COLEEN'S POV Alas kwatro na ng umaga pero kanina pa ako nakatitig sa mukha ng babaeng masarap na natutulog sa tabi ko habang nakayakap siya sa akin. Halos mag aalas tres na rin kasi kaming nakatulog dahil sa pagkamiss namin sa isat isa kaya naman himbing na himbing siya sa pagtulog dahil sa antok. Parang body clock ko nalang ang gumising sa akin dahil sanay akong nagjojogging kapag ganitong oras. Mahal na mahal ko talaga ang matigas ang ulo at selosang babaeng ito kahit pa lagi niyang pinapataas ang timpla ng dugo ko at di niya sinusunod ang mga sinasabi ko. Kinilig ako ng malaman na bumyahe pa ito by land kasama ang driver niya para lang makasunod dito sa Baguio ng malamang nandito ako. Inamin na rin niya na nagkamali siya dahil di man lang niya ako pinakainggan, nadala lang daw sya sa

