"After you Ma'am." Andito si Coleen at Arthur sa Golden Pine Hotel sa Baguio, dito na sila dumiretso pagkatapos nilang maisarado ang deal sa mga Paredes na isa sa nagmamay ari ng malaking strawberry farm dito at kilala ding nangungunang supplier sa naglalakihang mga malls. Two consecutive days din silang wala halos pahinga ni Art dahil sa mga nadelay niyang mga appointment dahil sa ginawa niyang paghabol kay Jane noon. Kailangan din kasi nilang maghintay pa ng isang araw bago makabalik ulit sa Manila si Mr. Cheng na isa sa importanteng tao sa likod ng Banking na kailangang kailangan nila. "Ma'am nasa room 302 lang po ako kapag kailangan mo ako." Tumango naman siya bilang sagot dito. Maaga na lamang silang babalik ng Manila bukas pagdating ng chopper na ipapadala ng CBCT na siyang susun

