Chapter 39 - Tease

1913 Words

"MAY utos daw sa 'yo si Sir Khai." Napabuntong hininga ako nang marinig ang sinabi ni Sonya. "Sige. Pupuntahan ko na lang." "Nagiging madalas na naman ang pag-uutos sa 'yo ni Sir Khai. Halos ikaw na nga lang ang inuutusan niya sa atin," puna naman ni Lily. Bakas ang kuryusidad at pagtataka sa mukha niya. Hindi agad ako nakaimik at nag-isip ng idadahilan. "Hayaan mo na, Lily. Kung gusto mo, ikaw na lang ang gumawa ng mga inuutos ni Sir Khai." Napatingin ako kay Manang Cecilia nang makisali na siya sa usapan, inaawat si Lily. Nakaramdam agad ako ng hiya lalo na nang maalala ang gabing nahuli niya kami ni Khai sa kusina. Nang magkahawak pa ng kamay! "Sige na, Katie. Puntahan mo na si Sir Khai," ani Manang Cecilia nang bumaling sa akin. Nahihiya pa rin nang tumango ako. "Sige po..."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD