Pagkaraan ng ilang sandali ay bigla siyang ngumiti. “Silly me,” natatawang aniya. “Sorry, Kelsi. I just thought. Go ahead, magpahinga ka na.” “Sino po ba ang kausap niyo?” Sandali siyang natigilan. “Investors...” sabay ngiti niya. “Umakyat ka na sa kwarto mo.” Ngumiti ako at tumango sa kanya at saka nagtungo na sa kwarto ko. Ako : I'm sorry. Napabuga pa ako ng hangin matapos kong i-send ang mensahe ko para kay Ulan. Nagsasabi lang naman ako ng totoo na wala akong feelings para sa kanya pero bakit parang nakokonsensya pa rin ako? Ilang saglit pa akong naghintay sa reply niya pero walang dumating. Hanggang sa nakatulugan ko na lamang. Kinabukasan, ay tanghali na akong nagising. Kung hindi pa siguro ako kinatok ni Kuya Diego ay hindi pa siguro ako magigising. “Kelsi, magpapa-ulcer

