"Mommy i'm so sorry.. i'm really really sorry.." umiiyak na sabi ni Jane habang inaalo ito ni Lucia. Limang araw na rin simula nung nangyaring paghihiwalay nila ng anak nito pero hanggang ngayon ay di parin niya matanggap ang ginawang pakikipaghiwalay nito sa kanya. Pagkatapos ng pag uusap nilang yun ni Coleen ay wala siyang ibang nagawa kundi umiyak lang ng umiyak. Saka na lang niya narealize lahat lahat at sinubukang habulin si Coleen sa airport pero nakaalis narin ito. Ginawa niya lahat para sundan ito kinabukasan pero nakarating sa mga magulang niya ang nangyari at di sila nito tinulungang makaalis para habulin si Coleen sa Spain. Lumapit din siya sa Lolo Altheo niya dahil alam niyang marami itong connections na pwede nitong magamit pero nakausap na pala ng Daddy niya ang matanda at

