Tila nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ako nakasagot kay Ulan at makailang beses lamang akong napalunok. Maging sa buong byahe ay makailang ulit pa akong nilingon ni Ulan at tinanong kong ayos lang ba ako pero ni isang salita ay walang lumalabas sa bibig ko. Kinakabahan ako sa maaring nangyari. Kaya naman ng makarating kami ni Ulan sa bahay nila ay agad na akong bumaba ng kotse niya. Mataas at malakas pa ang apoy nang nadatnan namin. Agad akong lumapit kay Diego at tinanong kung nasaan sina Chel, pero hindi niya ako pinapansin. Hindi niya ako magawang sagutin. Bakas rin ang pag aalala sa mga mata niya. "Kuya, nasaan si Chel?" naiiyak kong tanong. Umiling lang siya sa akin. At hindi ko magawang makuha 'yong ibig sabihin ng pag iling niya. "Kuya, magsalita ka naman!" Napahugot siya n

