PATINGIN-tingin ako sa orasang nandito sa kusina habang pinupunasan ang bagong hugas na mga pinggan. Patapos na ako at iilan na lang ang kailangang punasan. "Katie." Napatingin ako kay Manang Cecilia nang lumapit siya sa akin. "Po?" "Halika muna saglit." Tumango ako at tinigilan na ang ginagawa. Tumayo na ako sa kinauupuan at sumunod sa kanya nang bahagya kaming lumayo sa iba. "Maligo ka na," aniya nang kaming dalawa na lang. "Ano po?" naguguluhan kong tanong. Lumapit siya sa akin na tila ba ayaw niyang may makarinig sa sasabihin niya. "Nasabi sa akin ni Sir Khai na may lakad kayo ngayong gabi." Nabigla ako sa narinig. "Pero hindi pa po tapos ang mga gawain natin." "Ano ka ba, Katie? 'Yong mga plato na lang naman ang gagawin. Pagtapos nyan, wala na. Kaya sige na, mauna ka nang

