Natigilan ako. Napalunok at tila nalagutan na ng hininga dahil sa paninigas. Kung ako ang nasa posisyon ni Sidney at narinig ko 'yon mula sa bibig ng taong mahal ko ay siguradong masasaktan ako ng sobra. “T-then why are you two in a relationship?” “To add some spice? Ewan ko, boring ang buhay kung walang romance, future wife.” Napakagat ako sa labi ko. “Ikaw?” “Ako? Anong ako?” “Nagka-boyfriend ka na?” Mabilis akong umiling. “H-hindi pa.” He pouted, pinipigilang mangiti. “Ano namang nginingiti-ngiti mo d'yan?” tanong ko nang napansin 'yon. “Ako pala ang first boyfriend mo kung ganun,” aniya sabay subo ng isang buong sushi. “Ulan, hindi nga tayo,” may diin ang bawat katagang sabi ko. “Future wife, we're engaged! Kung ayaw mong girlfriend kita, e anong tawag mo sa relasyon natin

