong pinagmamasdan ang mag-ama habang sabay silang nag-aagahan. Pakiramdam ko ay may kakaiba ngayong araw. Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik nila habang nag-aagahan. Ni hindi man lang nag-uusap o nagpapansinan. Kahit si Khai ay parang kakaiba rin. Masyado siyang seryoso at halos magdikit na naman ang dalawang kilay. Kanina rin, nang magtama ang mga mata namin ay maliit na ngiti lang ang iginawad niya sa akin. Mas lalo akong binagabag ng ikinikilos ng mag-ama nang hanggang matapos sa pagkain ay nanatili silang mga tahimik at seryoso lang. Hindi na rin sila nagtagal pa sa bahay at umalis na rin. "Lily," tawag pansin ko kay Lily na siyang katulong ko sa pagliligpit ng pinagkainan ng mag-ama sa lamesa. "Bakit?" tanong niya habang ipinagpapatong-patong ang mga plato. "Na

