COLEEN'S POV Nakatutok ang mga mga ko sa kalsada habang nagmamaneho ako pabalik ng Manila pero malayo naman ang lipad ng isip ko. Bumabalik balik kasi sa utak ko lahat ng sinabi sa akin ni Lolo Altheo kanina. He's right. Mahal ko pa ang apo niya. Pero talagang di ko pa ito kayang harapin dahil sa galit na nararamdaman ko dahil sa ginawa niya. Dumadagdag pa lalo ng may nakarating sa akin na may nakakita daw dito sa isang bar na lasing at may kahalikang babae. Di ko nalang binanggit pa yun sa kanya nung huli kaming mag usap dahil baka lalo lang akong sumabog sa galit. Alam ko ding kapag hinarap ko lang siya ngayon di lang magiging maganda ang kakalabasan nun dahil kilala ko ang sarili ko. Once na galit ako. Galit ako at wala akong pakikinggan, makakapagsalita lang ako ng pwedeng mas maka

